Pakiramdam ni Amara kahit paano ay nagka laman rin ang kanyang tiyan sa apat na lata ng beer na ininom niya. Iyon nga lang ay bukod sa mukhang agad siyang tinamaan ng alak ay humahapdi rin ang kanyang sikmura. Malakas siyang napa buntong hininga sabay inis na itinapon ang pang apat na lata ng beer na wala nang laman sa sahig, hindi pa siya nakuntento at inapak-apakan niya pa iyon hangang sa mayupi. “Ughh... I am drunk and I think mas lalo lang sumakit ang tiyan ko... Damn beer... Oh well at least I know now, hindi nakaka busog ang alak.” Amara whispered to herself annoyed. Bakit ba naman kasi hindi niya ginamit ang kanyang isip, basta na lamang siyang dumampot ng ilang beer sa ref saka tumungo sa walang silbing dining ng bamboo suite at doon uminom sa pag babaka-sakaling kahit paano a

