"oh hindi naman Jan ang kwarto mo? kwarto ko yan Jan" taka kong tanong dito.
"alam ko , hindi ko naman inaangkin ang kwarto mo hindi ba pwedeng dito Mona ako?"tanong nito. at pumasok na sa loob.
"hindi naman sa ganon. baka kasi mamaya bigla kang tawagin ng señorito mo at hindi natin marinig edi ma lalagot tayo" pag papaalala ko dito.
"nalulungkot lang ako sa kabila ang boring don" reklamo nito na animoy nakakaawa ang mukha.
"okay lang yan masasanay din tayo, mag kalapit lang naman kwarto natin ilang hakbang lang naman. pwede ka din pumonta punta dito at ganon din ako sayo, kailangan lang natin sila sundin dahil yun patakaran nila dito" paliwanag ko naman dito.
"total okay na din to.para May privacy ako kapag kausap ko si Mico"
"ibang klase ka, kanina lang nalulungkot ka dahil hindi tayo mag kasama sa isang kwarto tapos ngayon tuwang tuwa Kana kasi May privacy kayo ni Mico?alalahanin mo May girlfriend yun."
"alam ko naman yun no. basta ako na bahala maaagaw ko din sya no." hindi ako maka paniwalang nasasabi nya iyon. total Saksi naman din ako kung gaano sya ka patay na patay sa lalaking yun, gwapo din si Mico at tulad ng iba habolin din ito ng babae.
"naalala ko sabi mo kanina May ikukwento ka tungkol kay sir timmy?"pag iiba ko ng usapan.
"ah oo alam mo ba kanina pag pasok ko sa kwarto nya nasa shower sya. tapos kinatok ko Yong pinto ng CR kasi ibabalita ko lang sana sakanya na nandun na sa lamesa nya ang lemonade at iiwan ko nalang yun don. pero hindi nya ako pinalabas agad, ang sabi nya hintayin ko daw sya matapos, ang tagal nya sa CR as in inip na inip ako don Kasi ang dilim pa..Yong gamit na ilaw lang nya don Yong parang lampara na maganda ang style.. tapos pag labas nya sa Cr My ghasssh anim na pandesal. Yong nakita ko " mahabang kwento ni Josefa.
"anim na pandesal? panong May pandesal doon?" tanong ko dito.
"alam mo shaira tigil tigilan mo nga yang pagiging inosente mo" asar nitong sabi sakin.
"eh ano ba kasi mini mean mong pandesal?" < "ano PA ba?edi abs ni Timmy"
Na pa nganga ako sa sinabi nya.
"ano? abs? pinakita nya sayo ang abs nya?" "oh ano ginawa mo Nong sinabi nya yon?" "edi yon hinawakan ko din. free na daw eh " nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at hindi makapaniwala sa ginawa nya .
"naloloka Kana ba? bakit mo naman ginawa yun?" maya maya pa'y umalis nadin si Josefa para pumunta na sa kwarto nito. bigla akong nalungkot ng maalala ko mga kapatid ko. wala pang isang araw ng mawala ako sa Batangas pero ang lungkot kona agad,pano pa kaya sa mga susunod na araw..
bumangon ako at kinuha ang cellphone sa bag, pinatay ko iyon bago bumyahe kanina para hindi agad ma lowbat..
YOU HAVE 5 NEW MESSAGE TO KING:
"hi ate Naka alis na ba kayo?"
"ate chat ka agad pag nabasa mo tong chat ko ha"
"ang lungkot nang gabi namin:( wala ka dito"
"nakarating naba kayo sa bahay ng amo mo"
"chat ka kaagad pag nabasa mo to ha"
Yan ang mga na receive kong chat galing kay king,. kanina pa pala sya nag chat 2hrs ago na syang offline, siguro tulog na sila don nine pm na din ng gabi..
nireplayan ko Mona ang mga chat nito bago matulog..
Miggy's POV
"Why are you frowning?"
"why do you think miggy? you didn't tell me that you have a new nanny? if I hadn't forced myself to come here I wouldn't have known."
"so?"
"what so? I have the right to know who it is"
"why does it seem like a big deal to you that there is a new nanny here? whereas before you didn't care about them"
"w-well nanibago lang ako sa mga bagong muka ngayon na nakuha..pero doon kanina sa dalawa sino Yong yaya mo don?"
"I do not know. Whoever comes into my room tomorrow will be my nanny,"
"I want them to leave here in less than a week"
"look can you stop it? I've been irritating you for a while now. remember I'm not your boyfriend so don't act like you own me"
"ano? ibig sabihin walang tayo simula palang Nong una? How do you explain our dates? our kisses? the ones that happened to us here in your room"
"what do you think? next time make sure the status before you assume so you don't look like a fool"
"I can not believe. You will regret what you did to me Miggy. there are many men who like-
"edi don ka Sakanila, ganon lang kadali yon. wag mo ipagsisiksikan sarili mo sakin dahil hindi kita type."
"I'm leaving.. when you regret it, you will kneel before me and beg for me to come back to you."
"so childish. I was a fool if I did that".
she slammed the door shut, but even then I was relieved because she was no longer in my room.Yesterday I was irritated with her, she insisted on coming here at home she really wants to meet my mom..I haven't introduced mommy to anyone, not even a girl,. I want to introduce sensible women, not women like them. .
Shaira POVs
nagising nalang sa ingay ng alarm clock ko. kinuha ko ito at inoff, sandali Mona akong tumonganga sa kisame ng bahay ng kwarto ko. well ganon talaga gawain ko kada gigising ako ng umaga..
first day of work kona to. fight lang shai kaya mo yan. kapag hindi ka makatagal dito babalik kananaman ulit sa paghahanap ng matinong trabaho..tandaan mo kailangan ka nila king para sa pang araw araw, ikaw nalang pag asa nila kaya wag mo sila bibigoin..pa college na si king kaya kaya go lang..
bumangon ako at dumiretso sa cr. humarap Mona ako sa salamin at nakipag titigan sa sarili ko. "grabi ang hagard ng mukha ko" hindi na ako nakakagamit ng mga skincare simula Nong inumpisahan kong mag hanap ng panibagong trabaho,napoponta lang sa pamasahi ko Yong mga dapat na pang skincare ko..
hinubad ko ang lahat ng soot ko at naligo na, hindi ko ginamit ang shower dahil mas sanay ako sa balde at tabo tabo lang. matapos ang 20minutes natapos na din ako..
hinanda kona ang sarili ko bago lumabas ng kwarto,
binalak ko mona na puntahan si Josefa bago bumaba nag babaka sakali lang na hindi pa sya nakalabas ng kwarto nya.
kinatok ko ang pintoan nya at hindi nga ako nag Kamali nasa loob pa sya ng kwarto nya..
"ang aga mo naman yata masyado? kakagising ko ngalang eh" wika nito habang kinokosot ang dalawang mata.
"mas okay nayong maaga kesa naman mas mauna pang magising ang mga señorito kesa satin."
"May point ka naman don kaso lang 5:40 palang kaya.?okay sana kong 6:30 na."
"ah basta gumising Kana Jan at bababa na tayo tumolong na din tayo sa gawain nila dito sa mansyon baka mamaya May masabi pa ang ibang kasambahay satin"
"oh sya sige na maliligo lang ako ,mauna Kana don sa baba susunod nalang ako alam mo naman kung gaano ako kabagal maligo,"
tumayo na ito at kinuha ang tuwalya nya . alam kong hindi talaga sanay si Josefa gumising ng ganoong oras pero gusto ko sya masanay para hindi sya matawag ng iba dito sa mansyon na tamad.
pagkatapos kong makitang pumasok si Josefa sa cr ay lumabas na din ako para bumaba sa kusina at tulongan sila manang Fe..
"good morning po" bati ko Sakanila, tela nagulat pa ang mga ito nang makita ako.
"oh ang aga mo naman yata gumising Shai?" tanong ni Jopay na halatang kakagising lang din ng mga ito.
"opo gusto ko sana tumolong dito eh."
