NAGUGULUHAN siya sa takbo ng pangyayari at kung bakit laging sinasabi ng mga itong bayad na sila sa mga utang nila. Nagulat din siyang kilala ng lalaki sina Ivan at Kaiser. Ilang sandali lang ay may dumating ngunit sa bungad pa lang ay nakita na niya sina Kaiser at Wigo. Nagtama pa ang mga paningin nila na tila nagulat pa sila sa isa’t isa. Kahit sina Zackary at Celestina ay nagulat din kung bakit naroon ang mga ito. “Lexton, what’s the meaning of this?” seryosong tanong ni Kaiser dito. “Why they are here?” “I don’t know, bro! Tanungin mo ang mga iyan kung bakit kinidnap nila ang tatlong ito. Ang sabi nila pambayad daw sa akin iyong bata. Mga kalokohan talaga ng mga iyan,” sambit nito sabay turo sa dalawang sina Zackary at Celestina. “Kidnap? Kasama ang kapatid ko?” seryosong wika ni Wi

