Zillione POINT OF VIEW Habang nagmamaneho ay panay ang tingin ni Misti sa may bintana ng kotse. Alam ko na hindi niya binababa ang kanyang alarma. “Siguraduhin mo na tamang daan ang tinatahak mo,” sabi ni Misti sa akin. “Dahil kung hindi sinisigurado ko sayong hindi mo na masisilayan pa ang susunod na umaga.” Hindi ko siya pinansin at patuloy na nagmaneho na lamang ng kotse. Okupado ang aking isipan para makipagsagutan pa sa kanya. Hininto ko ang kotse sa may gubat kung saan malapit sa may dagat. Malayo na ang narating namin. Madilim ang ulap na nagbabadyang uulan ano mang oras "We are here." sabi ko Bumaba naman na sila. "Nasaan ang bahay ni Grey dito?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko naman siya. "Sinong may sabing may bahay siya? Dito siya mismo nakatira." sabi ko sa kanya. N