"nako hindi na ,hindi mo ba nakita kung gaano kami karami dito? kaya na namin to dito, kung totoosin mas mahirap ang trabaho mo dito sa mansyon kesa saamin na kasambahay" wika ni Ashley
"nako okay lang sakin yon, masasanay din ako at tyaka sanay na kasi ang mata ko na maaga gumising kaya naman bumangon na ako Nong nagising ako"
"oh sya total gising kana mag timpla Kana din ng kape mo dito, pili kalang Jan sa kabinet kong ano gusto mong inomin nandyan na lahat ng kape,. hintayin nalang natin ang pandesal bumili pa si manong guard sa labas."
agad naman akong kumuha ng tasa para lagyan ng mainit na tubig,! dadalawahin Kopa sana ang tasa kaso naisip ko baka matagalan pa si Josefa sa pag ligo at baka lumamig nalang ang kape wala parin sya kaya sarili ko nalang ang tinimplahan ko..
"alam nyo ba kagabi nakita kong lumabas Yong mangkukulam dito sa mansyon kahit pa alas onse na yon ng gabi." rinig kong kwento ni Sheryl sa mga kasama..
"talaga himala at umowe sya? baka naman nag away sila ni sir Miggy?" tanong ni Jopay
"ang sabihin nyo pinag sawaan na siguro sya ni sir Miggy, alam nyo naman kung gaano ka badboy si sir Miggy pang ilang babae na nya yan dinala dito sa mansyon pero kahit ni isa wala syang pinakilala sa mommy nya diba? wika ni Ashley.
"pero sana wag na babalik ang babae nayon dito, bruha sya!! kung makapag utos sya satin dito sa mansyon akala mo sya ang boss dito, sa lahat ng babae na dinala ni sir Miggy dito yun lang talaga ang umabot ng two months" singit naman ni Tricia.
hindi ko maiwasang hindi makinig lalo na at magkakalapit lang kami kaya naman rinig na rinig ko kong ano mga pinag uusapan nila.. kinuha ko ang cellphone ko at nag kunware na busy ako sa pag scroll pero Yong tenga ko nakikinig lang sa usapan nila.
"tyaka pansin ko kagabi parang nag away nga talaga sila papatayin kona sana ang lahat ng ilaw dito sa mansyon kaso bigla akong nakarinig ng malakas na pag sara ng pinto at nag mamadaling May bumaba sa hagdan pag tingin ko Yong bruha nga, parang umiyak nga yon eh pinupunasan nya kasi ang pisngi nya habang nag lalakad kaya alam ko umiyak yun.. pero grabi ha ang lakas talaga ng pag sara ng pinto parang nag eco panga yun sa loob ng mansyon sa sobrang lakas" wika olit ni Sheryl
" ikaw Shai? hindi mo ba narinig kagabi Yong pag sara ng malakas na pinto? diba katapat mo lang Yong pinto ni sir Miggy? tyak na maririnig mo yon sa sobrang lakas ng pag sara " tanong ni Sheryl sakin..
"h-ha? ah ano eh hindi ko narinig..siguro tulog na tulog ako non kaya hindi ko narinig"
" grabi tulog mantika kaba at hindi mo yun narinig? sobrang lakas non" natatawang wika ni Jopay
"nako pagod na pagod kasi ako kahapon, kapag galing kasi ako sa pagod sobrang himbing ng tulog ko kaya hindi ko namamalayan ang nasa paligid" nahihiya kong paliwanag dito.
grabi May nangyare palang ganon kagabi? bakit kaya hindi manlang ako nagising?
"nako mas mahimbing ang tulog mo nyan gabi gabi dahil tiyak na papagurin ka palagi ni señorito Miggy, hindi yun titigil hangga't hindi ka susuko at aalis dito sa mansyon" wika ni Ashley
"oo nga Shai, alam na namin ang gawain ni señorito Miggy lalo na pag ayaw na ayaw nya sayo gagawin nya lahat mapalayas ka lang dito sa mansyon.."-ellen
"hay nako kong gaano kabait ang mommy nila kabaliktaran naman Sakanila. dati ang bait bait ng mga yan lalo na Nong nabubuhay pa daddy nila pero iwan ko ba ngayon bakit nag bago.. total climate change" wika naman ni Tricia habang nahigop ng kape."teka nasan naba ang pandesal ang tagal naman yata? "pahabol pa nito..
sakto naman nakababa na si Josefa ng dumating ang pandesal, tulad kanina nag good morning din ito sa lahat ng kasambahay at kumuha ng tasa. pagkatapos nila mag timpla ay agad naman ito tumabi sakin sa upoan..
