ERICK SANTIBAN
Sino ba si Erick Santiban sa buhay ni Jane Han Lim?
Kung babalikan ang ilang taon na ang lumipas…
Simula pa noong bata pa sina Jane at Erick ay magkakakilala na ang mga ito. Kahit ang mga magulan nila ay matagal nang magkakakilala. Kaya madali narin na mahulog ang luob ni Jane sa matipuno at gwapong si Erick Santiban. Ipinagtapat ng binata ang kaniyang pagmamahal sa noong dalawampung taon na si Jane. At sa pagmamahal din ng dalaga kay Erick ay agad itong nagpaligaw at humantong sa pagiging magkasintahan nilang dalawa. Pero may mga bagay na lingid sa kaalaman ni Jane na pinaggagawa ni Erick.
Minsan iyon ang puno’t dulo ng kanilang pag-aaway. Yung pagiging malapitin ni Erick sa mga babae. He has the face and money kung sasabihin. Pero bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon? Hindi naman sapat na pagsasabi na mahal mo yung isang tao diba? Dapat kalakip nun ang tunay na pagmamahal at kailan man ang hindi pagtataksil sa iyong kasintahan.
Siya ang unang halik ni Jane na kung saan ay umabot na sa puntong ibibigay nito ang sarili sa lalaking sasaktan pala siya.
“Can we have a date?” Paanyaya sa kaniya ni Erick.
Ngumingiting nakatingin sa kaniya si Jane na punong-puno nang pagmamahal. “I am so blessed having you Erick,” pagsasambit pa nito. “Sure we can have a date. Spending sometime with you is worth it.” Hindi pa rin maalis kay Jane ang ngiti nito.
Umabot na rin sa puntong nanirahan na si Erick sa magarang bahay ni Jane. Yung palihim na pinalagyan ng dalaga ng iilang CCTV cameras ang silid ng binata. Kung saan ay tanaw nito ang mga ginagawa ni Erick sa silid ni Jane.
Pangiting saad naman ng dalaga, “this is so perfect.”
Walang kaalam-alam si Erick sa ginawang iyon ni Jane. Pero sa pamamagitan din ng mga CCTV cameras na iyon natuklasan niya na may kabalastugang ginagawa si Erick na ngayon ay alam niya na.
“Honey, can we have a date tomorrow?” tanong ni Erick sa kausap nito sa telepono.
Bigla namang napalitan ng inis at galit ang maamong mukha ni Jane. “Paano mo ito nagagawa sa akin Erick?” Pagsasambit niya pa habang nakatingin ito sa monitor na nasa kaniyang harapan.
“Yes, I miss those nights with you,” dagdag pa ni Erick sa sinabi nito kanina.
Patuloy ang pakikinig ni Jane sa pag-uusap na iyon ni Erick at sababaeng nasa telepono. “Dapat kong malaman kung sino ang babae niya,” diinang saad ni Jane habang nakasandal ito sa kaniyang upuan.
Nagpanggap si Jane na hindi niya alam ang ginagawa ni Erick.
Isang gabi habang nakadungaw sila ng kaniyang kasintahan sa magandang buwan ay panay saad ni Erick na kaniyang pinakamamahal pero siya naman ay tinataksilan. “Do you see the future with me?” Pambubola ng binata sa kaniya.
Hindi alam ni Jane kung matutuwa, maiinis o magagalit siya sa mga sinasambit ni Erick pero mas pinili nitong magmaang-maangan. “My future with you is clear like the beautiful night sky.” Ngumiti siya na nakatingala habang si Erick ay panay tingin sa kaniya.
Bigla naman siyang hinawakan ni Erick sa bewang at inilapit sa kaniyang gilid. “I love you so much,” marahang sabi niya habang unti-unting naglalapit ang kanilang mukha.
“I love you.” Bigla siyang napatigil at binulong ang pangalan ng kaniyang kasintahan, “Erick.”
Saksi ang buwan sa paglapat ng kanilang labi. Habang si Grace naman ay tanaw ang buwan na iyon mula sa condong pinagmamay-arian ni Erick.
“Nasaan na kaya si Erick?” tanong ni Grace sa kaniyang sarili habang hinihimas nito ang kaniyang mga dibdib. “I miss him so much,” dagdag niya pa.
