II

1070 Words
Zillione POV     Napamulat ako ng mata ko at agad tumagilid upang tignan kung naroon pa ang aking asawa. Tulad ng inaasahan ko ay naroon nga si Grey at nakatakip ng unan ang buong mukha. Nakatalikod ito sa akin. Tsk, mabuti at nakakahinga pa siya. Tinignan ko ang orasan alas-otso na pala ng umaga pero bakit parang maaga pa sa loob ng kwarto. Siguro ay dahil na rin sa makapal na mga kurtinang nakalagay sa mga bintana na nakasarado. Tumayo ako para buksan ang kurtina ng bahagya upang sumilip sa labas. Kaonting bukas lang dahil baka magalit nanaman si Grey sa akin. Hindi ko nanaisin na gumawa ng mga bagay na ikaiinis niya. Gaya na lamang nung unang araw na natulog ako rito bigla na lang ako binulyawan dahil ayaw niya daw ng maliwanag akala mo ay isang malaking pagkakasala nung para sigawan niya ako. Pinapapalitan ko na lamang  ang mga kurtina at iniwan ang manipis na puting kulay sa may terrace.Mula noon ay hindi ko na ugaling buksan ang mga kurtina. *Ring* *Ring* *Ring*     Napatingin ako sa phone ko sa may small table na nasa gilidan ng hinihigaan ko.     Lumapit ako roon at kinuha ang phone saka sinagot.     "Hello?" sagot ko sa kabilang linya.     "Zil ano ng balita?" tanong ng taong kausap ko sa kabilang linya.     Napatingin naman ako kay grey na hanggang ngayon ay tulog pa.     "Mamaya nalang tayo magusap. I'll call you later,"  sabi ko rito at pinatay na ang phone mahirap na baka mamaya ay makatunog pa si Grey sa aming mga plano.     Base sa itsura niya hindi siya madaling maloko at malakas ang pakiramdam ng nilalang na ito. Sabagay ano pa nga ang aasahan mo sa isang business man na katulad niya. Hindi naman siya uunlad ng ganoong kataas kung tatanga tanga ito. Naligo na ako at gumayak madami pa akong aasikasuhin sa aming opisina kung si Grey lang naman ay mamaya pang alas kwatro ang gising niya walang palya iyon. Sana lang ay mahuli ko na siya para hindi na magtagal pa ang lahat ng ito. Hindi go ginugusto ang mga nangyayari sa akin at natatakot ako sa maaaring kalabasan.       Matapos mag ayos ng sarili ay sumakay na ako ng aking sasakyan upang dumiretso sa aking pinagtratrabahuhan. Maya’t maya akong tumitingin sa side mirror nito baka mamaya ay ako na pala ang minamanman ni Grey. So far so good naman ang mga nangyayari. Ipinagpapasalamat ko na hindi palatanong si Grey sa buhay ko. Sabagay wala naman itong pakielaman sa akin. Kahit nga ang tanungin kung ano ang paborito kong ulam ay hindi pa ko natanong nito. Pero bakit naman siya magtatanong kung wala naman itong interes at bakit kailangan kong kausapin ang sarili ko patungkol sa mga ganoong bagay. Ano ngayon kung hindi niya ko tanungin.Marahil ay hindi ako sanay pagka’t tila hindi kami magkakilala kung ako ay kanyang tratuhin. Sandali hindi naman talaga kami magkakilala.     Napatingin ako sa singsing na suot suot ko. Si Grey ang nagbigay sa akin nito. Gawa ito sa ginto at may maliit na diamante sa gitna nito. Kumikinang ito dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa aking kotse.     Napatingin ako sa side mirror at nakita ko ang sarili kong nakangiti ng wala akong kaalam alam.Hindi ko man lang naramdaman na kusang tumaas ang sulok ng aking labi. Agad kong tinanggal ito at mas binilisan na lamang ang pagpapatakbo ng sasakyan.     Pagdating ko sa may parking lot ng gusaling pinapasukan ko ay nagpalinga linga ako sa paligid upang tignan kung mayroon bang nakasunod sa akin. Nang makasiguro akong wala ay bumaba na ako sa aking sasakyan at nilock ito.     "What?!" inis na sabi ko kay Ken na nakasunod sa akin.     He's so annoying kanina pa siya nakasunod sakin mula sa  paglabas ko ng office ni Dad pagkatapos magreport tungkol sa misyon ko.     "Nothing," nakangiting sabi niya na mas ikinainis ko .Wala ? Kaninang kanina pa siya nakasunod sa akin na parang buntot ko.     "Then stop following me!" madiin na sabi ko.     "Actually I want to ask you to go out with me later or should I say let's eat together parang dinner na din Are you free?" sabi niya at nagpacute pa .     Konti nalang babanatan ko na ito.     "No. How many times do I have to tell you? Stop flirting with me .May asawa na ako," sabi ko at binuksan ang pinto ng office ko saka pumasok.     "Asawa!? Come on Zil , Grey is not around alam naman natin lahat kung bakit mo siya pinakasalan it's not about love b-" "STOP KEN!" putol ko sa sinasabi niya hindi ko nais na marinig ang mga katagang iyon.     Yes arrange marriage ang lahat. Pinakasalan ko lamang si Grey para sa misyon namin pero pakiramdam ko ay nagtataksil ako kung sumasama ako sa ibang lalaki. I just don’t feel na okay lang yon.     "Ok, what I mean is alam mo naman na high school palang tayo gusto na kita pagkatapos nag-asawa kalang ayaw mo na akong pansinin."  Pagmamaktol nito sa akin. Masyado talagang malakas ang loob ni Ken para sabihin sa akin na gusto niya ako.     I and Ken are best friend since high school and he likes me that much but sad to say hindi siya ang gusto ko.Hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Sa tingin ko ay hindi na hihigit pa roon ang nararamdaman ko para sa kanya.     "Do I need to repeat this a thousand times? Bestfriend lang no more no less isa pa nandyan naman si Alexa she's your number one fan she's madly inlove with you. Siya na lang ang gustuhin mo," sabi ko      Isa sa kabarkada namin na matagal ng may gusto kay Ken si Alexa .     "I don't like her Zil ikaw ang gusto ko. Paano ko naman tuturuan ang puso ko na magmahal ng iba its beyond of my control at kung pwede man ay hindi ko ito tuturuan dahil ikaw lang gusto ko," seryosong sabi ni Ken sa akin     Hindi ko na lamang siya pinansin at inayos na ang mga papers sa desk ko.Dinner? Naalala ko never pa kaming nagsabay kumain ni Grey he's always saying 'mamaya na lang' 'busog pa ako' 'katatapos ko lang' tsk sana nga nagkamali sila sayo Grey dahil sa bawat araw na kasama kita nagbabago din ang pagtingin ko sayo pero kung isa ka nga sa kanila hindi kita mapapatawad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD