..... Amber's pov Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin bago lumabas. Bakit bigla ang paglaki ng tyan ko. Baby are you excited? Bilis mo kasing lumaki dyan sa loob ni mommy. Kita na ang umbok ng tiyan ko. "Unnie ikaw na lang ang hinihintay sa baba," sabi ni bunso na pumasok sa room ko. Nandito din si Dj at Mj. " Blooming ka AM, naka ilan kayo sa pinuntahan niyo, wala bang tigil? tipong ihi lang ang pahinga? Hahahah. char lang ito naman. haha nakadami ba?" I glared at DJ,"Oh ito naman di na mabiro. Puro tanders kasi sa baba naiintimidate ako kina tito Gabby dumagdag pa sina tito Damian at tita Demi. Gosh. Naloloka ang beauty ko sa kanila kaya sumama na lang akong puntahan ka dito." "Ang dami ding dala, AM. Akala ko may fiesta. Oh kaya kasalan na at nakahanda na ang kakainin ng

