Hindi na alam ni Amara kung ilang minuto na nga ba ang naka lipas mula noong matapos sila ni Xavier sa kanilang ‘laro’. Ang tanging alam niya lamang ay kahit anong pilit niya sadyang hindi niya makuhang tumigil sa pag tawa, tila lalo pa ngang lumala nang makita ang itsura ni Xavier, naka tanga lamang kasi ito sa kanya habang tila namamangha siyang tinitigan. “What’s so funny? Are you okay?” Kunot-noong tanong sa kanya ni Xavier, pinilit naman ni Amara na tuluyang patahimikin ang sarili lalo at kulang na lamang ay mag salubong ang mga kilay ni Xavier dahil sa pag tataka. Sandaling pinahid ni Amara ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata saka marahang umiling. “I’m sorry… I don’t know why I am laughing too, hindi ko lang mapigilan…” Kagat-labing sabi ni Amara saka muling natawa na

