Chapter 4

1560 Words
Floreza POV BUMUNTONG hininga ako habang nakatingin sa labas ng bakod at tinitingnan ang mga sasakyang dumadaan. Hinihintay ko ang pagbabalik ni Ate Stacey. Nangako sya sa akin na babalikan nya ako. Pero bakit ang tagal nya? Maraming araw na at linggo ang lumipas pero di pa rin sya bumabalik. Kinalimutan na ba nya ako? "Sabi na e, nandito ka." Hindi ko pinansin si Buknoy at nakatingin lang sa mga sasakyan. Pero bahagya nya akong tinulak sa balikat. "Huy!" "Ano ba! Epal ka naman e." Asik ko kay Buknoy at inirapan sya. "Para ka kasing tanga dyan. Binibilang mo ba ang mga sasakyan na dumadaan?" Natatawang sabi nya. "Wala kang pakialam." "Ah, alam ko na. Hinihintay mo ang ate mo, no? Sabi ko naman sayo hindi na babalik yun, eh. Nakalimutan ka na nya. Masarap na kasi ang buhay nya sa mayamang uncle nya." Sinamaan ko ng tingin si Buknoy. "Hindi totoo yan. Hindi ako nakalimutan ni ate. Nangako sya eh." "Huu! Asa ka pa. Huwag ka nang umasa." Pang aasar pa sa akin ni Buknoy. Sa inis ko sa kanya ay sinuntok ko sya sa mukha na ikinadaing nya. "Bakit ka nanununtok?" Angil ni Buknoy sa akin. "Bwisit ka kasi!" "Bwisit ka din!" Gumanti din sya ng suntok sa akin na ikinahiyaw ko dahil natamaan ako sa bandang mata. Hindi naman ako nagpatalo at nagsuntukan na kami hanggang sa nagsabunutan. "Ang panget mo!" "Mas panget ka!" "Payatot!" "Baboy!" Malakas kong tinulak si Buknoy at napahiga sya sa lupa. Agad naman syang bumangon at tinulak din ako. Pero napaupo lang ako sa lupa at muli na naman kaming nagpambuno. "Uy! Si Floreza at Buknoy o, nag aaway!" "Lapitan natin." "Isusumbong ko sila kay Sister Cynthia." Walang bumitaw sa amin ni Buknoy kahit nasasaktan na kami. Nagchi-cheer pa ang ibang mga bata na nanonood sa amin. Naiinis ako sa kanya. Nagagalit ako sa kanya. Hindi kami bati. "Floreza! Buknoy! Magbitiw kayo!" Dumating si Sister Cynthia at pinaghiwalay kami ni Buknoy. "Ano ba ang nangyayari at bakit kayo nag aaway na dalawa?" Tanong ni Sister Cynthia. "Sya po ang nauna sister." Turo sa akin ni Buknoy. "Ikaw kaya!" Di papatalong sabi ko at hinawi ang magulong buhok dahil sa sabunot ni Buknoy. Masakit din ang anit ko. "Anong ako? Ikaw ang nauna." "Ikaw kaya! Nananahimik ako dito ginugulo mo. Epal ka kasi!" "Ikaw ang nauna!" "Ikaw!" "Ikaw!" "Tumigil kayong dalawa!" Malakas na ang boses na saway ni Sister Cynthia. Natahimik naman kami ni Buknoy. Bumuntong hininga si Sister Cynthia at salitan na tumingin sa amin ni Buknoy. "Hay! Bakit ba nagsama kayong dalawang pinakamakulit." Hinawakan ni Sister Cynthia ang kamay namin ni Buknoy. "Halika kayo sa office ni mother superior." Hinila na kami ni Sister Cynthia papunta sa opisina ni Mother Superior Esmeralda. Nagtinginan kami ni Buknoy at nagbelatan.. Sa loob ng opisina ni Mother Superior Esmeralda at sa harap nya ay nakatayo kami at nakayuko ni Buknoy. Mabait si Mother Superior Esmeralda pero takot kaming lahat sa kanya. "Ano ba ang pinag aawayan nyong dalawa?" Sabay kaming lumingon sa isa't isa ni Buknoy habang nakayuko. Inirapan ko naman sya. "Sumagot