Ang gabing iyon ay punong-puno ng pagmamahal at pagtataksil.
Pagkagising ni Jane ay agad siyang tumungo sa silid ni Erick. Pero walang Erick siyang nadatnan. “Erick!” Pagsisigaw nito. “Asan ka Erick!” Mas lalo niya pang nilakasan ang kaniyang pagsisigaw.
Agad siyang bumalik sa kaniyang silid at ni-review yung CCTV.
Kitang kita nito kung paano tumingin sa CCTV camera si Erick. “Alam niya,” saad nito sa kaniyang sarili.
Simula sa araw na iyon ay biglang nawala ang binata. Walang anino, bakas o kahit ano mang palatandaan sa kung saan pumunta si Erick Santiban.
Ilanga raw na parang nawala sa kaniyang sarili si Jane at taon din ang binilang bago siya makapag-move on.
Hanggang sa nagtagpo ulit ang kanilang landas ng lalaking kaniyang unang minahal si Erick Santiban.
GRACE CRUZ
Sino ba ang babaeng kilala bilang ahas sa relasyong meron si Jane Han Lim at Erick Santiban? Saan ba nagsimula ang pagkamunghi ng dalaga sa babaeng sumira sa relasyong iningatan ng babaeng nagngangalang Jane?
I am Grace, and I met this guy that I am pretty sure that my future is in his good hands. Wala na akong hahanapin pa. I mean, nasa kaniya na lahat. Yung matipuno, maraming pera at magaling sa kama. So who Am I to ignore this guy right?
And to note he is the one who come over and ask me.
In a club, it is just few steps away from me nakatingin siya sa akin. I know that it is not just a look, may ibang kung ano man sa mga tingin na iyon. Ngumiti ako sa kaniya at ningitian niya ako. Pagkainom ko naman ng glass of wine ay siya ang unang lumapit sa akin. Nakaramdam ako ng parang spark na sa kaniya ko lang naramdaman. His eyes are so powerful na parang aalipinin niya ako ng buong-buo. “Hi, I am Erick Santiban,” pagpapakilala niya sa kaniyang sarili.
I look from his feet up to his face. Ang gwapo niya talaga ang his scent hindi talaga mawala sa ilong ko. Napatingin ako sa kamay niya at agad ko siyang kinamayan. “I am Grace Cruz,” pangiting saad ko.
This is the time na una kong nakita at nakilala ang lalaking si Erick. He is persistent, simula sa araw na iyon palagi niya akong dinadalaw, tinatawagan at higit sa lahat ay pinapainit niya yung gabi na noon ay palagi akong nag-iisa. Maliit lang ang alam ko tungkol sa kaniya. Lalo na sa girlfriend niyang si Jane Han Lim. Ang bilyonaryong babae na nagmamay-ari sa kaniya. Yes, she has Erick but the heart of this guy is all mine.
I am now with him in this bed. Nakahiga ako sa kaniyang dibdib while I was holding his hand. “Wala na akong pakialam Erick kung mali an gating ginagawa,” pagsasambit ko pa.
Takang tanong nito, “ano ang ibig mong sabihin?”
Daretsahang saad ko habang nilalaro ko ang aking kamay sa six pack abs nito. “Na girlfriend mo si Jane at heto ka nagpapaint ng kama kasama ako.” At bigla akong napatingin sa kaniyang mga mata.
Tawang saad nito, “alam mo naman kung sino ang mahal ko diba?”
“Ako?” takot na sambit ko.
Ikinatuwa ko naman ang kaniyang sinabi, “oo, at wala nang iba.” Saby halik niya sa aking noo.
That moment I decided na ipaglalaban ko kung ano man ang sa amin ni Erick. Kahit ang mababangga ko na ay ang isang Jane Han Lim, hindi na ako takot at wala akong katatakutan.
Kinaumagahan…
Pagkagising ko ay wala na si Erick sa aking tabi. It was like that at paulit-ulit ang ganitong scenario. He is with me every night while in the morning si Jane ang kaniyang kasama. But he needs to choose between me and Jane. Dapat iisa lang ang kaniyang pipiliin.
