Chapter III
You know what’s the most exciting part in the month of February? Na uh, it’s not the celebration of Valentine’s Day. It is the Final Exam!
Sa dinami-rami ng sakripisyo na ginawa mo for the whole school year, at last, you can now have a break after all the stress: paper works and many projects you’ve made.
“Don’t forget your final exam this Wednesday, Thursday and Friday GAS and ABM students. I already gave your schedule to your president.” Sabay tingin ni Mr. Amplo sa akin.
Oh yeah, I forgot that title of mine.
“So better be prepared for that. Okay? Class dismissed.”
Nag-uunahan sa pagtayo ang mga kaklase ko after our adviser announced our schedule. Most of them are sputing about gala and gigs, while few of us trembling to make time for reviewing.
Hays, nakakapagod mag-aral.
"Kakapagod, putek!"
I almost made a smile as Drew shouted.
"Gala tayo maya?"
"Ulol! Magre-review ako no. Bad influence ka."
Napailing na lamang ako sa kanila.
"May lakad ka Shad?"
Umiling ako bilang pagsagot kay Ze. I fixed myself and was about to take a nap when Mr. Amplo enter our room again.
“Mag review kayo ha! Wag ma-distract sa upcoming Seniors Ball niyo. You’re all a graduating students, kaya umayos kayo!” Pahabol niyang bilin sa amin sabay labas.
"Omy! Excited na ako!"
I rolled my eyes at Ze. "Parang kanina lang nakabusangot ang mukha mo a?"
She just winked and flip her curled hair at me.
I sighed. “I already send via sss, f*******: messenger, and posted at the bulletin board 'yong exam schedule natin.” I announced to the class.
“Dating gawi pa rin ba pres?”
“Wala pa namang notice from the admin, James.”
He nodded as I answered him. “Mas okay sana kung ibang course naman yung kasama natin sa room, no?”
I shrugged his remark and took a nap at my desk.
I don’t think so it will happen. During examination days kasi, all GAS students ay sama-samang nagta-take ng exam. Hindi naman nahihirapan ang mga teachers sa pagmomonitor kasi every section, there are only 30-35 students. Tsaka may four sections lang naman ang bawat strand.
“Wala ata si Maam Santos ngayon ah? She’s already 20 minutes late.” Sabi sa akin ni Zeah habang may sinusulat sa notebook niya.
"Maybe she's busy?" Wala gana kong usal.
“O baka naman natatakot sya sa reporting na gagawin ko?”
Ang taas ng confidence level, helium!
“Or maybe you’re just imagining things?”
Tumawa naman siya sa naging sagot ko. Bumalik na lang siya sa ginagawa niya at natulog na lang din ulit ako sa arm rest ko.
Alezeah and I are both GAS students. Axiell is a STEM student na kaklase ng boyfriend ni Zeah; Khent. At si Josceah naman ay HUMSS student.
We are all academic achiever kaya nasa first section kaming lahat. If Axi is a brass band member, Josceah is part of the school SSG while Zeah is part of our school journalists.
Ako lang naman yung hindi mahilig sumali sa mga extra-curricular activities e. Kaya ayan tuloy, naging classroom president. Kung kailan last year mo na sa highschool, binigyan ka pa ng dagdag obligasyon.
Hassle.
“CR muna ako Shad ha.” Paalam niya sa akin.
Tiningnan ko siya ng mabuti nang tumalikod kaagad siya sa akin.
"Tatawagan na naman niya yung jowa niya, panigurado."
Yumuko na lang ako ulit at pinilit na ipikit ang mga mata.
Alezeah is very competitive one. In fact, halos naman kaming apat e. We don’t want to get an 89 grade below. Maybe it’s because we are used to have an excellent performance simula pa lang grade school.
Kaya minsan, pinapabayaan na lang ng ibang profs namin tong si Zeah na hindi nakikinig sa class, may ibubuga rin naman kasi. Pero hindi pa rin tama na mismo sila ay kinukunsinti ang babae.
“Hey, I heard about what happened.” I heard Theya talked as I sense that she sitted on Zeah's place.
Taka ko naman siyang tiningnan.
“Rayl. He is my cousin actually.” Sabay ngiti niya sa akin.
Nakikita ko tuloy yung dimples niya sa right cheek niya.
"How was it?"
“Oh? Nagsumbong siya sayo?” Walang gana kong sabi sa kanya habang pinagmamasdan ang mukha niya.
Ba’t lahat na lang ng kadugo ng mokong na yun ay pinagpala?
“Nope." She slightly laughed. "I heard from Tita Tania.”
I see.
