Hindi alam ni Amara kung paano siyang naka alis sa kumpol ng mapanuring mga mata sa grupong hanggang ngayon ay nag sasaya pa rin. Ang alam niya lamang ay nagawa niyang iwasan ang tanong ni Cassy kanina- nagawa niyang iwasan ang para sa kanya ay isang napaka komplikadong tanong na siya mismo ay hindi alam ang sagot, nagawa niyang layasan ang mga mata ng mga kasamahan nila na nag hihintay ng sagot. “Even I saw stupid Xavier stopped drinking his freaking beer and waited for my answer!” Wala sa sarili niyang bulalas habang tuloy pa rin sa pag lalakad patungo sa talon, hindi alintana ang dilim ng paligid isama pa ang nahihilo niyang diwa dahil sa nainom na alak. “That’s right, I pretended I was going to poop…” Amara once again whispered and laughed after realizing how stupid her reason was