I am a model of Han Lim Corporation. Palagi kong nakikita si Jane tuwing may mga mahalagang meeting na kailangan ang aking appearance. But days passed palagi ko na siyang nakikita since nalipat na sa kaniya most of their properties at siya na ang namamahala. Noon takot na takot akong malaman niya ang tungkol sa amin ni Erick. Pero kapag mahal mo na ang tao yung takot unti-unti nang nawawala. All I want is Erick, yun lang at wala ng iba.
“Erick,” tawag pansin ko sa kaniya noong pumasok ito sa condo na kaniyang pinagmamay-arian.
Taas kilay niyang tugon, “yes?” Habang inaayos nito ang kaniyang sinusuot.
I cleared my throat at buong lakas ko siyang inaya, “magtanan tayo. Lumayo at mamuhay na tayong dalawa lang.”
Ikinagulat ko ang sinabi niya. “Sige.”
We planned it and it was good na nangyari. Ilang taon kami na hindi nagpakita. But there will always that thing na gumagawa ang tadhana na magkikita kayo ulit.
Then here I am now with Erick na makikita ulit si Jane at hindi na siya ang dating Jane na alam namin.
KIMNETH SANTIBAN
Isa akong malayong kamag-anak ni Erick Santiban. At ako rin ang tinutukoy na kababata ni Jane Han Lim. Kaya alam ko kung ano ang nangyari sa kaniyang buhay. Lalo na saksi ako sa mga paghihirap niya bago tuluyan nitong nakilala ang lalaking si Ice Carillo.
“Ilanga raw ka nang naglalasing,” nag-aalalang sabi ko sa kaniya habang nakahiga ito sa mesa at may kasamang bote ng mga alak.
Hinawi niya ako kahit pagewang-gewang pa siya. “Hayaan mo nga ako!” Pinilit pa nitong tumayo na agad namang umupo. “Umalis ka nga!” pagsasabi niya pa.
Panay inom nito habang ako ay nagkatitig sa kaniya. Awang-awa ako sa aking kababata at napapaisip. That she never deserves this kind of thing, yung nangyayari sa kaniya. Ano naman ba yung pumasok sa kokote ni Erick at nagawa niya ito kay Jane, yung iwan niya ang babaeng tanging pagmamahal ang ibinigay sa kaniya.
Kinuha ko ang alam na hinahawakan nito pero hindi siya nagpapigil. “Ano bay an!” sigaw niya. “Ang kulit mo!” diinan niya pang sabi.
Ayuko namang nakikita siyang ganito. Parating lasing at pinababayaan ang kaniyang sarili. Ganito baa ng pag-ibig? Ginagawa kang baliw?
Maya’t maya ay dumating ang aking kasintahan si Ellai. “Honey, let us go.” Paanyaya a nito sa akin. Tinitigan ko siya then I gave glanced back to Jane. “Hindi pa tayo uuwi?” Inis pang tugon nito sa akin.
Inangat ni Jane ang kamay nito at ginalaw-galaw. “Umalis na kayo! Go! Leave me alone!” Pagsisigaw niya pa.
Sigaw rin ni Ellai, “narinig mo iyon? Umalis na tayo!”
Hinawakan ko naman ang kanang balikat ni Jane sabay bulong ko sa kaniya, “magiging maayos rin ang lahat.” Sa sinabi kong iyon ay wala akong tugon na narinig sa kaniya.
Lumakad ako papalayo at kinuha ang bag na nasa upuan. Nakatayo naman sa gilid si Manang Rose kay pinakiusapan ko na rin ito. “Manang, kayo nap o ang bahala kay Jane.”
“Ano ba! Kimneth!” Sigaw ni Ellai mula sa malayo.
Yumuko ang matanda sabay sabing, “masusunod po Sir, huwag kayong mag-aalala kakayanin po iyan ni Maam Jane.”
Napangiti ako sa sinabi niya at nakaramdam nang bahagyang pagpawi ng aking pagkabahala. “Mabuti kung ganoon,” marahang sabi ko.
Agad namang hinatak ni Ellai ang aking braso at tuluyan na kaming umalis sa bahay ni Jane. Iniwan siyang lasing, biso at nag-iisa.
Ilanga raw diin at nahimasmasan si Jane. Nakakangiti na ito pero sa oras na may nakakapagpaalala sa kaniya tungkol sa nawawalng si Erick, ay napapaiyak lang ito na wala sa oras.
