"Don't tell me naniniwala ka jan. David naman. Ito yung al-" "Shut up, Amber. Uwi muna kayo kakausapin ko sila. Pupuntahan na lang kita." sabi ni David habang nakatingin pa rin sa bata at hindi man lang matignan si Amber. Awang awa na nakatingin si MJ, DJ at ang mommy ni David sa dalaga. Kagat nito ang labi na animo'y pinipigilan ang luha habang nakatingin kay David. "P-pero mine bakit ko kailangang umalis. Gusto kong marinig ang pag-uusapan nyo. Bakit hindi ako pwedeng mag stay, I'm your fiancee-" sabi ng dalaga at hinawakan ang braso ni David. Nagulat naman ang lahat ng tinanggal ni David ang nakahawak na kamay ni Amber sa braso nito. Gulat si Amber at isa isang naglaglagan ang luha nito sa ginawa ng fiancee. "Just go-I'll talk to you tomorrow morning." sabi nito at tumalikod pumunt

