────⊱⁜⊰──── Naging masaya ang bawat araw na nagdaan kay Sammy at Maricris. Sa ngayon ay hindi pa nagpapakita o nagpaparamdam sa kanila si Dark. Gusto rin ni Maricris na makausap si Dark upang alamin dito kung bakit nagawa niyang magsinungaling sa kanya. Hindi man lubos pa ang tiwala ni Maricris kay Sammy, ngunit unti-unti naman niyang ibinabalik ang tiwala niya sa binata lalo pa at handa nitong ibigay maging ang buhay nito para lamang mailigtas siya. Isang bagay na nagbigay patunay sa kanya na mahal nga siya ng binata. "Habang nagluluto ng agahan si Maricris ay tumunog ang doorbell ng kanyang pintuan. Nagmadali siyang tinungo ang pinto at ng makita niya sa peephole na Sammy ito ay may ngiting sumilay sa kanyang labi. Nagmamadali siyang nagtungo ng kanyang silid upang pagmasdan ang kany

