IV

1008 Words
Razie POINT OF VIEW *Ring* *Ring* *Ring* Damn kanina pa ako tumatawag kay Zil pero ring lang ng ring ang phone niya. Bakit kaya hindi niya ito sinasagot? Wag mo sabihin sa akin na natutulog pa siya ng ganitong oras. My goodness! Tanghali na kaya! Napatingin naman ako kay Alexa, tsk umiiyak nanaman ang babaita dahil sa pag-ibig. Hay nako buhay nga naman parang life. Babatukan ko talaga si Ken pag nakita ko siya. How dare him to hurt this beautiful lady. Ang babae hindi dapat pinapaiyak dapat pinapasaya. Mga lalaki talaga! Walang kaalam alam sa feelings ng mga babae. "Hello Zil? Kanina pa ako tumatawag sa iyo may masama akong balita about sa mga bampira!" Sabi ko nang biglang sagutin ni Zil ang kabilang linya. Finally! She answered it already. Ano bang ginagawa nito sa buhay niya. 'This is Grey her husband' Sagot ng isang cold na boses sa kabilang linya. Damn! Biglang lumakas ang t***k ng puso ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Napalunok ako at biglang kinabahan dahil sa kausap ko ngayon. Grey Lacoste wews! Ang tanga ko at nabanggit ko pa ang salitang bampira! Ano na ang gagawin ko ngayon? Ano ang isasagot ko?! Bobo ka Razie! Dapat talaga hinihintay ko muna maghello si Zil bago ako dumada agad agad. Ipapahamak ko pa siya! 'What's with the vampire? Anong kinalaman ni Zillione sa kanila?' Dugtong pa nito. Boses pa lamang ay nakakatindig balahibo na paano pa kaya kapag nakaharap ko na siya. Never ko pa nakita yung asawa ni Zil naririnig ko lang ang kanyang pangalan dahil maingay ang pangalan niya sa amin. Main suspect ba naman at ang pinaghihinalaan nila. Baka manginig ako s atakot pag nakaharap ko itong tao na ito. Boses niya pa lang ay tinatakot na ako. Napakagat ako sa hintuturo ko. Naging habit ko na ata ang pagkagat sa daliri sa tuwing kinakabahan ako. Patay! Anong sasabihin ko? Patay ako nito! Hindi niya pwedeng malaman ang misyon namin! Pero ano ang dapat ko isagot? Blanko ang utak ko at wala akong maisip! "Ano?!! Nasabi mo na ba kay Zil na naubusan na tayo nung vampire book sa national bookstore?! huhu" Biglang sigaw ni Alexa sakin na nakikinig rin pala sa usapan naming dalawa. Napahinga ako ng maluwag. Buti nakaloudspeaker ako at narinig ni Alexa ang usapan! "Y-yes yung libro na paborito namin nila Zil naubos na yung about sa vampire. W-we love vampires ya know." Sabi ko sa kabilang linya at tumawa ng kaplastikan. He. He. He. Di ko kasi alam kung ano ang dapat ko ireact sa kanya. 'She's sleeping right now, do you want me to wake her up so you two could talk?' Cold na tanong nito sa akin. Taray englishero! "N-no pakisabi nalang sa kanya b-" Naputol ang sasabihin ko dahil pinatayan na niya ako ng phone hindi pa ako tapos sa pagsasalita. What the heck? Pinatayan ako? Arogante! Sa bagay mukhang normal naman sa mga business man ang pagiging ganoon. Feeling ata nila nasasayang ang oras nila sa ganoon pero mabuti na rin na binaba niya dahil wala na akong masabi. He he he nakakakaba siya kausap! Paano kaya natatagalan ni Zil ang ganoong asawa? So that is Grey Lacoste sa phone pa lang nakakanerbyos na paano pa pagkaharap ko na? Siguro kung yung asawa ko ganoon ay baka binuhusan ko siya ng kumukulong tubig. Charot! Hindi ko yon kayang gawin. Hindi naman ako psycho! Wews! Salamat naman at nasa tabi ko lang si Alexa! Life saver ang ate niyo! Ikiss ko nga ito mamaya. Sana lang wala nang isiping iba si Grey sa narinig niya kanina. Sana lang naniwala siya sa sinabi namin. Sana nga medyo gullible siya. Wews! Zillione POINT OF VIEW Napamulat ako ng mata at kinapa si Grey sa gilid ng aking kama. Agad akong napabangon dahil wala na siya. Agad agad? Parang kadadating niya lamang kanina gising na agad? Sabagay natutulog ba ang mga bampira? Oo! Alam ko natutulog sila sa umaga! Pero umaga naman na bakit wala siya sa tabi ko? Normally naman naaabutan ko siya ng ganitong oras. Napatingin ako sa phone ko na nakalagay sa maliit na table sa side ng higaan niya. Hell! No way! Bakit nandoon ang cellphone? Don’t tell me pinakeelaman niya ito? Pero hindi naman siya ganoong tipo ng tao. Never siyang nakikialam sa gamit ko. Wala nga siyang pake sa akin eh. Kinuha ko agad ang phone ko at binuksan ito. Iniscroll ko agad at kinalikot kung may trace ban a ginalaw niya. Napaangat ako ng tingin ng mapansin ko ang isang hubog ng lalaki. Si Grey na kakalabas lang ng bathroom ng kwarto. Damn! Hindi ko napansin ang oras akala ko ay maaga pa. Ala singko na pala ng hapon! Nagkatama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko makaya ang napakacold na tingin niya pero at the same time ay naeestatwa naman ang mata ko at hindi makailag sa pagtitig sa kanya. Parang mga mata ni medusa na sa oras na titigan mo ay nagiging bato ka. Ang pinagkaiba lang ay hindi literal ang sa kanya. Maganda ang hubog ng katawan ni Grey at matangkad din siya. Para siyang si makisig. Kung idedescribe ko siya almost perfect! Nahihirapan ako huminga dahil sa itsura niya ngayon. Nakakapressure! Pakiramdam ko bawat paghinga ko ay binabantayan niya. Yung mga mata niya bakit ganoon kaganda? Tila mas maganda pa sa mga mata ko. Gusto ko nang lunukin ang laway ko kaso ayoko na makita niya. Baka akalain niya naprepressure ako! Kahit totoo naman ayoko parin na makita niya! "Tsk.” Sabi niya at pumunta sa cabinet saka ito nagbihis ng mabilisan. Arogante talaga ito. Napakacold ni Mr. Lacoste. Giniginaw na nga ako eh. Kulang  na lang ng balabal saka jacket at makapal na kasuotan. Huminga agad ako ng malalim at lumunok noong iwanan niya ako ng tingin. Paano ko ba siya tatanungin? Baka mamaya bigla na lamang siyang magalit sa akin. Akala mo pa naman lagi siyang may dalaw. Laging galit. Mas masungit pa siya sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD