Fifteen

1564 Words

Birthday ng Mommy Gemma ni Dane. Maaga pa lang ay bumyahe na kami patungo sa resort kung saan ay dadalo lang ang malalapit na kaibigan at kaanak ng mga Alvarez. Kasama namin si Audrey na naghihilik sa backseat. Hindi naman kasi makadadalo sina Mommy kahit invited sila. Simula nang matali sa wheelchair si Daddy ay hindi na ito lumalabas ng bahay. Kaya naman pati si Mommy ay nasa bahay na lang din at inaalagaan ito. Nang marating namin ang resort ay hindi muna agad ginising si Drey. Ipinababa muna ng aking asawa ang mga gamit namin para dalhin sa silid na uukupahin namin. Nang maibaba lahat ay saka ko lang ginising ang kapatid ko. "Drey, wake up. Nandito na tayo." Dahan-dahan pang nagmulat ng mata si Audrey saka nag-inat. Luminga-linga na waring biglang naguluhan. "Nandito na t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD