Ayon dito, si Irvin ay nakabuntis ng isang purong Filipina na naging kasambahay nito sa Turkey. Tinakasan siya ng ina ni Princess hanggang sa nagpa-imbestiga ito at nalaman nitong namatay na pala si Mynna. Ang tunay na pangalan ng ina ng bata. Nagtugma naman ang lahat ng description nito mula sa DNA ng ina ng bata, kay Princess at ang mga mahahalagang detalye kaya natagpuan nito si Kinne. Hinihintay na lang nito ang result ng DNA para malaman kung ito nga ba ang tatay ng bata. Si Kinne naman na habang katabi niya at ini-enjoy ang pagkain, tila deadma lang sa pagkukuwento ni Irvin sa kaniya. Mukhang na-gets niyang ayaw ni Kinne na ibigay dito ang batang inampon nito noong nakaraang taon lang at masakit sa parte iyon ng kaibigan niyang may kinikilala palang ama ang bata. “That's why I am h