Meron ding pagkakataon na nagusap kami. Ikinagulat ko yung paglapag niya sa munting kahon na nasa harapan ko habang nagkakape kami. “Thank you for always been there for me.” Hindi ko alam sa kung ano ang kaniyang ibig sabihin. Pero kinakabahan ako sa dahilang mukhang nagpapaalalam na siya.
Nginig boses na sabi ko naman, “huwag mong itutuloy yung ano man ang iniisip mo.” Babala ko sa kaniya.
Panay tango niya at nang alam nito ang aking sinambit ay pangiti naman siyang nagsalita, “I will not do it. Ano ka ba! Binibigyan lang kita ng regalo as a thank you gift!”
Napawi yung tinik na nasa puso ko. Mabuti na lang at nagkamali ako nang iniisip.
Agad kong kinuha ang kahon at binuksan. “Mga singsing?” Gulat kong sabi. “Magpropose ka sa akin?” pagbibiro ko naman.
Humahalakhak siya sa tawang matagal ko nang hindi nakita. “Ikaw talaga! Para sa inyo iyan ni Ellai. I know may balak ka nang pakasalan siya.” Napangiti ako sa kaniyang sinabi.
Marahang tugon ko habang nakatitig sa magkaparehang singsing. “Oo,” masayang sabi ko. Tumingin ako sa kaniya at nagtanong ulit. “Magkano ito?”
Bigla niyang binaling ang atensyon nito sa malayo. “Hindi na mahalaga kung magkano.” Heto, kinabahan na ako sa kaniyang sinabi.
Inilapag ko ang kahon at inusog papunta sa kaniya. “Hindi ko iyan kukunin kapag hindi mo sinabi sa akin kung magkano iyan.” Diinan ko sabi.
She rolled her eyes at ang nakangiti niyang mukha ay biglang nainis. “I am not sure with the price but it is more than a hundred million.” At ginalaw-galaw pa nito ang kaniyang balikat.
“What!!!”
DOCTOR ELLISE
I can remember way back that I was 15-year old I met Jane Han Lim. Sa kanila nagtrabaho ang aking mga magulang. And we ought our lives to them lalo na sa Dad at Mom ni Jane. Nang dahil sa kanila natupad ang pangarap ko na maging batikang doctor. At nabago narin ang aming buhay sa kanilang tulong.
Pero yung nangyari sa kaniya at kay Erick ay makakapagsabi talaga ako na ibang-iba na ang Chairwoman na dati kong nakilala.
“Welcome back Doctor Ellise!” bati niya sa akin noong bumalik ako sa kaniyang bahay.
Payuko ko pang sabi, “nice to meet you Chairwoman Jane Han Lim.”
Ikinagulat ko noong tumawa siya, “hey you are too formal.” Sabi niya pa habang may wine of glass siyang hinahawakan. “By the way.” Tumigil siya at uminom. “I heard na you have a plan to work with my hospital?” takang tanong niya. And I am sure alam niya na ang tungkol doon.
Hindi na ako nagtanggi at sumang-ayon sa kaniyang sinabi, “yes Chairwoman. Matapos kong mag-aral sa States and having may working experience there sa hospital niyo talaga balak kong mag trabaho.”
“For good?” taas kilay niyang tanong.
Ako naman, “yes for good.”
She is not bubbly anymore. Kaya nakakaramdam ako nang pag-iilang sa pagkakataong ito.
Nakatayo lang ako at panay tanong niya sa akin na sinasagot ko naman ng maayos. “Saan ka ngayon nakatira?”
Napahawak ako sa bag na nasa aking gilid. “Sa condo po.”
“Ah.” Bigla siyang napaisip. “I am sure na mahal ang bayarin sa condo. How about I will offer you something?”
“Something?” pag-uulit ko sa kaniyang sinabi.
She nodded and said, “yes, Oo.” Then she points her finger sa maletang hawak ko.
Hindi parin mawala yung pag-iisip ko sa something na sinasabi niya. “Ano poi yon Chairwoman?” paglilinaw tanong ko sa kaniya.
Tumayo ito at lumakad papalapit sa akin. “I have a vacation house malapit na rin sa hospital.” Nakikinig lang ako sa kaniya habang nagsasalita ito. “How about you live there since na wala namang nakatira doon.” Napagtanto kong tama naman ang inaalok niya sa akin.
“Ok lang po ba iyon Chairwoman?” Nahihiyang tanong ko sa kaniya.
Tumango siya at agad na may ibinigay na susi sa akin. “That is for your car.” Nagulat naman ako sa narinig koi yon. I will have my own car agad agad? “Then this one.” Sabay pagtuturo niya pa sa isang susi. “Susi yan sa bahay.”
Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko at ganito ako ka swerte sa Chairwoman na nasa aking harapan. Ngumiti ngiti pa siya na parang nagbigay lang ng candy. If I think of it kotse pa lang ay subra na sa isang milyon. How much more yung bahay pa.
“Isasauli ko po ito kapag nakaipon na po ako.” Pagsasabi ko pa na may panatag sa aking kaluoban.
“Take your time, kapag kailangan ko ang tulong mo. Huwag mo lang ako tatanggihan.” Napaisip na naman ako sa kaniyang sinabi.
Payukong sabi ko sa kaniya, “masusunod po Chairwoman.”
“Good.”
Lumipas ang ilang buwan at naging taon ay nagkita an gaming landas.
Tanong niya sa akin habang nakaupo ito sa kaniyang Chairman’s table. “Alam mo ba kung bakit nandito ka ngayon?”
“Hindi po.”
May ipinatong siya na isang folder sa aking harapan. “Siya yung gusto kong tulungan mo.”
Binuksan ko ang naturang folder at may litrato akong nakita lalo na yung pangalang. “Kimneth Santiban?”
“Siya nga,” pangiting sabi niya sa akin.
MANANG ROSE
Sa tanda kong ito alam na alam ko kung ano ang nangyari sa buhay ng mga Han at Lim lalo na kay Jane. Bago pa umalis ang kaniyang mga magulang sa akin na siya hinabilin.
“How is my daughter, Manang Rose?” tanong ng kaniyang Mom mula sa telepono.
Daretsahan ko namang pagsisinungaling, “she is fine Mrs. Lim.” Pero nakikita ko si Jane na lasing na malapit sa swimming pool area ng bahay na ito.
Pangiting sabi niya naman, “good to hear. Balitaan niyo po ako when it comes to Jane.” Dinig ko ang buntong hininga niya. “Hindi pa kami makakauwi ng dad niya marami pa kaming ginagawa dito sa South Korea.” Pagsasambit pa nito.
“Masusunod po Mrs. Lim, huwag po kayong mag-aalala.”
“Maraming salamat.”
Sa pagtapos nang pag-usap na iyon ay agad akong nagtungo sa kinalalagyan ni Jane. “Jane!” pagsisigaw ko sa kaniya habang patuloy siya sa pag-iinom ng alak.
“Isa akong Chairwoman bakit mo ako sinisigawan!” Pasigaw niyang sabi na rin sa akin.
Agad ko naman siyang binatukan. “Walang Chairwoman Chairwoman sa pagkakataong ito! Huwag mong sayangin ang buhay mo sa lalaking nang-iwan sa iyo!” Napatigil siya at agad akong niyakap.
“Manag Rose naman, huwag ka nang magalit. Parang bata naman siyang umiiyak. Awang-awa naman ako sa kaniya. Na ilang buwan nang nagkakaganito na siya o subra pa nga nun.
Hinawi ko naman ang buhok niya habang umiiyak ito. “You need to fix your self. Maawa ka naman sa sarili mo.” Paglilinaw ko sa kaniya.
Bahagya akong umupo na nakaharap sa kaniya. Yung pagtatangis niya na hindi ko naman kayang tiisin na makita siyang nagkakaganito. Kaya hinawi ko ang mga luha niyang umiiyak sa lalaking wala nang pakialam sa kaniya. “Ganito ang gawin mo. Focus, mag-isip ka ng mga bagay na magpapaligay sa iyo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa iisang tao. Higit ka pa sa kung ano man ang iniisip mo.” Tumango-tango naman siya sa sinasabi ko. “Remember darating rin ang lalaking magmamahal sa iyo nang buong-buo.” Sa pagkakataong ito ay nakita ko ang ngiti niya habang siya na mismo ang humahawi sa luhang nasa kaniyang mukha.
“Tama ang ginagawa mo.” Sabay halik ko sa kaniyang noo.
Marahang tugon niya naman, “maraming salamat, Manang Rose.”
Simula sa pag-uusap na iyon bawat araw ay nagiging masaya na si Jane.
“Manag Rose! Magandang umaga!” Giliw niyang bati sa akin.
Pangiti ko ring bati sa kaniya habang nakahawak ako ng walis. “Magandang araw din Chairwoman.”
Tumigil siya at nilapitan ako. “Mamaya, gagabihin po ako. Pakiayos po ng vacant room at tsaka yung mga CCTVs.” At agad niya akong hinalikan sa noo.
Takang sabi ko naman, “bakit po?”
Lumakad siya papalayo at sumigaw, “may bago akong bisita.”
“Teka! Sinong bagong bisita!” Sigaw na habol ko sa kaniya.
Agad naman itong pumasok sa kaniyang sasakyan at hindi na sinagot ang aking tanong. “Ang batang iyon!” Inis kong bulong sa aking sarili.
Kahit hindi ko alam ang binabalak ni Jane ay sinunod ko naman ang utos niya. Katulong ang mga tauhan na naiwan sa bahay ay inayos naming ang dating silid ni Erick hanggang sa ginabi na kami.
Maya’t maya ay narinig ko ang pagdating ng kaniyang sasakyan kaya dali-dali kaming lumabas para batiin siya at ang kaniyang kasamahan.
Mula sa malayo ay lumabas na si Jane sa kaniyang sasakyan pero ikinagulat ko sa huling lumabas. Ito baa ng sinasabi niyang bisita?
Isang lalaki?
ICE CARILLO
May mga bagay sa mundo na dapat na pag-isipan. Umabot ako sa punto na kaya kong iparaya ang aking sarili para sa pinakamamahal kong mga magulang.
“Anak, nagbigay na ng notice yung kukuha sa ating bahay at lupa,” pangiyak na sabi ni Ina habang binabasa nito ang isang kaperasong papel na nasa kaniyang mga kamay.
Pag-aalalang sabi ko naman, “wala na ba tayong magagawa?”
Daretsahang sumbat niya sa sinabi ko, “Saan tayo kukuha ng perang pambayad?”
“Yun po ang kailangan?”
Patango niyang tugon, “Oo.”
Niyakap ko siya nang mahigpit. “Huwag po kayong mag-aalala gagawa ako ng paraan.”
Sa bawat araw na lumipas maraming sumagi sa aking isipan. Ibebenta ko ba yung kidney ko? Pero hindi naman sapat. Lalo na yung mga mata ko pero paano naman ako makakakita?
Para na akong baliw sa kakaisip saan pupulutin ang mahigit sa ilang milyon mabayaran lang ang nagtatangkang kunin yung aming lupain. “Pare mukhang malalim an gating iniisip?” sumbat ng aming kapit bahay habang nakaupo ako sa basketball court.
“Kailangan ko kasi ng malaking halaga ng pera,” pabuntong hininga ko namang sabi. “Saan ako kukuha ng pera na mahigit sa iilang milyon!” At napasandal ako sa aking inuupuan.
Masayang sabi pa nito, “may alam akong lugar para diyan.”
“Ano ang ibig mong sabihin?” Takang tanong ko sa kaniya.
Lumapit pa ito at umikot sa aking inuupuan. “Tumayo ka nga,” utos niya sa akin na agad ko namang sinunod. “Matipuno ka naman, matalino at siguradong walang makakatanggi sa iyo.” Ikinabigla ko naman ang pagtingin niya sa aking pang-ibaba.
“Teka, bakit nakatingin ka—“
“Gusto mo ng pera diba?”
Napalunok laway ako nang maramdaman kong iba ang kaniyang gustong mangyari. “Gusto ko ng pera pero huwag naman ang puri ko.” Pagdadahilan ko pa.
“Eh, saan ka kukuha ng pera na mahigit sa isang milyon!” Sigaw niya sabay batok sa akin.
Pahimas ulo ko namang tugon sa kaniya, “kailangan talaga na batukan ako?”
“Ganito kasi iyon Ice… Walang easy money sa mundo dapat pinaghihirapan mo.” Sabay hatak niya sa akin.
Pinabihis at nilagyan niya ng pampabango ang aking suot.