"Shai paki abot nga ang pandesal"
binigay ko naman dito ang isang supot ng pandesal. total dalawang supot naman binili ni manong guard..
niloblob nito ang pandesal sa mainit na kape ,
napansin kong Naka ngiti ito habang na ngoya ng pandesal kaya siniko ko ito ay bomolong
" hoy nababaliw kanaba ? ano ngini ngiti ngiti mo Jan?"
tumingin ito sakin na Naka ngiti parin
"PAN-DE-SAL" Tanging sagot lang nito sa akin.
" oh tapos?"
nawala ngiti nito at inirapan ako. nag taka naman ako kong bakit ganon reaction nya kaya hinayaan ko nalang baka ma badtrip pa sya ng kaaga aga..
pinag patuloy lang namin ang pag kakape hanggang sa natapos kami ng sabay sabay.. nag kanya kanya ng alisan ang iba dahil uumpisahan na nila ang kanya kanya nilang mga gawain.. naiwan kami ni Josefa sa kusina at hinihintay na magising ang mga señorito..
"kanina Pa ba kayo gising?" tanong ng tao sa likoran namin, alam namin si manang Fe yon kaya hinarap namin ito at nag good morning.
" opo maaga kami nagising at nakisabay na din mag kape sa ibang kasambahay. "
"sos maaga nagising e ng gising ka ngalang eh" bulong ni Josefa sa likod ko, siniko ko ito para patigilin sa pag bubolong dahil baka marinig ni manang Fe.
"pero seven am pa ang dapat na gising nyo lalo na kapag weekend dahil walang pasok ang mga señorito.. 5:30 naman kada Lunes hanggang Biyernes dahil seven am naalis ang mga yun para pumasok sa school busy kayo lagi tuwing Lunes hanggang Biyernes dahil aasikasohin nyo ang mga yun para sa pag pasok nila."wika ni manang Fe.
"ah okay lang po sanay na din kami magising ni Josefa ng maaga"
"oh sya dahil 6:30 palang, tulongan nyo nalang ako mag luto para sa kakainin nating lahat." napangiti naman ako dahil sa wakas May gagawin na din kami na kapani pakinabang. namiss kona din mag luto luto ng ulam dahil ako lang gumagawa non sa bahay namin sa Batangas..
"pero hindi Mona po ba kayo mag kakape?" tanong ko dito.
" hindi ako nag kakape bawal na sakin yun dahil acidic ako, kaya tubig lang iniinom ko" napa tango nalang kami ni Josefa sa sinabi nya..
nag handa na kami ni Josefa ng mga gagayating rikado habang si manang Fe naman ay busy sa pag hiwa ng mga manok na lulutoin.
"ano po bang ulam ang lulutoin ngayon manang Fe?" tanong ni Josefa dito.
"chickencary ang ulam natin ngayon,request ni Timmy yun dahil favorite nya yon.. Yong ibang manok naman adobohin natin dahil yun naman ang favorite ni Miggy".
"tsk chickencary pala favorite ng lalaki nayon"bulong ni Josefa
"kapag nag tagal kayo dito, kayo na ang mag hahanda ng mga oolamin nila minsan. dahil minsan bigla bigla silang nagugutom at biglaan din mag paluto.. pero dahil May yaya na sila olit kayo na gagawa non lalo na kapag May mga importante akong gagawin."
"sige po manang Fe marunong naman po kami sa kahit anong luto "
natapos kami sa pag luluto,inabot din kami ng isang oras at kalahati kaya naman nag madali si manang Fe na dalhin kami sa second floor ng bahay. pagdating sa tapat ng kwarto ay binilinan kami ni manang Fe.
