***Floreza POV*** "OMG! Buknoy!" Tili ni Ate Stacey habang nagmamadaling bumaba ng hagdan. Bakas ang tuwa sa kanyang mukha ng makita si Buknoy. Ngayon lang kasi nya nakita ng personal si Buknoy. Pero friend na rin sila sa sss. Pagbaba ni Ate Stacey ay niyakap nya si Buknoy sa tuwa. "Gosh! I really miss you Buknoy. Finally nagkita kita na ulit tayo ni Floreza." Naghiwalay na nang yakap ang dalawa. Pati ako ay natutuwa na magkakasama na kami ngayong tatlo. "I miss you din Ate Stacey. Lalo ka pang gumanda, ah." Nakangising sabi ni Buknoy. "Aww, thank you Buknoy. Ikaw din. Pumogi ka. Nahiyang ka sa America." "Syempre naman iba hangin dun eh. Nag i-snow pa." "Ang sosyal mo na ha. Ang layo na ng narating mo. I'm so happy for you." "Thank you Ate Stacey. Pero mas natutuwa ako na m

