IT’s only a matter of hours yet Marlon feels this unsettling feeling, at alam niyang hindi `yon galling kay Fraizer kung hindi maging sa kanya. Hindi rin niya magawang maintindihan kung bakit ganito nga ba ang nararamdaman niya.
He already know Cristine is his mate when he was barely sixteen, usually a pureblood wolf will know their mate when they turned eighteen but because of his own circumstances.
But with how things are going on right now, na wala pa silang konretong plano para mahanap ang dalawang dalaga. Ang ipinagiinat pa ng ulo nila ay kung paano may mga nakapasok na mga dayo sa teritoryo nila.
Frustrated na napabuntong-hininga siya, hanggang ngayon ay hindi pa rin kalmado si Fraizer pero ang tanging magagawa lang niya ay pigilan ito. Kasalukuyan siyang nakatingin sa malawak na indoor swmming pool, it reminded him of a huge lake where he likes to play when he was just a little kid.
Nakarinig siya ng mga yabag na pababa ng hagdanan at alam na agad niya kung sino ang parating na panira ng katahimikan niya.
“Kumusta? Napakalma mo na ba si Fraizer?” tanong sa kanya nito habang tinantantiya kung hahakbang ba ito palapit sa kanya o basta na lang sisibad ng takbo papunta sa may hagdanan. He got traumatized on the first time that he let his wolf reign free of his body kaya hindi na siya nagtataka sa ganoong reaksyon nito.
“If I hadn’t, you won’t be standing in front of me alive.”
“Geez, you’re so hot tempered you know,” he saw him visibly relaxed.
“Glad, you know,” he retorted. “Ano nga palang ginagawa mo dito?
Napailing na lang ito sa sinabi niya, and got near him. “We are already set, ikaw na lang ang inaantay namin.”
Mabilis pa sa alas-kwatro na umayos siya ng tayo, at nnagpatiuna nang umakyat sa hagdanan. Alam niyang kahit na nakatalikod siya ay nginisian lang siya ni Jeff sa reaksyon niya. Earning him a middle finger kahit na ba nakatalikod na siya dito. Narinig niyang bumunghalit ito ng tawa, the idiot got probably amused because of his reaction. Pero wala na siyang pakialam pa `don dahil ang mahalaga lang namna para sa kanya ay magawang makita si Cristine and this time he will make sure no one can take her away from him.
BUMUNGAD kay Cristine ang isang madilim na lugar wala siyang maaninag sa dilim at bahagya pa siyang napangiwi nang maramdaman niya ang pagpitik ng sentido niya. She still felt sluggish with the chemical she inhaled a while ago… pero hindi siya sigurado kung minuto o oras na nga ba ang lumipas nang mawalan siya ng malay.
Wala na kasi siyang masyadong maalala nang nang bigla na lang silang halbutin ni Rina sa tabi ng kalsada. Speaking of Rina, nasaan na kaya`to ? Sana naman hindi ito sinaktan ng mga panget na dumukot sa kanila.
Iginala niya ang tingin sa paligid bago siya marahang bumangon sapo ang ulo niya. The place is so dark kinailangan pa niya ng ilang minuto bago niya magawang makakita sa dilim.
Nangaligkig siya sa lamig, doon lang niya napansin na masyadong mataas ang temperature sa lugar para sabihing nasa Pilipinas pa rin siya. Wala naman siyang kahit na anong makitang bintana pero may hangin na pumapasok mula sa siwang ng pader.
Nang sa tingin niya ay maayos na ang pakiramdam niya ay saka siya dahan-dahan na tumayo habang inaalalayan ang sarili sa pader. Sumandal siya `don habang inaantay ang pagtigil ng pagikot ng paningin niya.
Nakakasulasok ang amoy at napakadumi ng paligid, umiikot ang sikmura niya sa naamoy pero mas pinagtuunan niya ng pansin ang paligid. May nakita siyang parang dayami sa isang tabi. Mukha na ba `yong kama para sa mga dumukot sa kanila?
Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga, ito ang unang pagkakataon na maranasan niyang ma-kidnap. Siguro kung ibang tao lang baka kanina pa nag freak out or nagsisigaw na. Pero siya? Mas gusto niyang maghanap ng paraan kung paano nga ba siya makakatakas sa lugar na `yon. Ganon naman talaga siya, a positive thinker, mas gusto niyang kumilos at gumawa ng paraan kaysa huminga pa ng tulong sa mga taong hindi naman sigurado kung tutulungan siya.
Besides, hindi pa nga niya nagagawang makumpirma kung si Marlon nga ang nakilala niya sa parke. Gusto niyang malaman `yung totoo kahit na ba hindi rin siya sigurado sa sarili niya kung ano nga ba ang magiging reaksyon niya kung magkita silang dalawa.
Napahawak siya sa kwintas sa leeg niya, naalala pa kaya siya nito? Pati `yung pangakong binitawan nito sa kanya, tutuparin pa kaya nito? `Ni minsan kasi sa buhay niya umaasa lang siya sa sarili niya. Kahit noong namatay ang pilantropo na kumupkop sa kanya sarili pa rin ang inasahan niya.
Nabalik lang siya sa kasalukuyan nang makarinig siya ng langitngit, at saw akas ay nakakita siya ng liwanag, mula sa isang sulo na hawak ng paparating.
Doon lang tumimo sa isip niya ang rehas na ilang metro lang ang layo sa kanya. Kapagkuwan ay may nakita siyang isang lalaki, his face is so pale na akala niya ay isa itong naglalakad na bangkay, he didn’t make any eye contact with her at may maliit itong pintong pinuksan mula sa rehas saka inilagay `don ang tray na pagkain.
“Where am I?” mahinahong tanong niya bago nito makaalis, mula sa liwanag na nanggagaling sa sulo na hawak nito ay inobserbahan niya ang kaharap saka lagnniya napansin na may grupo ng skeleton key ang nakasabit sa beywang nito.
“It’s none of your business, Mortal,” iyon lang at iniwan na siya nito making her little cage darken again.
Kung pagbabasehan niya ang tono ng pananalita nito malamang na nasa Europe base sa accent na naririnig niya, hindi siya pwedeng magkamali. Sa ilang mga hakbang ay inabot niya ang tray na basta na lang nitong ibinaba sa sahig. Nakakita siya ng isang matigas na tinapay, mashed potato, at isang baso ng tubig.
Kahit na ba kumakalam na ang sikmura niya sa gutom for some reason ay hindi niya maatim na kainin ang mga pagkain na `yon. Ang inabot lang niya ang isang baso ng tubig, wala naman siyang maamoy na kahit na anong hinalo `don kaya nagawa niyang inumin `yon.
Hindi pa rin talaga siya mapakali pero alam niyang wala naman siyang magagawa sa sitwasyon niyang `yon.The she heard a squeaking sound an a family of mice suddenly emerged from a hole in the left side of the wall. Unlike sa Pilipinas na dagang kosta ang mga dagang lumapit sa kanya at kulay puti kaya hindi nakakatakot na tignan.
Napangiti siya saka inabot ang matigas na tinapay, pinaghati-hati niya `yon bago inilagay sa harapan ng mga dagang kosta. Dali-daling dinala ng mga ito angg maliliit na piraso ng tinapay na hinato niya, narinig pa nga niyang pinasalamatan pa siya ng mga ito.
Dalawang araw na ang nakakalipas base na rin sa bilang niya nang makulong siya. Napagta-tiyagaan niyang kainin ang mashed potato na dinadala ng mga ito habang ang tinapay naman ay ibinibigay niya sa mga mumunntinng daga na lihim niyang idineklarang alaga.
Mula sa kinalalagyan niya ay bahagya niyang naririnig ang mga gwardiya ng selda na nagku-kwentuhan kaya kahit na papaano ay nagawa niyang malaman kung bakit nga ba siya nandoon.
Base sa narinig niya ay may gaganapin na isang human auction, in short human-traffickers lang namang ang nakakuha sa kanya.
Nalaman din niya ang mismong leader ng mga `to ang may hawak kay Rina. Hindi magiging madali ang lahat pero sa nakikita niya wala siyang ibang magagawa kung hindi ang kumilos at iligtas ang kaibigan bago pa mahuli ang lahat.