"tinoroan kona kayo kagabi kong ano gagawin nyo dito tuwing umaga, hindi na ako makakasama sainyo sa loob ng mga kwarto dahil marami pa ako aayusin sa kusina at maya maya'y mag hahanda na din ako sa pagkain nila.basta pagkatapos ng ligpit linisin nyo din ang Cr. oh sya mag si pasok na kayo at asikasohin nyo ang mga señorito nyo."
bumaba na si manang Fe at kami naman ni Josefa ay naiwang nag katitigan hindi ko alam kung ano nararamdaman nya pero sobrang kaba ang nararamdaman ko, iniisip ko kasi na baka bigla nanaman itong mag sungit, plus naalala Kopa Yong ngiti nya Nong nalaman nyang virgin pa ako. tumatayo talaga balahibo ko kapag naaalala ko nakakalokong ngiti nya.
"hoy okay ka lang? bakit parang namumutla ka yata?" natatawang tanong nito sakin.
"sino ba naman hindi kakabahan ha? alam naman natin kung gaano kasungit si sir Miggy diba?" tanong ko dito.
"nako nag kukunware lang yan, wag ka papadala sa sungit nya, hayaan mo syang mag sungit hanggang sa matig*k." wika nito na ikinataws ko
"oh sya sige na aasikasohin kona ang loob ng kwarto ng señorito ko. ikaw naman pumasok Kana sa loob ng kwarto ng señorito mo" natatawa wika olit ni Josefa..
lumakad na ito papunta sa kwarto ni Timmy at agad na pumasok.. naiwan akong nasa labas at nag dadalawang isip parin kong papasok paba ako o hindi na.
pero kapag hindi ko to ginawa baka mamaya ihahated naako pauwe ng Batangas .
huminga Mona ako ng malalim at tyaka kinatok ang pinto at binuksan ito..
pagpasok ko sa loob nakita kong gising na si Miggy Naka upo ito sa harap ng computer nya at busy sa paglalaro.
hindi ko alam kong napansin nya ba ang pag pasok ko o hindi dahil hindi manlang ako nilingon nito. Naka headphone din ito kaya hinayaan ko nalang at nag umpisa na mag linis..
nakakalat ang mga damit nito sa sahig meron pang mga bote ng wine sa ilalim ng lamesa nya, naisipan kong kunin yun pero mamaya nalang pag labas ko ng kwarto baka sakaling tapos na ito sa pag lalaro matapos kong makuha ang mga damit nilagay ko ito sa laundry basket sinumulan ko naman ayusin ang kama nya na akala mo'y dinaanan ng bagyo.
pinagpag ko Mona ang unan at nilagay ito sa upoan sunod ko naman kinuha ang pagka kapal na kumot nito..at onti onti kona inayos..
hanggang sa natapos ako sa pag ayus hindi parin ako nililingon nito. kaya naisipan ko nalang na sunod linisan ang Cr. pag pasok ko sa loob napansin kong wala naman dapat lilinisin don dahil maayos lahat ng gamit dun.
buti pa tong cr malinis sana naman sa kwarto nya ganon din sya hindi Yong dito lang .pero sige e brush ko parin ang inidoro para sure na malinis..
inumpisahan ko itong brushin at lagyan ng sabon.sinama ko na din sa pag brush ang sahig pinunasan kona din ang slide door nya sa shower.
grabi pinag pawisan ako dito ahh. kahit cr kasi ang lawak ..napangiti naman ako ng marealize kong tapos na ang gawain ko sa buong kwarto kaya naisipan kong patayin na ang ilaw sa cr,
pag patay ko dito akmang bubuksan kona sana ang pinto ng tumonog ang message tone ko sa cellphone..kesa lumabas naisipan ko monang boksan ang message ko..
huh load? sino naman nag load sakin ng pantawag? tanong ko sa sarili . naisip ko na baka si king ang nag load kaya tinext ko ito at tinanong kong sakanya ba galinng ang load ko.. nag tatype palang ako ng biglang nag text si king
"ate niload na kita para kahit papaano makapag reply ka samin dito. hindi Kana kasi nag oonline nag aalala lang kami nila prince at Ethan.. napangiti naman ako sa message nya kaya nireplayan ko ito agad.
"pasensya na kayo medyo busy lang dito. pero thankyouu sa load king, maya maya na tayo usap at nag lilinis paako ng kuwarto ng inaalagaan ko.
message sent .
napangiti nalang ako dahil ramdam na ramdam ko ang pag mamahal nila sakin. nilagay ko olit sa bulsa ang cellphone at binuksan ang pinto ng biglang.
"owh Sh*t" rinig kong sabi ni Miggy matapos nitong magulat ng lumabas ako ng cr. akma din kasing papasok ito ng cr ng bigla akong lumabas..
"what do you think you are doing?" tanong nito na May halong galit sa mukha
"nako pasensya Kana sir Miggy nag linis kasi ako ng cr eh" pagpapaliwanag ko dito
"are you fooling me? sa. tingin mo maniniwala ako na nag linis ka Jan sa loob ng cr?"
"pero yon naman po ang totoo nag linis t-talaga ako ng cr"
"May nag lilinis ba ng cr na Naka patay ang ilaw?"tanong nito na May pagdududa parin sa muka.
"ah Kanina kasi Nong palabas na ako pinatay ko ang ilaw eh sakto po May nag text sa cellphone ko kaya kinuha ko Mona ang cellphone at binuksan ang message" paliwanag ko dito.
"ang sabihin mo you want to steal something"wika nito na nakatingin sakin ng matalim.
"hindi naman po ako mag nanakaw sir eh.nag tatrabaho po ako ng maayos"
"sino sa tingin mo maniniwala sayo ha? alam mo ang galing mo din mag palusot eh marami Pa ba kayo sainyo?.
nang init ang dugo ko sa sinabi nya kaya naman tinitigan kona din ito ng masama.
"sir pinalaki kami ng maayos ng nanay at tatay ko . hindi namin gawain mag nakaw ng kahit na anong gamit kung ayaw mo maniwala hindi kita pinipilit, kung tingin nyo sakin mag nanakaw edi sige mag nanakaw na basta malinis hangarin ko trabaho ang hanap ko hindi pag nanakaw dito sa mansyon nyo pero kung ayaw mo parin maniwala na wala akong ninakaw edi kapkapan mo ako kung May makikita kang ninakaw ko" saad ko dito na mangiyak ngiyak.
napansin ko naman na ngumiti ulit ito ng nakakaloko kaya agad ako napaiwas ng tingin dahil tumatayo nanaman olit balahibo ko.
"really? do you want me to touch you? well I really need to make sure you didn't steal anything" wika nito habang palapit ng palapit sakin kaya naman napa atras ako hanggang sa naramdaman kona sa likoran ko ang pintoan ng cr.
"A -ano p-poba sa t-tingin nyo ginagawa n-nyo? naootal kong tanong dito.
" i just want to make sure you didn't take anything"olit nito at nilapit nito ang mukha nya sa muka ko kaya naman iniwas kona olit ang muka ko sakanya.
naramdaman ko nalang na hinawakan nya ang bewang ko, nanginig ako sa takot ng gawin nya yon, naramdaman kong ginalaw nya kamay nya at onti onti nya itong tinaas..
hindi ako makagalaw sa ginagawa nya kaya nanatili akong parang bato.
"huh, I guess you enjoy it?"tanong nito na May pa nunuksong boses..
naramdaman ko ulit na tinaas nya ang kamay nya papunta sa dibdib ko kaya tinulak kona ito at sa hindi sinasadya ay nasampal ko ito..
"you slapped me?" nanlisik ang mata nito sa galit dahil sa ginawa ko.
"dapat lang yan sayo ang kapal ng mukha mong hawakan ako."
"I guess you forgot, Ikaw mismo nag sabi sakin na kapkapan kita. I just did what you said" saad nito na hindi parin nawala ang galit sa mukha..
"o-oo s-sinabi ko nga yun, pero hindi sa paraan na malapit ang mukha mo at tyaka muntikan Mona mahawakan ang dibdib ko"
"try to do that again, you will be lost."madiin nitong wika sakin..
"subokan mo din olit akong hawakan malalaman mo din hinahanap mo" palaban kong sinabi yun dahil alam kong nag uumpisa pa lang ang laro na sinasabi nito..
nag madali akong kinuha ang laundry basket at lumabas ng kwarto ni sir Miggy. pagka labas ko ay sinapo ko agad ang dibdib ko na kanina pa kinakabahan dahil sa nangyayaring eksena namin ni sir Miggy..
grabi ibang klase sya ano akala nya sakin makukuha nya ng ganon ganon lang? kahit ubod pa sya ng gwapo hindi ako papayag na basta basta lang nya mahahawakan ang katawan ko no.malaki respeto ko sa sarili ko kaya hindi nya ako basta basta madadala sa mga bad boy galawan nya.
nag lakad ako papunta sa laundry at naabutan ko sila Tricia at Ellen na nag babanlaw ng mga ponda ng unan.
"oh kay Miggy ba yan?"
"ah oo."
"haysst isang basket na ang labahan nya , ayaw kasi namin pumasok sa kwarto nya at kunin ang mga labahan masyado kasi syang masungit..buti ikaw at nakuha mo ang mga yan?" tanong nito saakin..
"hindi nya kasi ako napansin na pumasok sa kwarto kanina, busy sya pag lalaro at siguro malakas ang tunog ng headphone nya kaya hindi nya din ako narinig na kumatok."
"oum, na vaccum Mona ba ang sahig doon ni sir Miggy? maalikabok ang ilalim ng kama non panigurado dahil mag iisang linggo ng hindi na papasokan ng maid yun at nalinisan." wika ni Tricia.
"h-ha? k-kailangan Pa ba yon?"nauutal kong tanong dito.
"oo bakit May problema ba? sa itsura mo palang parang ayaw mo nang pumasok ulit sa kwarto nya " natatawa naman nitong tanong sakin..
"h-hindi naman , saan ba makikita ang vaccum? " tanong ko dito ."nandon lang yon sa May kwarto don malapit sa kusina Nandon nakalagay ang lahat ng gamit pang linis. nasa gilid lang ng pintoan ang vaccum kunin mo nalang" wika nito sakin.
agad naman akong pumonta sa sinabi nitong kwarto at kinuha ang vaccum.. umakyat na ako sa hagdan at tinungo ang kwarto ni sir Miggy pag tapat ko palang sa pintoan ay muli ko nanaman naalala ang eksena kani kanina lang.
kaya huminga Mona ako ng malalim bago kumatok at binuksan ang pinto..
pag pasok ko ay hindi ko sya nakita sa loob pero narinig kong Naka bokas ang gripo ng cr, napangiti naman ako dahil malaya akong makakapag linis ng kwarto nya. naiilang kasi ako kapag May nanonood sakin mag linis.
inumpisahan ko mo nang linisin ang mga nasa gilid gilid winalis ko Mona ito lalo na sa mga ilalim ng lamesa at kama.
grabi maalikabok nga. ang dami pang mga nahulog na chichirya botas ba bunganga nya.
binuksan kona ang vaccum at inumpisahan ng kunin ang mga alikabok sa gilid gilid. nang biglang. bumukas ang pintoan ng cr na nasa likod ko lang
"you again? why are you suddenly entering here without permission?"
"Do i still need your permission to clean your room? pataray kong tanong dito bago humarap sakanya, nagulat naman ako ng makitang naka tapis lang ng tuwalya ang pang ibaba nito.
"hoy ano kaba naman wala ka bang manners?" tanong dito sabay talikod.
"psh I still have no manners now? while you are the one who suddenly entered my room. This is my room, so even if I'm n***d here, there's no problem.."
" pero sana may konsiderasyon din kayo lalo na at may babaeng nag lilinis dito sa kwarto mo" reklamo ko dito..
"Hurry up, finish it immediately and leave. if you don't want me to get dressed in front of you" wika nito na kina taranta ko. kaya naman pinatay ko agad ang vaccum at nag mamadali na lumabas. ngunit hinawiran nito ang braso ko.
"I said leave when you're done. I didn't tell you to leave"
"ahm t-tapos naako" naootal kong wika dito dahil iniiwasan kong tumingin sa mababato nitong tyan..
"clean my room well now, I have a guest coming later. I don't want to see even a single piece of dirt..
wala na akong nagawa at pinag patuloy nalang olit ang pag vavaccum sa mga gilid ng kama at lamesa nito.
napansin ko namang kumuha ito ng damit at short. habang kumuha ito hindi ko maiwasang mapa tingin sa mababato nitong tyan .
ito kaya sinasabi ni Josefa na mala pandesal? isa,dalawa,tatlo,apat,lima,anim, grabi anim na piraso.pinag hirapan nya kaya pa ombokin yan?
"continue your work don't look at me" wika nito na sya namang kinagulat ko. hindi ko napansin na Naka harap na pala sya sakin.
"hindi kita tinitingnan assumero ka, tinitingnan ko Yong kabinet ang ganda kasi ng pagkakagawa" pag sisinungaling ko dito.
"Don't lie, I saw you staring at my abs. You're lucky because there are so many women who want to see it. but now you can see it and it's free"
"grabi kayabangan talaga" "tapos na ako aalis na ako masyado na din malakas ang hangin dito" wika ko dito at nag madaling makalabas .
Naka hinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng pintoan
hayy salamat natapos din. grabi muntik na ako himatayin don sa loob. ang yabang talaga ng Miggy nayon grabi hindi ko kinaya ang hangin nya sa ulo.
bumaba ako sa kusina at napansin kong nandun na pala si Josefa .
"oy kanina kapa ba ?"tanong ko dito
"ngayon-ngayon lang din grabi ang kalat ng loob ng kwarto ni Timmy hindi sya katulad ng mga kapatid natin na malinis sa mga gamit."reklamo nito
" ganon din naman si Miggy magulo din ang kwarto nya kakatapos ko lang mag vaccum don May bisita daw syang darating kaya ayaw nyang madumi ang kwarto mamaya. tsk ayaw naman pala nyang makita ng mga bisita nya na madumi ang kwarto nya pero grabi sya mag kalat" reklamo ko din dito
"talaga? yan din sinabi sakin ni Timmy May parating syang bisita mamaya kaya kailangan malinis ang kwarto nya"
"hayaan Mona baka May babae na naman silang dadalhin Jan, ang importante nagawa natin mga gawain natin no."
"hoy ano pinag pinag uusapan nyo ha?" gulat samin ni Jopay.
"mukhang pagod na pagod kayo ahh?" tanong ni Tricia.
"oo malamang pagod na pagod ang mga yan first day nila ngayon sa pag aasikaso sa mga señorito.."sabi naman ni Sheryl
nag tipon tipon olit kami sa lamesa 12 pm na din ng hapon kaya tiyak na oras na ng kain..
"hindi naman masyado, nag linis lang naman kami ng kwarto sanay na kami sa ganoong gawain kaya hindi na kami nahihirapan" paliwanag ko dito..
"buti nalang at sanay kayo hindi tulad dati sa mga nauna, feeling ko May gusto sa mga señorito yun kaya nag apply ng yaya . at ang ending hindi din tumagal dahil mga tamad sa gawain at hindi kinakaya ang pag uugali ng mga señorito" mahabang kwento ni Ashley.
" nako sinabi mo pa puro mga dalaga ang nag apply dito dati at ang hilig pa mag soot ng mga pang sexy na damit akala mo bar yong pinag ta trabaohan nila." natatawa pang saad ni Ellen
mapa ngiwi nalang ako sa mga sinabi nito,pano ba naman kasi kada nag titipon tipon kami lagi nalang sila May masasabi.kesa sa tahimik kang makakapag pahinga hindi nalang dahil sa ingay nila ..
onti onti nang nag lapag ng mga plato at kanin sina Ashley at Ellen
" nandito na pala kayo?! tara na kumain na tayo at kanina pa ako nagugutom " wika ni manang Fe.