"MJ please let me in. I wanna talk to my girlfriend," pagsusumamo ni David na kanina pa naghihintay na makausap si Amber pero hindi ito hinahayaang makapasok ng guard kanina pa. Hinarang lang niya ang kotse ni MJ na palabas na ng bahay. Kasama nito si Tyrone. "Just stop, David. Pasalamat ka na lang at hindi ka namin magantihan. Idiot. Nakakagigil ka kung pwede lang.... Kanina pa maga yang mukha mo sakin," Malditang sabi ni MJ. Walang magawa si David kundi tanggapin ang mga salita nito dahil alam nya sa sarili nya na nagkamali sya. "Lady hayaan mo na-" "Tumahimik ka Tyrone baka gusto mong ikaw ang hindi makapasok dyan. s**t pare-parehas kayo. Mga walang magandang dulot sa amin," sinara nito ang bintana ng sasakyan. Nawalan ng pag-asa si David ng lumabas si Tyrone sa sasakyan. "Dude p

