Napatawa ang dalaga sa kaniya habang hawak ang nakatakip na twalya sa katawan nito. “Ano ang gusto mong susuotin ko? Pantulog?” Nainis lalo si Ice sa sinabi niya. “Porket na hawakan mo na sa’yo na agad?” Ipinatong ni Jane ang kaliwang binti sa kanan nito. “Huwag kang madamot Ice.” Pang-iinis ng dalaga sa kaniya. “Is that your reason?” Panggagaya ni Ice sa parati nitong sinasabi sa kaniya. Wala namang may ihahampas si Jane sa kaniya kaya nagbanta na lang ito, “mukhang ang saya natin sa pang-iinis sa akin?” Nilapit nito ang mukha niya sa kinauupuan ni Ice. “Humanda ka mamaya.” At kumindat ang dalaga sa kaniya habang binaba ni Jane ang twalyang nasa balikat nito. Pakagat labing tugon ni Ice. “Ang sabihin mo ikaw ang humanda mamaya sa akin.”