Napag-usapan nga pala nila daddy yan kagabi habang kumakain kami ng dinner kina Josceah. Malamang nagshare si Tita sa kanya.
Iisa lang sila ng bahay? Paano niya nalaman agad?
“Pinaglalaruan ata kayo ng tadhana?” Ngisi niyang sabi na may halong pagkaseryoso.
“Lahat naman ata pinaglalaruan Niya.”
“I just don’t like the idea.”
Ano ba tong pinagsasabi niya e hindi naman ako interesado. Anong I-dont-like-the-idea? E ako, gusto ko ba?
I heaved a sigh."And your point is?”
Kinuha ko na lang ang phone ko at naglaro ng Murder Case habang naghihintay ng sagot sa kanya.
“You and Rayl.”
"Me and w-what?"
Tumingin ako sa kanya na parang nawi-weirduhan na. Tinigil ko na lang ang paglalaro at binalik sa bulsa ang phone ko.
Hindi ako makapag-concentrate.
“I don’t want you to be part of his game." She said in a serious tone.
“You’re too innocent to be a victim.”
Ano raw?
“You can’t win over him.” Sabay tapik sa balikat ko at tumayo pabalik sa upuan niya.
Pinagsasabi ng babaeng to? Nakadrugs ba siya?
Sinundan ko siya ng tingin hanggang makaupo siya sa armchair niya. She smiled at me and then talked to Tina, na katabi niya na para bang wala siyang sinabi sa akin na nagpagulo sa isipan ko.
Tsk.
“Ano raw sabi?” Usisa sa akin ni Zeah.
"Ang bilis mo naman atang mag-cr?"
But she disregarded my question as she insisted to ask me the same question again.
"Ano raw sabi?"
“She is Rayl’s cousin.” Sagot ko sa kanya nang hindi man lang siya nililingon.
I really want to take a nap. Nakakapagod maghintay sa wala e. I mean waiting for Maam Santos to come.
"Oh tapos?"
"The end."
"Ang galing mong magkwento."
I smirked. "Maliit na bagay."
"Ano nga!?"
"Aray!"
Napahawak ako sa braso ko nang hampasin niya ito. Napakalaki pa naman ng kamay niya!
“Alam niya yung nangyari sa inyo ni Rayl?”
"The - what!? It sounds like a horror, stop it, Ze."
"So alam nga niya na may nangyari sa inyo ni Rayl!?"
Napalakas ata ang sigaw ng bruhilda kaya narinig ni Drew yung usapan namin.
“May nangyari sa inyo ni Neecho, pres?”
Great.
"s**t. Totoo?"
"Anong meron?"
"Chismoso mo Drew!" Sigaw sa kanya ni Zeah.
"Pero, totoo nga? Kailan pa sila naging close?"
"Who knows, e magkaklase naman si Axi and Neecho e."
Ay lintik na atom.
"Posible!"
Kahit pa alam kung tinitingnan na nila ako ng may pagtataka, I didn’t bother to look at their different reactions. Kahit kailan talaga Zeah, pahamak.
"Oh my ghad! Neecho Raile Salazar sa STEM A?"
"Yung volleyball player?"
"Really!? May nangyari sa kanila ni Rayl? Kailan pa?"
"Bakit sila ba? Nililigawan ka siya?"
“Naks! Dalaga na si President!” Kantyaw ni Drew sa akin.
I looked at them emotionless. Naghahanap pa rin sila ng sagot at naghihintay ng mga salita na maaaring lumabas sa bibig ko but I just rolled my eyes with their stupid thoughts. Sumandal na lang ako sa upuan ko and ignored their penny views.
"May nangyari nga ata."
"Ano ka ba! That’s impossible! Bantay-sirado kaya si Axi kay Shad."
"Mas bagay kami ni Rayl kaya tumigil na kayo."
Echoserang elements! Nasisira ang mood ko dahil sa inyo!
"Tumigil nga kayo! Mga chismoso't chismosa!"
Nagsibalikan naman sa pinaggagawa ang mga kaklase ko dahil sa sigaw ni Zeah. Pero hindi pa rin wala sa pandinig ko ang mga bulung-bulongan nila.
"S-shad. Wuyy, shad sorry. Napalakas ba yung sigaw ko?"
Inirapan ko lang siya at nakinig na lamang instrumental music sa phone ko.
Kastress.
“So ang alam ng GAS A ay may nangyari sa inyo?” Tanong ni Jo na binalewala ko lang.
Ano ba? Di ba sila titigil?
It's lunch break kaya nandito kami sa Cafeteria that is exclusive for all SHS students.
Actually, Cors Institute of Technology (CIT) has eight cafeteria. One for the teachers and admin, two slots for JHS students, one for us; SHS students and the rest is for the tertiary students.
“Ano ba naman kasi yang bibig mo Alezeah!” Saway niya kay Zeah na tinawanan lang niya.
Kita mo na, kala mo walang atraso e!
“Alis muna ako. Kita na lang tayo sa room Shad. Bye Jo!”
Tsk. Gusto niya lang kaming takasan e.
“Kahit kailan talaga.” Jo whispered as she looks at Zeah’s back running towards Khent.
Gusto ko sanang itanong kung nasaan si Axi kaso nakita ko na siyang palapit sa table namin na may kasamang mga lalaki.
“He’s coming.” Bulong sa akin ni Jo na nasa tabi ko.
Kumain na lang ako ng baon ko kesa sa hintayin ang maladrama niyang pagdating.
“Dun lang ako ah, magagalit bebe ko e.” Tawang paalam ni Axi sa mga kaklase niya.
Tumingin naman kami ni Jo sa mga kasama ni Axi. And then there I saw the thief. Hindi ko naman inaasahan na titingin siya sa gawi ko. Nakita niya yung pagkagulat ko kaya't napagtawanan pa tuloy ako.
Tungsten. Ipatapon kaya kita sa Pacific Ocean e!
"Vye guys, bebe time muna ako!"
I scowled at Axi. "Siraulo."
Jo laughed. "Dati pa, masanay ka na."
“Sige dude.”
Akala ko sasama ang kumag kay Axi at makikiupo sa table namin. Mabuti na lang at hindi niya naisip.
Ayoko rin naman sa ideyang yun no. I hate how he acts, its just like we’re friends or close. Parents lang namin yung close hindi kami. At hindi rin kami magiging close no!
Never!
“They really think we’re couple.” Sabay kurot ni Axi sa pisngi ko nang makalapit siya sa amin.
“Can you stop it?”
Naiirita pa ako sa usapin sa room namin, nakita niya pa yung expression ko kanina, sumasabay pa tong baklang to! At dahil kating-kati na ang kamay ko binatukan ko siya ng napakalakas.
“You’re being hard to me again babe ha!” Tawang sagot niya sa akin.
Even Jo who is apparently drinking her iced-tea ay nakitawa na rin.
Silicon!
“Penge Shad.” Tukoy ni Axi sa French fries na kinakain ko.
I’m done eating my lunch, kaso nagugutom pa ako kaya bumili pa ako ng another food.
“Shaaa-”
Sinubo ko sa kanya ang halos isang kumpol ng kamay ko na fries.
Nakakainis.
“Mapagmahal ka masyado ah.” Sabi niya pagkatapos uminom ng juice ko.
Inirapan ko na lang siya dahil kinukuha niya na halos lahat ng pagkain ko.
Teka nga, ba’t ba ang HB ko ngayon?
“See? Mas bagay silang dalawa.”
Kinikilig na sabi ng mga kaklase kong nandito rin para kumain.
“So sweet!”
Sweet your ass!
“Ang swerte ni Shad na may bestfriend s***h boyfriend siyang nagngangalang Axiell Fermium!”
"Sanaol!"
I rolled my eyes with that thought.
“Isa pa Shad.” Ngiting asong sabi sa akin ng kaharap ko.
Gusto niya talaga yung pinag-uusapan siya e!
“Kumuha ka mag-”
“Treat kita sa Sunday.” Sabi niya sa akin na nagpangiti sa aking mga labi.
Magic words! HAHA Sige na nga. At sinubo ko sa kanya isa-isa ang pagkain ko.
“Smileeee!” Jo interrupted as she took as a picture.
Ang daya! Para akong timang sa picture!
“Isa pa!” Sabay akbay sa akin ni Axi at ngumiti sa camera ni Jo.
Gusto ko sanang magsuplada, kaso wag na lang, ang panget ko na sa isang shot e.
Smile!
"Perfect couple." Jo smirked.
Hinatid ako ni Axi sa room pagkatapos naming kumain. Nakasanayan na lang talaga na hinahatid niya ako sa room, kasi raw naaawa siya sa akin kasi wala akong jowa. Sabihin niya, wala siyang mahatid kasi wala rin siyang jowa.
Pumunta naman ng SSG office si Jo after she ate her food. Kahit busy ang buhay ng isang SSG officer, lalo na’t she’s the Vice-President, hindi pa rin sya nawawalan ng oras sa amin.
