Floreza POV BUMUNTONG hininga ako habang kumakain ng hamburger. Masarap naman ang hamburger pero hindi ko yun masyadong nae-enjoy dahil lutang ang isip ko sa ibang bagay. "Uy beh, ayos ka lang? Kanina ka pa panay buntong hininga. May problema ka ba?" Nilingon ko si Denice na ngumunguya din ng burger nya. Vacant time namin at nagkayayaan kaming magkaklase na kumain dito sa malapit na fast food. Tamang tama na malapit na rin naman ang lunch time. "Ayos lang ako Denise. May iniisip lang." Sabi ko at ngumiti sa kaibigan. "Anong iniisip mo?" Dumikit sya sa akin. "Lalaki ba yan?" "Hindi ah!" Tanggi ko at binangga sya ng braso ko. Humagikgik naman sya. Napatingin naman sa amin ang iba naming kaklase na abala din sa mga pagkain nila habang naghuhuntahan. "Akala ko lalaki iniisip mo, e

