(Ice's POV) Paghinto ng sasakyan ay agad akong lumabas at binuksan ang pinto na malapit sa kaniya. Nag-aabang ang mga tauhan niya sa labas ng kaniyang bahay. Nagkatitigan kami habang nakadungaw ako sa kaniya mula sa labas ng kotse. Dali-dali ko siyang kinarga at pilit itong pumalag. Wala na mang pakialam ang mga tauhan niya sa aming ginagawa. “Kuya dalhin niyo muna yung mga pinamili ko sa guest room huwag sa silid ni Ice.” Pag-uutos ni Jane habang nasa mga bisig ko siya at ako naman ay humahakbang papalayo. “Where we will go?” At tumigil siya sa pagpipiglas. Hindi ko parin siya sinagot hanggang sa nagtungo na kami sa aking silid. “The h*ck Ice!” Nagsimula naman siyang pumiglas. Her body is slim but sexy, na ngangalahati lang siya sa katawan ko. Pagkapasok naming sa

