Three days after, Jhen took her flight bound to Taiwan. Maayos naman siyang nagpaalam sa mag-ama niya at naiintindihan naman ng mga ito na aalis siya. Kasama niya ang apat na researcher ng Zurich Foundation na mananatili sa loob ng tatlong linggo roon. Si Kinne naman na susunod na lang din sa kanila samakalawa. Habang nasa eroplano siya, naalala niyang buksan ang sobre na ibinigay ni Kaiser sa kaniya. Ini-abot pa iyon ni Luigi na personal nitong messenger para sa kaniya at noon lang niya naalala. Mabuti nga at dala-dala pa niya ang mga sobreng ibinigay sa kaniya. Ang lalaking iyon na hindi man lang kayang magpigil sa sarili. Ang harot! May pabaon pa itong kaharutan kagabi at kung hindi lang siya nagtatampo rito, walang magaganap. Binuksan niya ang sobre at malayang binasa iyon habang tana

