Floreza POV ALAS nuebe y medya ng umaga ay nakarating na kami sa orphanage. Anniversary nila ngayon at may mga bisita nang dumarating. Naluha ako at nag init ang dibdib ko ng makita si Sister Cynthia at Mother Superior Esmeralda kasama ang ilan pang mga madre na binabati at sinasalubong ang mga bagong dating na bisita. Tumuon ang tingin ni Sister Cynthia sa sasakyan namin at ngumiti. "Let's go, Floreza." Untag sa akin ni Sir Remus at nauna na syang bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan naman ako ni Kuya Ernan at bumaba na rin ako. Nilibot ko ang tingin sa labas ng orphanage. Wala pa rin yung pagbabago maliban sa bagong pintura. Dumako ang tingin ko sa bakod na bakal sa nakakabit sa mababang sementong pader. Doon ako laging naglalagi noon habang nakatanaw sa labas at hinihintay ang pagba

