PAGKATAPOS mag-almusal nila Marlon ay agad silang dumiretso sa study room ng ama kasama na si Liron at si Blaire habang hindi na niya hiniwalay pa sa paningin niya si Cristine. “Well then shall we start this meeting?” sabi ni Alpha Logan habang nakaupo ito sa swivel chair habang nakapatong ang magkabilang siko sa lamesa nito. Hindi na sumama pa si Luna Marionne at pinili na lang na samahan ang mga anak nito. Dumiretso siya ng tayo at nakita niyang pasimpleng tumabi sa kanya si Liron at Cristine. “As you’ve already know I came here for the sole purpose of giving out an instruction coming from Prince Sebastian.” “Yes, my Luna already gave me a little bit information about that,” aniya. Tumango siya at saka huminga ng malalim sa wakas pagkatapos nito ay makakabalik na sila sa palasyo.

