────⊱⁜⊰──── Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Sammy sa pagkakataong ibinigay sa kanya ni Maricris. Walang pagsidlan ang kaligayahan sa kanyang puso kahit na ba dalawang araw na ang dumaan. Nandirito siya ngayon sa kanyang opisina, pero hindi siya mapalagay dahil ang isipan niya ay nasa mag-iina niya. Napatingin siya sa kanyang orasang pambisig at napangiti siya ng makita niya na malapit ng mag-alas dose ng tanghali. Kinuha niya ang kanyang mga gamit at nagmamadali na siyang lumabas ng kanyang opisina. Nagbilin na lamang siya sa kanyang sekretarya na hindi na siya babalik pa. Hindi na rin niya hinayaang sumagot pa ang kanyang sekretarya at mabilis na itong naglakad patungong elevator. "Sir, 'yung meeting po ninyo," sigaw ng kanyang sekretarya. "Cancel mo," tipid niyang s

