***Floreza POV*** "ATE." Sambit ko pagbukas ko ng pinto. Pumasok naman sya. "Anong ginagawa mo?" "Ah.. g-galing akong cr, ate. Sorry di ko narinig ang katok mo." Pagsisinungaling ko. "It's okay. Nandito lang ako para magpasama sayo mamaya." Kumunot ang noo ko. "Saan tayo pupunta, ate?" Ngumisi sya ng malapad. "Eh di sa mall. May bibilhin ako saka magpapa pedi at mani ako. Samahan mo ko." Bumuntong hininga ako at ngumiti. Mahihindian ko ba sya. "Sige, sasamahan kita. Anong oras ba?" "Mamayang five." "Eh di aabutin tayo ng gabi sa mall." "Ganun na nga." Ngumiwi ako. "Baka di pumayag ang uncle mo." "Papayag sya, basta ikaw ang kakausap sa kanya." Nakangising sabi nya na may pataas taas pa ng kilay. "Bakit ako?" "Eh ikaw ang kahinaan nun, eh. Siguradong papayag yun

