MATAPOS na mapagaling ni Cristine si Alpha Logan ay alam na niya ang epekto `non sa katawan niya. Hayop lang ang alam niyang kaya niyang pagalingin, pero sa pagkakataon na `to ay isang werewolf ang ginamitan niya ng kapangyarihan niya. Kaya hindi na rin siguro nakakapagtaka kung bakit ganito kahina ang pakiramdam niya. Kaya naman pagkatapos na makalabas ang lahat maliban kay Mino ay saka niya naramdaman ang pagos sa ginawa niyang panggagamot niya. Agad niyang sinabihan si Marlon sa nararamdaman niya at hindi na niya namalayan na unti unti na pala siyang hinihila ng antok. Nagising siya sa hindi pamilyar na kwarto pero agad naman siyang kumalma nang makita niya si Marlon na nakaupo sa isang upuan malapit sa may kama niya. Mahimbing ang tulog nito base na rin sa banayad nitong paghinga.