kayo. Kinakausap kayo ni mother superior." Untag sa amin ni Sister Cynthia. "Si Floreza po ang nauna, mother superior. Bigla nya po akong sinuntok sa mukha. Hindi ko naman po sya inaano, e." Sumbong ni Buknoy. Napanguso naman ako at lalong yumuko. "Floreza, totoo ba ang sinasabi ni Buknoy?" Tanong sa akin ni mother superior. Nag angat ako ng tingin. "Inaasar nya po kasi ako mother superior. Sabi nya hindi na raw po ako babalikan ni Ate Stacey kasi n-nakalimutan na daw po ako." Pinahid ko ng kamay ang luhang pumatak sa pisngi ko. Bumuntong hininga naman si Mother Superior Esmeralda at salitan na tumingin sa amin ni Buknoy. "Hindi dapat kayo nag aaway, mga anak. Dapat ay nagmamahalan kayo dahil para na kayong magkakapatid dito. Ayoko nang mauulit ito. Sa susunod na mag aaway pa kayong dalawa ay paluluhurin ko na kayo sa asin. Naiintindihan nyo ba ako?" Sabay kaming tumango ni Buknoy. Ayokong lumuhod sa asin dahil masakit yun. "O sya, magbati na kayong dalawa. Humingi kayo ng sorry sa isa't isa." Nagtinginan kami ni Buknoy at sabay na nanghaba ang aming mga nguso. "Sorry Floreza." "Sorry din Buknoy." Sabi ko, pero galit pa rin ako sa kanya. Alam kong galit din sya sa akin. Pinaplastik nya lang ako para hindi mapagalitan ni mother superior kaya paplastikin ko din sya. "Huwag na ulit kayong mag aaway. Ayokong nag aaway kayo." Malumanay na sabi ni mother superior. "Opo." Sabay naming sambit ni Buknoy at nagmano kami kay mother superior. "Kaawaan kayo ng Diyos mga anak. O sya, bumalik na kayo sa paglalaro nyo. Wala nang away, ha." "Opo, mother superior." Sabay na kaming lumabas sa opisina ni Buknoy sa opisina ni Mother Superior Esmeralda. Nagtinginan kaming dalawa at nagbelatan sabay takbo sa magkasalungat na direksyon. Ako naman ay tumakbo patungo sa kwarto habang umiiyak at inaalala si Ate Stacey. . . Third POV "NAAAWA na ako kay Floreza, mother superior. Lagi na syang malungkot at matamlay simula ng iwan sya ni Stacey. Medyo nangangayayat na nga sya at baka magkasakit na." Ani Sister Cynthia. "Wala na tayong magagawa riyan, Sister Cynthia. Ipagdasal na lang natin na malampasan ni Floreza ang kalungkutan na pinagdadaanan nya ngayon." "Wala po ba talagang balak si Mr. Gallardo na kupkopin na rin si Floreza bilang parang kapatid na sya ni Stacey." "Hindi ko alam, sister. Wala namang nabanggit sa atin noon si Mr. Gallardo." "Pero nangako sya kay Stacey." "Maaaring pinangakuan lang nya si Stacey para hindi na mangulit pa. Sa tingin ko ay wala naman talagang balak na kupkopin ni Mr. Gallardo si Floreza dahil nakikita ko sa mga mata nya ang nagniningas na apoy ng galit sa tuwing mababanggit ang batang yun. Malaki ang galit nya sa mga rebeldeng magulang ni Floreza." Bumuntong hininga si Sister Cynthia. "Kaawa awang bata. Dahil sa kasalanan nang kanyang mga magulang pati sya ay nadadamay. Kung sana lang ay may gustong umampon sa kanya." Marami na ang nagtangkang umampon kay Floreza dahil bibong bata ito at cute pa. Pero kapag nalaman na ng mga gustong umampon ang pinanggalingan nito ay inaawayan na