Maricris POV Excited na ako, kalalapag lamang ng eroplanong sinasakyan namin na pag-aari ng kuya ko. Sa wakas ay natapos na rin nila na palitan ang apelyido ko at naisalin sa aking pangalan ang ilang negosyo ni daddy at ni kuya. Nuong una ay tinanggihan ko ito dahil hindi naman ako marunong magpalakad ng mga negosyo pero tinuruan nila ako kaya nga natagalan ako sa pagbalik dito sa Pilipinas. Ngayon ay marami na rin akong alam, sa loob ng mahigit na limang buwan ay marami akong natutunan. Pinupuntahan naman kami ni Sammy sa America sa tuwing hindi siya masyadong busy at lagi kaming namamasyal ng anak namin. Naging magkasundo na rin sila ni Kuya Red kahit pa nalaman nito ang dahilan kung paano kami nagkakilala. Hindi ako ang nagkuwento sa pamilya ko dahil si Sammy mismo ang nagsabi sa kanil

