Kasalukuyang nakikipag harutan si Amara sa ilan nilang mga kasama sa camping na iyon, halos mag i-isang oras na rin yata ang naka lipas nang bumalik siya roon matapos ang pag tatalo nila ni Xavier kanina at hindi niya na rin alam kung ilang bote na ng alak ang naubos niya ngunit kahit ganoon ay nakuha niya pa ring makahinga ng maluwag. Mag i-isang oras na ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumusulpot maging si Angela, habang patal tuloy ng patagal ay tila mas lalong sumisikip ang dibdib niya, paano ba naman kasi ay halos wala rin siyang tigil sa pag iisip na marahil nga ay magkasama kung saan ang dalawang iyon. Marahas na napa buntong hininga si Amara bago muling uminom sa beer na hawak niya. Kahit ba lasing siya basta ba kahit paano ay nabawasan lamang ang hindi magandang isipi

