16 - Sulfur

4397 Words
Chapter XVI My days run smoothly and blissfully. Totoo nga talaga na kapag sobrang masaya ang isang tao o kaya naman sobrang malungkot, hindi niya mamamalayan kung gaano kabilis ang pagtakbo ng mundo. After we celebrated Christmas, we flew at Siargao to take a tour; only the four of us. Sinulit namin ang araw at wala kaming pinalampas na mga lugar. We did hiking also, aside from swimming and surfing. And I guess it’s very helpful to take a rest in times like this. And also, I realized that the deeper you look into nature; macroscopically, the easier it is for you to understand everything. It gets you better. “Ang sipag ha.” “Hindi ako pwede, Al.” Pero sabi nga nila, wag puro pahinga. Kaya heto ako’t nakatunganga sa sandamakmak na libro dito sa library. I can now say that my second home is this place. Kung hindi ako sa library makikita, nasa harapan ako ng computer or laptop. Bumungad ba naman sa'min ang napakaraming reports and research papers, sinong hindi tittira sa internet world and library? “Tulungan na kita.” Inilabas niya ang notebook at pen niya. “Thank you, teacher.” I smiled. “But, no thanks.” Bawi ko sa librong hawak niya. “Shad, naman!” “Quiet!” Pinandilatan ko siya nang marinig kami ni Ms. Beltran. “Eto talaga si maam, kulang ng love.” Napailing ako nang magkomento ang lalaking nasa harapan ko. “I am loaded, sorry.” Inilabas ko ang laptop ko at nagsimulang mag-encode. “Then, I’ll just wait here.” Tumingin ako sa kanya. “Ye-yeah, sabi ko nga." He stood up. "Text mo ko ha. Bye.” Huminga ako ng malalim at umunat-unat. Parang kahapon lang pasko pa, tapos ngayon malalaman ko na lang Hearts’ Day na sa susunod na linggo. “Anong nangyari d'yan? Bakit ka may sugat?” Napahinto ako sa pagtitipa nang sumigaw ang babaeng malapit sa pwesto ko. "Quiieett!" “Omo, sorry. Sorry, sorry.” I looked at the girl who apologized to all student who were close to her position then looked at her friend again. “Tara sa infirmary! Ikaw talaga, bakit hindi mo man lang inuna yan?” Nag-aalala niyang usal. Napatingin ako sa sugat ng babaeng kasama niya. Mabilis silang nawala sa paningin ko nang lumabas sila ng tuluyan ng library. Naalala ko tuloy ang peklat ng kumag na yun. Pinilit kong balewalain ang tumatak sa isip ko pero hindi ko magawa. Hindi kasi siya ordinaryong sugat lang. I once want to prove that my conjecture was correct kaya I asked Theya. “Oh my God! I didn’t know you were that blunt like Zeah!” Napatakip siya sa bibig. “I thought your innocent.” Pero pareho nga talaga siya ng pinsan s***h lover niya. Atom minded- I mean green minded. “We’re wholesome, Shad. For whoever's sake!” “Excuse me?” Nanlaki ang mata ko nang takpan niya ang dibdib niya gamit ang kanyang mga braso. “Jeez! Nevermind.” Maybe she didn’t saw the scar. Or maybe she’s just fooling around. Napaigtad ako nang may sumulpot bigla sa harapan ko. “Pleeeaseee?” I sighed. Ang kulit. "Welcome to Zinc!" “Ba’t dito tayo? Ayaw mo na sa Nobelium?” Pagmamaktol niya. “Gusto mo bang kumain o hindi? Sabi ng marami pa akong gagawin.” Inilagay ko sa bakanteng upuan sa left side ang mga gamit ko tsaka piniling umupo. “Pasalamat ka’t pumayag ako.” Ngumiwi siya. “Sabihin mo nagugutom na rin yang alaga mo, kunwari ka pa.” Napangiti ako. “Ako na mag-oorder. Nahiya naman ako sayo.” Umirap siya nang mapagtantong siya na naman ang magbabayad. “Hi, Maam Shaddowe! Your