Floreza POV MATAMAN akong nakatingin sa matandang lalaki na nakaupo sa wheelchair. Tulak tulak yun ni Ate Stacey. Kilala ko ang matandang lalaki. Sya yung nasa malaking picture sa may itaas ng hagdan. Mukha syang mabait sa picture. Pero sa personal, medyo mukha syang masungit dahil hindi sya nakangiti. "Papito, sya po si Floreza. Yung kinukwento ko po sa inyo na kapatid ko. Floreza, batiin mo si papito." "H-Hello po, sir papito." Bati ko at ngumiti sa matanda. Pero hindi sya ngumiti at nakatingin lang sa akin. Tumingin naman ako kay Ate Stacey. "Sya ang lolo ni Uncle Remus at lolo ko naman sya sa tuhod." Wika ni Ate Stacey. Ah, sya pala ang lolo sa tuhod ni Ate Stacey. Ngumiti ako ng matamis. "Hello po Sir Papito, ako po si Floreza." Magiliw na bati kong muli sa matanda. Pero