“Sure ka ba talagang mag bestfriend lang kayo ni Axi?” Tanong ni Mayne sa akin pagkaupo ko.
Yan na naman yang mga malashowbiz na tanong e. Since elementary pa yang tanong na ah. Paulit-ulit na lang.
“Chismosa lang ang peg te?” Pabalang na sabi ni Zeah sa kanya.
I simply smiled.
Kung si Zeah ang kadalasan na nagpapahamak sa akin dahil sa bibig niyang walang zipper, on the other hand, siya rin yung unang magtatanggol sa akin kapag nasa ganito akong sitwasyon.
Hindi naman sa hindi ko kayang ipaglaban sarili ko. It’s just that I don’t want to waste my time arguing to a nonsense issue. Explaining my side to a person who doesn’t accept my opinion is useless. Kaya instead of arguing to them, I keep my mouth shut nang sa ganun ay hindi naman masayang laway ko.
“Kamusta ang klase hija?” Bati sa akin ni manang nang makauwi ako.
“Ayos lang naman po manang.” Hinalikan ko siya pisngi.
“Parang pagod ka ata?”
“Daming ginawa manang e.” Daming mga chismosang tao.
Gusto kong idagdag ang mga salitang iyon pero yun na lang sinabi ko at baka magtanong pa ng kung anu-ano. Machika pa naman yun kay mommy.
Pumasok na lang ako sa kwarto at tumalon pahiga sa kama. Mamaya na ako magbibihis.
"Kumain ka muna!"
"Opo!" Sigaw ko pabalik.
Manang Felia is like my second mother. I am more comfortable to her than mom. Kaya siguro ganun na lang ako umasta at may pahalik-halik pang nalalaman na para bang kabilang sa mga anak niya.
"Pabibo." I laughed.
Mas pabibo pa rin si Axi no.
I stood up and put my bag at my study table near the bed.
My room is not as big as what other rich kid does. I love white and black colours na naging theme ng kwarto ko. The ceiling has the painted galaxy like-image na kapag walang ilaw mas nakikita ang kagandahan.
It shines at dark. And it's what I love the most. Darkness.
“This is my real baby.” Referring to my room that gives me a great comfort.
Music is also my comfort zone, and that’s the reason why I love to play instruments.
Actually, hindi naman talaga ganon ka boring ang buhay ko e. I have my guitar and a piano placed near my bookshelves that always accompany me.
Silly to think, I look like a stranger roaming in my own room as if it was my first time seeing my things. I gaze at the left side of my bed. And there I saw a portrait painting na may kalakihan na nakapaskil sa gilid ng tv set. Makikita mo to pagpasok mo pa lang sa kwarto ko since it was placed proportional to the door’s room.
It’s a picture of galaxy and earth with a two lovers. Pero hindi mo mapapansin na may tao palang nakaukit kasi it’s just a silhouette. Amazing right?
“Very idiomatic.” I smiled as I remembered something.
It was actually a present from my friend back then in elementary days. I forgot his name tho. Or should I say, I decided to forget his name.
“Kain na tayo ija! Nandito na mommy’t daddy mo!”
Panira ng moment si manang ah.
“Opo manang!”
Mabilis akong kumilos at pumasok sa banyo para makaligo na. Ginugutom na rin ako no. Kaya pagkalabas ko ng banyo agad akong nagbihis ng shorts-short paired with an oversized t-shirt.
“Hi my, dy.”
Humalik ako sa kanilang mga pisngi at umupo sa pwesto ko.
“How’s your school?”
“Okay pa rin naman ang school namin dad.” Sagot ko kay daddy.
I know what he meant, ayoko lang magkwento.
“Hindi siya na stress ngayong araw?”
“Hindi naman mom.” Tawang sagot ko kay mommy. Pati ako natawa sa naging sagot ko.
"Malapit na final exams niyo, right?"
I nodded at dad.
"You're reviewing, right?"
"Left." I answered.
"Great."
We chuckled.
I really love the way how we talked sometimes. Yung para bang magkakaibigan na nagkukulitan?
“I miss Shine.” Wala sa sarili kong sabi.
Shine is not around kase. Bumisita sila lolo kanina kaya't kinuha muna sya.
“Babalik rin yun bukas nak.”
Kumuha ako ng plato at sumandok ng kanin.
“Namimiss rin kasi siya ng lola’t lolo mo.”
I nodded at kumain na lang.
Hindi lang kasi ako sanay na wala siya. Oo at kinukulitan ako sa kanya at naiinis minsan, pero it’s normal for me to complain diba kasi makulit naman talaga sya. Hindi ko lang maiwasang maging malungkot everytime lolo wants Shine to stay at their place.
