Naging mabilis ang pag lipas ng mga araw para kay Amara, nariyang hindi niya na namalayang halos mag kakalahating taon na rin siyang nag ta-trabaho para kay Xavier. Nakuntento na rin siya sa mga patago nilang pag kikita ng kanyang boss, pakiramdam niya tuloy ay isa siyang mag nanakaw na pumupuslit sa silid nito tuwing gabi, wala namang kaso iyon kay Amara, kaya lamang kung minsan ay napapa isip siya kung hanggang kailan nga ba kaya ang itatagal ng ganitong set up nila ng kanyang boss lalo at sa kanilang dalawa ay mukhang siya lamang naman itong apektado. Sa pag lipas rin ng mga lingo at buwan ay tila mas lalong naging mailap sa kanya si nanay Unday, nariyang ni hindi man lang siya nito tapunan ng tingin at ang tanging pagiging usapan lamang nila ng matanda ay sa tuwina lamang na may ipag