ito. Natatakot sila na lumaking rebelde din ito. . . Gallardo Mansion.. MARAHANG kumatok si Stacey sa makapal na pinto ng library office. "Come in." Narinig nya ang malaking boses ng kanyang Uncle Remus. Pinihit nya ang doorknob at dahan dahang binuksan ang pinto. Nakita nya ang kanyang uncle na abala sa hawak na mga papel. Pumasok sya at tahimik na sinarado ang pinto. Nag angat ng mukha si Uncle Remus at tumingin sa kanya sabay ngiti. "Ikaw pala Stacey. Come here." Lumapit si Stacey sa kanyang uncle at humalik sya sa pisngi nito. "How's school sweetie?" "Ayos lang po uncle. Ginalingan ko po sa school. Perfect po ako sa quiz." "Good girl. Mana ka sa daddy mo. Parehas kayong matalino." Ngumiti si Stacey sa papuri sa kanya ng kanyang uncle. Masaya sya na natutuwa ito sa kanya. Pero hindi naman ang papuri nito ang pakay nya. "Uncle, ano na pong balita kay Floreza? Kelan po sya pupunta dito sa mansion?" Natigilan si Uncle Remus at bumuntong hininga. Nagbaba ito ng tingin sa mga papel na pinagkakaabalahan nito kanina. "Hindi pa naaayos ang mga papel nya." Kumunot ang noo ni Stacey. "Bakit ang tagal naman po? Ang sabi nyo po noong isang linggo inaayos na po. Bakit ngayon hindi pa naaayos?" "Because I'm busy. Nakikita mo naman di ba? And attorney is busy also." Nanlumo si Stacey sa sinabi ng kanyang uncle. Miss na miss na nya si Floreza. Gusto na nya itong makasama. Siguradong nalulungkot na ito at baka lagi nang umiiyak. "Kung ganun po, pwede ko po ba syang puntahan orphanage?" "No. Malayo yun." "Kahit na po. Gusto ko po syang puntahan. Miss na miss ko na po sya eh." Matiim na tumingin ang kanyang uncle sa kanya. "No. Hindi mo sya pupuntahan, dito ka lang." Mariin nitong sabi. Kumagat labi si Stacey. Gusto na nyang magtampo sa uncle nya. Mabait naman ito pero nakakatakot magalit. Ilang beses na nyang nakitang magalit ito sa mga tauhan sa mansion at nakakatakot talaga ito. Takot dito ang lahat ng tauhan. "Bakit po pakiramdam ko nagsisinungaling kayo? Wala po talaga kayong balak na kunin si Floreza sa ampunan. Kung ganun po, ibalik nyo lang po ako sa ampunan." Muling bumaling sa kanya si Uncle Remus. Salubong na ang kilay nito. "Sinusuway mo ba ako Stacey?" "Hindi ko po kayo sinusuway, uncle. Ang gusto ko lang po ay makita ang kapatid ko at makasama. Pero wala naman po talaga kayong balak na kunin sya eh. Nagsisinungaling lang po kayo." "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo sya kapatid. Kalimutan mo na sya dahil hindi na kayo magkikita." Nasasaktan si Stacey sa sinabi ng kanyang uncle. Nagsisinungaling nga talaga ito sa kanya. "Kung ganun, lalayas na lang po ako dito. Babalik na lang ako sa ampunan kung nasaan ang kapatid ko. Ayoko na po dito." Tumalikod si Stacey at tumakbo papunta sa pinto. Binuksan nya ito at lumabas. "Stacey! Come back here!" Hindi nya pinansin ang pagtawag sa kanya ng kanyang Uncle Remus at tumakbo sya hallway ng mansion habang umiiyak. Miss na miss na nya ang kanyang kapatid. Matagal na nya itong hindi nakikita. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD