NYELA'S POV: -- TUNOG ng makina ang siyang bumungad sa akin ng imulat ko ang aking mga mata pero ganun na lamang ang pagtataka ko nang maramdamang may benda ang mukha ko maging ang paa at kamay. Akmang babangon ako mula sa kamang kinahihigaan ko nang may pumigil sa akin kaya naman marahas akong napalingon dito sa siyang pinagsisihan ko dahil pakiramdam ko nabali ang leeg ko. "Don't push yourself too much, Nyela," ang boses ni Felix ang siyang narinig ko pero pakiramdam ko nakapalayo niya dahil sa benda na nakabalot sa mukha ko. Sa tingin ko nasa loob ako ng hospital at hindi ko alam kung ilang araw akong walang malay. "W-what happened?" Tila bulong sa hangin na tanong ko at nahihirapan din akong magsalita. "You took the bomb with you while you were inside the train and look what you

