Pangiweng labi naman na tugon ni Ice, “damot mo naman.” Saka lumakad siya papalayo. Napatigil lang siya noong narinig nito ang malakas na paglapag ni Jane sa atm card. “I can receive a message sa kung magkano ang lahat na bibilhin mo.” Iyon ang pagkakataon na humarap sa kaniya ang binata. “Mind it, pauutangin kita maliwanag ba?” tumango siya sabay alis, “hindi mo tatanungin ang password?” Sigaw ni Jane at agad siyang napatigil. Inis namang sabi ng dalaga, “see how h*ck you are, 090743.” Isang belat ang binigay niya kay Jane pagkaalis ng binata. Dumungaw ang dalaga sa bintana ng kaniyang opisina. Kita niya ang pagpasok ni Ice sa kotse nito saka namang may lumapit na tauhan sa dalaga. “Make sure na safe siya sa kaniyang

