Floreza POV RAMDAM ko ang mga mata ni Ate Stacey na nakasunod sa akin habang papalapit ako kay Sir Remus dala dala ang kape nya. Alam kong nagtataka sya kung bakit ako ang may dala ng kape ng uncle nyang pinaglihi sa kasungitan. Kahit nga sila Nanay Rosita at Tatay Rogelio ay hindi makapaniwala na ako na ngayon ang nakatoka sa pagtimpla ng kape ni Sir Remus. Kailangang sundin ang utos ng hari at hindi pwedeng tumanggi. Dahan dahan kong nilapag ang saucer na may tasa ng kape sa tabi ng plato ni Sir Remus. Higit higit ko pa ang hininga at kinontrol ko ang mga kamay na huwag manginig. Pero para akong nakuryente ng dumikit ang kamay ni Sir Remus sa kamay ko nang kunin nya ang tasa. Tila napapasong mabilis kong binawi ang kamay. Sumulyap pa sya sa akin. Nag iwas naman ako nang tingin at tum