I can't blame them tho. Shine grew up on their place.
"You really miss her that much?"
"A little bit, dad."
He gave me an assuring smile and let me mourn. Mom gently squeeze my hand as she saw me playing my hand. Mabilis ko naman itong hinawi at binigyan siya ng isang simpleng ngiti.
"I'm fine."
“I miss you too ate!”
Nagulat ako nang biglang may yumakap sa likod ko.
“Omy ghad. You’re here!?” I exclaimed as I hugged her back.
“Wala at, hologram lang to.”
Tumawa naman sila mommy at daddy sa inasal ni Shine.
“Ewan ko sayo.” Bitaw ko sa pagkakayakap at kinurot ang pisngi niya.
“Ma, Pa, kumain muna kayo.”
Nagmano naman ako kina lolo’t lola nang makitang nandito pala sila. Dito na rin sila kumain. Napagpasyahan rin nilang dito na matulog kasi gabi na at wala naman silang aasikasuhin sa bahay nila.
My grandmother’s house will took an hour para marating kaya medyo malayo nga. May emergency rin na nangyari sa pamilya ng driver nila kaya wala silang choice.
“How’s your studies, Kayeth?”
Ganyan dapat ang tanong dad, hindi yung school ang kinakamusta.
Tumawa si dad nang mabasa ang ekspresyon ko.
“Okay naman po, la.” Ngiting sagot ko.
My cousins and other relatives like lola and lolo are the ones who called me by my second name. Na miss ko yun, actually.
“Wala ka namang nobyo?”
Nabilaukan ako sa naging tanong ni lolo.
“Lo naman!”
"Oh bakit? May mali ba sa sinabi ko?"
Akala ko ba matatakasan ko ang mga malashowbiz na tanong ha? Pati ba naman dito sa bahay?
“Ate Shad doesn’t have one lo.”
Uminom ako ng tubig nang bigyan ako ni mommy.
“At bakit naman?” Balik na tanong ni lolo kay Shine.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain dahil nandito naman ang spokesperson ko e.
“I don’t know why lo. Maybe walang nagkakamaling ligawan si ate?” Slang na usal ng kapatid ko.
Kung hindi lang ako kumakain, binatukan ko na tong batang to.
“Why baby? Your ate is pretty naman ah?” Puri ni Lola sa akin na nginiwian ko lang.
“See lola?” Sabay turo niya sa mukha ko. “She doesn’t want to be called pretty! I wonder why.”
Because they are stating the obvious! Chos.
Binalewala na lang namin si Shine at nagpatuloy na lang kaming lahat sa pagkain. Pagkatapos kumain dumiretso na ako sa kwarto at kailangan ko pang mag advance study dahil next day ay exam na namin.
“I think ate is tomboy.”
Nasagip ng tenga ko ang sinabi ng kapatid ko bago ako nakapasok sa kwarto.
Really Shine?
"Pa'no mo naman nasabi, Kaythel?
Narinig ko naman ang malakas na tawanan nila sa sala na siyang kinainis ko lalo. Sumalampak na lang ako sa swivel chair at nagsimulang mag review nang tuluyan akong makapasok sa silid ko.
“Or maybe he likes kuya Axi?” Dugtong ni Shine na nagpatawa pa lalo kina lolo.
Ang bibig ng bata talaga e no?
Aakalain mong high school student base on how she talks about random things and dwell people.
We both have the same caramel eyes. We are pure Filipino. Ewan ko ba kung bakit naging caramel ang kulay ng mata namin ni Shine. Mom said baka namana kay Lola, since she is half-spanish. I don’t know.
Maputi at mahahaba ang mga pilikmata ni Shine and she has a long straight hair na hanggang baywang na siyang nagbibigay kaibahan sa aming dalawa.
“Or maybe its kuya Rayl!?”
Ano!?
Sinarado ko na lang ang pinto para hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila.
Ba’t nasali na naman ang kumag na yun? Zinc! I don’t like him. I will never like him!
I heavily sighed after reading my notes. Pero ni isang salita wala akong maintindihan. I rolled at my bed because of frustration.
Why does that thief’s image pestering my mind?
I shook my head and blew his picture out of my mind.
Focus Shaddowe. Mag-aral ka!
I stretched my arms and stood up to freshen up.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale!
I smiled as the painting caught my attention.
“You really looks so good.”
Pero dahil umeksena na naman ang mukha ng kumag sa isipan ko, kinuha ko na lang ang laptop ko at nanood ng movie.
Pag ako nabagsak, kasalanan ni- ko!
"Potassium."