***Floreza POV*** HININAAN ko ang volume ng tv nang may marinig na mga katok. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa kama at lumapit sa pinto. Binuksan ko yun at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Ate Stacey. Nakapantulog na sya. Oversized t-shirt ang suot nya. "Ate, ikaw pala." Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok sya. "Pwede ba akong mag sleep over here?" Tanong nya pagpasok. Mahina naman akong tumawa at nilock ang pinto. "Oo naman." "Yey! Namiss ko na kasing katabi ang baby sister ko." Aniya at yumakap pa sa tagiliran ko. Humagikgik naman ako. "Ako rin ate, namiss na rin kitang katabi." "Pwes, magiging madalas na ang pagtabi nating matulog sa gabi dahil magkatabi na tayo ng kwarto. Pwede ring doon ka sa kwarto ko matulog minsan." Sabay na kaming sumampa ni Ate

