“Sh*t! Nasaan na ba kasi banda iyang pesteng camping site na iyan, feeling ko isang buong araw na akong nag lalakad pero hindi pa rin makarating!” Inis na bulong ni Amara habang tuloy pa rin sa pag lalakad. Sa layo ng kanilang nilakad, pakiramdam niya ay hindi niya na maramdaman ang kanyang mga binte, idagdag pang hinihingal na siya dahil sa matinding pagod at init at tila lalo lamang sumasama ang pakiramdam niya. Lalo pa at tama ang hula niya, masaydong marami at malalaki ang mga batong naroon na kailangan rin nilang tulayan at akyatin para makarating sa pesteng camping site na ayon sa hudas ay MALAPIT lamang. “Amara, will you hurry up?” Inis and tinig na sigaw nanaman sa kanya ng kanyang boss, nasa huli na kasi siya at pagod na pagod habang ang mga kasama niya kabilang na ang kanyan

