Chapter 1 Jeannette Pov 2
"Ako na niyan Mahal, eto naman ouh di mo manlang ako tinawag e malapit lang naman ang construction site sa ilog,"
panenermon ng aking asawa habang inaabot mula saken ang isang planggana ng mga nilabhan kong damit.
"Ayoko namang makaabala sa pag ta trabaho mo, saka maraming babae dun pag pyestahan ka lang ng tingin dun, na e stress ako pag ganun baka my masabunutan pakot makalbo ko pa"
Nagsitawanan ang mga ka trabaho niya, tuwing tanghali kasi dito sila kumakain sa karenderya namin my maliit din kaming tndahan.
"Sos, ayaw mo lang pagalitan kita ee"
Maang niyang sabi, pgkuway inilatag ang palanggana malapit sa sampayan
"Bakit pagagalitan mo ba ako?"
maang ko rin sa knya, unti unti niyang hinubad ang knyang damit na puno ng pawis inabot ko naman sa knya yung malinis niyang damit pantrabaho
"Hindi naman sa pagagalitan mahal ko, paalala lng, ayoko naman kasi mgbuhat ka ng ganun kabigat. Masama sa babae yan. Malay mo may laman na yan"
Nginuso pa nung loko yung tiyan ko, bgla tuloy uminit yung pisngi ko andami pa naman nakarinig. Pinandilatan ko siya agad niya naman akong niyakap at binuhat.
"Mahal baka mahulog ako" sigaw ko sa knya "Dalawang taon na, simula nung Mahulog ka saken"
turan niya na sabay ngumisi nang pgka loko, uminit lalo yung pisngi ko kaya sinaklob ko yung kamay ko sa mukha ko.
Nag tawanan silang lahat ang iba namay na ngangantyaw pa, hinampas ko malabakal niyang balikat, di niya pa kasi ako binababa.
"Mahal, ibaba mo nako, magdamit ka na"
pakiusap ko sa knya
"Tiklop ka noh? Kala ko ba matapang ka, san na yung mananabunot at mangangalbo ha?"
yumuko lng ako, saka niya ako binaba at niyakap patalikod
"Huwag kang mang aaway ah? Ayoko ng ganun ka, mabait ka at Hindi ka skandalosa, wala ka namang dapat ikagalit diba?"
turan niya sabay halik saking sentido, tumango lng ako bilang sagot.
"Good girl"
bulong niya saken sabay himas saking ulo nagmistula tuloy akong bata sa pinag ga gawa niya saken.
Kumalas ako sa pgkakayakap sa knya at agad na tumungo ng banyo para magbihis, nakatapis ako ng tuwalya nang lumabas ng banyo, nagulat ako kasi nag aabang siya sa pinto.
"Akala ko umalis ka na?"
"Half day ako ngayon mahal"
"Pagod ka ba?" Hinaplos ko ang mukha niya
"May masakit ba sayo?"
nag aalala ako kasi bihira lng naman to mg halfday sa trabaho
"walang masakit mahal, gusto lang kita makasama buong mghapon saka magdamag"
na we weirdohan ako sa asawa ko, hindi naman kasi siya ganito. Hinayaan ko nalang siya baka nga may masakit sa knya ayaw niya lang sabihin
Nasampay ko na ang mga nalabhan ko at naligpit narin ang mga kubyertos sa karenderya. Inubos nila ang tindang ulam ni mama na kaaalis lang.
Ang asawa ko namay nagpapahinga na sa aming kwarto.
Papasok ako nang aming kwarto nang biglang bumukas ang pinto at agad niya akong binuhat napatili ako sa gulat, dahan dahan niya akong inihiga sa kama.
Tinitigan ko lng siya, direkta ring nakatingin saken ang mapupungay niyang mga mata.
Ang mga yon ay tila nangungusap, humihingi saken ng isang bagay na tanging ako lang ang mkapagbibigay.
"Mahal, pwede ba?" malambing niyang tanong na may halong panunuyo
Hinaplos ko ang kanyang mukha tinitigan ko siya ng mataimtim simula ng mgkakilala kami hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ako ang minamahal ng taong to ngayon.
Isa siya sa magagandang likha ng Dios para saken, ang mga labi niya, ang ilong at mapupungay niyang mga mata, ang perpekto niyang katawan hindi ko lubos maisip na ang Lahat ng yun ay napa sa akin.
Kung anong kinagwapo ng kanyang panlabas na anyo ganun din ang kanyang puso.
Kaya d ako nag sisisi na Minahal at pinakasalan ko siya, Mahal na Mahal niya ako, na halos bugbugin niya ang sarili siya sa pag ta trabaho para saken, ni minsan hindi ako nakaramdam ng lungkot sa piling niya.
Sobrang saya ang binibigay niya saken araw araw. Kung kayat kung ano man ang hihilingin niya saken ibibigay ko, lahat ibibigay ko para sa knya.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako habang iniisip ko ang mga bagay na yon.
"Mahal naiintindihan ko kung pagod ka at ayaw mo, matulog nalang tau ng mgkatabi, ok lang yun saken. May masakit ba sayo? Masakit ba ulo mo?"
Taranta niyang pagtatanong habang sinusuri ako, agad kong pinahiran ang mga luha ko at niyakap ko siya.
"Kahit anong pag iisip ang gawin ko mahal, hindi ko talaga kakayanin kung mawawala ka"
umiiyak ako sa balikat niya
"Sobrang Mahal talaga kita, iisipin ko pa lang na maaagaw ka ng iba o di kayay may masamang manyari sau, nababaliw nako nasasaktan ako ng sobra"
hindi siya umiimik, inaalo niya lng ako habang hinahagod ang likod ko sinubsub ko ang mukha ko sa dibdib niya, pgkatahan koy hinarap niya ko sa knya at tinitigan
"Mahal tandaan mo palage ha? Walang mkakaagaw saken mula sau. Ikaw lng ang mamahalin ko at babaunin ko hanggang sa hukay ang pagmamahal ko sayo, kung mwawala man ako asahan mong babalikan kita,babalik at babalik ako sayo kasi ikaw ang tahanan ko. At kung mawawala ako sa mundo mgmamakaawa ako sa Dios na bgyan ako ng isa pang pgkakataon at hahanapin kita mahal ko,babalik ako at mgsasama tau,pinapangako ko yan kaya huwag kana umiyak ah"
pinahiran niya ang mga luha ko saka niya ko niyakap humiga ako sa dibdib niya habang hinahalik halikan niya ang ulo ko niyakap ko naman siya ng mahigpit hanggang sa makatulog ako.