Makalipas ang ilang minuto ay nakapunta kami sa isang lugar na una ko pa lang nakita sa buhay ko. “Asan naman tayo?” takang tanong ko sa kaniya.
“Dito yung lugar na gusto mo!” Sigaw niya habang pinagtuturo ang sign board na nasa harap naming.
Pakamot ulo kong pagbasa. “Black Auction?”
“Yes, black Auction! Hali ka!” At pumasok na kami sa lugar kung saan tuluyang nagbago sa aking pagkatao.
Madilim pero maraming tao. Panay yung kislap nang makukulay na ilaw. Pero malalaman mo talaga na yung mga tao dito ay mayayaman. May kani-kanila silang bodyguard na nagbabantay sa kanila. Na pukaw na lang yung atensyon nang marinig ko na yung isang lalaki na nagsasalita. “Let us begin!” Tapos mga hiyawan ang aking narinig.
“Dito tayo Ice!” sigaw ng aking kapitbahay nag nagdala sa akin sa lugar na ito. “Sir! Ito yung kasamahan ko na gustong magpa-auction!” Natulala naman ako sa aking narinig.
Nang hina naman ang tuhod at bakit auction yung sinasabi niya. “Anong auction?” Takang tanong ko.
Lumapit ang lalaking kinausap niya at tiningnan ako ng mabuti. “He is not bad! Perfect!” Pagsasabi niya pa.
“Perfect?” Pag-uulit ko pa.
Pinisil naman nito ang aking braso. “Mukhang malaki ang makukuha natin nito!” At tumingin siya sa aking pang-ibaba. “At Malaki rin ang—“
Akma ko naman siyang suntukin. “Anong! Tigilan mo!”
Hinatak naman ako ng aking kapitbahay. “Mamili ka! Umuwi tayong luhaan o magkakamilyon ka ngayong gabi?”
Pautal ko namang sabi, “hindi ba pwedeng pag-isipan ko muna?”
Binatukan naman ako nito. “Wala nang oras para mag-isip! Ano go ka ba o hindi!”
“Oo na! Payag na ako!” Pagkasabi kong iyon ay lumingon siya sa kanina ay kausap nito.
Sambit niya pa, “narinig mo po iyon. Oo daw.”
Ngumiti silang dalawa at tinitigan ako ng mabuti. “Perfect!” Sabay nilang sabi. Kita ko naman ang pag-abot ng naka-envelop sa aking kapitbahay. “Ang galing mo talaga!” Pagsasambit pa nito.
Nang akma siyang umalis at pinagsisinghot yung pera na meron siya. “Hoi! Iiwan mo ako?” takot na sabi ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at marahang sinampal sa akin yung pera. “Gusto moa ng ginagawa mo diba?” tanong niya sa akin.
Tumanggo naman ako sabay sabing, “oo naman.”
“Hindi kita pinilit diba?”
Inis ko namang saad, “ano ka ba!”
“Tinatanong kita eh, sumagot ka nang maayos!” Siya naman ngayon yung galit.
“Oo, hindi mo ako pinilit. Kusa akong pumunta dito na bukal sa puso ko.” Yan, siguradong tuwang-tuwa naman siya sa sinabi ko.
“Paano na ba iyan kailangan na namin si Hot Sexy Boy,” tawag pansin ng lalaking nagbigay ng pera sa aking kapitbahay.
Bulong nito sa akin bago ito umalis, “mag-enjoy ka.”
Agad namang hinawakan ako sa kamay at hinatak. “What is your name?” Tanong ng lalaki na satingin ko ay nagmamaari sa black auction na ito.
“Ice, Ice Francis Carillo ang aking pangalan.”
“Fine, mind it. Legal kami and we have business permit.” Nagulat ako na meron palang business permit itong place na ito. “Lalo na hindi ordinaryong tao ang pumupunta dito kaya mag-ayos ka.” Pagkasabi niyang iyon ay itinulak niya ako papunta sa gitna ng intablado.
Narinig ko nalang yung mga katagang. “He is our next auction.” Lagot na, hindi ko na ito matatakasan pa.
-_-_-_-_-
(PLAGIARISM is a SIN. The author exerts so much effort for this story. Huwag magnakaw ng hindi sa'yo. THANK YOU AND GOD BLESS)