***Floreza POV*** "AWW I'm so happy, sis! Ito ang matagal ko nang gustong mangyari. Ang tumira ka dito sa loob ng mansion. And finally, nangyari na! Dito ka na sa loob titira at katabi pa ng kwarto ko ang kwarto mo." Tuwang tuwang sabi ni Ate Stacey at niyakap pa ako habang nagliligpit ako ng mga damit ko. Tumawa naman ako dahil nagiging clingy na naman sya. Masaya din naman ako na magkatabi na kami ng kwarto. "Alam mo, dito ka naman talaga dapat sa loob ng mansion eh. Dapat nga magkasama tayo noon sa kwarto. Kaya lang may saltik pa noon si uncle. Pero ngayon wala na. Kaya mabait na sya." Ngumisi ako. "Sira ka, ate. Marinig ka ng uncle mo na sinabihan mo syang may saltik, yari ka." "Eh totoo naman. May saltik sya sayo dati. Pero ngayon, wala na. Mukhang napabuti ang pamamalagi nya