usual order po?” Tumango ako. I tilted my head to look at the guy. He was the one Zeah mentioned to me! Kaya habang nagtitipa siya ay nilakasan ko ang aking loob para magtanong. “Ah, Daryl right?" He halted. "Yes." He pointed his nametag. "Do you like Zeah?” Mahina kong sambit. Daryl is part-timer here. I knew his name because he’s also a member of brass band in our school. Lamang nga lang siya ng one-year sa amin. Pero I like him coz he’s nice and cheerful. “Po?” “It’s okay! You’re a cute guy naman e kaya suportado ako sayo.” Ibinigay niya sa kin ang order ko pagkatapos mailagay sa tray. “Zeah? Like Alezeah Pascua?” I smiled as he asked. “Yup!” “Wala na sila ng boyfriend niya?” Napahinto ako. “Well, hmmm, sila pa rin? Yeah.” I laughed. “But who knows? Baka mag split sila or what, na sana hindi mangyari. Well, aish! Sorry.” Tumawa siya. “Hindi naman siya yung gusto ko e.” Nagulat ako sa sinabi niya. “Sino?” Ngumuso siya sa likuran ko kaya napalingon ako rito. Pero mas nagulat lang ako dahil sa nalaman. “What? May problema ba?” Helium!? Mabilis akong nagtungo sa table namin ni Alex nang hindi nililingon si Daryl. “Hey, what’s the rush?” Umupo siya sa harapan namin ni Alex habang nakakunot ang noo. “Ano?” Pati si Alex na nasa tabi ko ay nagtataka na rin sa inaasal ko but I just ignored their suspicious looks. “Bakit ba ako napapaligiran ng mga bakla?” Kinuha ko ang order ko at nagsimulang kumain. “May sinasabi ka?” “Akala ko ba busy ka?” I asked. Kinuha niya ang juice ko at ininom ito. “And so I thought you too.” Tahimik lang na kumakain si Alex habang pinagmamasdan kami. “Ang assuming talaga ni Zeah.” Bulong ko. “Are you memorizing or something? Ba’t bulong ka ng bulong diyan?” "Don't mind me." Inilingan ko si Alex. "Hoy babae, kinakausap kita." “Axi!” Sumigaw ako nang sinundot niya ang noo ko. “Masakit.” “Para ka kasing tanga!” He leaned towards me. “Anong pinag-usapan niyo ni Daryl ha?” Napahinto ako sa pagnguya. “Don’t tell me you’re cheating on me?”  "Gosh, no!" Binigyan ko ng tubig si Alex nang mabilaukan siya. “What!? You are?” “No.” Agaran kong sagot. “I’m not cheating! Gosh, kung alam mo lang.” “Bumubulong ka na naman e!” “I said, I’m not. I mean, I’m not cheating. And hey,” I turned to Alex. “Wag kang maniwala sa kanya.” He mouthed ‘o’ and then continued eating. “Para namang wala tayong pinagsamahan, Shad. Ang sama-sama mo.” Untag ni Axi ba siyang inirapan ko. “That was before.” I whispered as I groaned. “What!?" "Potassium, Alex!" "So, y-you really d-did?” I rolled my eyes when he make it as a big issue. “Yes, but it’s all in the past.” I answered him. “You’re making it a big deal.” “Wait- what?” He faced me. “So you two are really- aw!" Binatukan ko siya nang ulitin na naman niya ang tanong. “Aray naman! E hindi ko naman alam yung storyang yan, you didn’t tell me about it.” Angal niya. “And why should Shad tell it to you? Are you his friend?” Axi asked. “Of course not.” Napatingin ako sa katabi ko dahil sa agaran niyang pagsagot. Pinagkakanulo niya na ako? “Hindi kami magkaibigan.” I scoffed. Oh, edi hindi na. “Magka-ibigan lang.” Napa-irap ako at napatawa. “How could you say that? I’m his babe.” Napamaang ako nang patulan siya ni Axi. “So what? I’m his lover, she’s my love.” Umakbay sakin si Alex at ngumisi. Gusto kong mainis pero natatawa ako kaya napailing na lang ako. “See?” I sipped my juice and innocently looked at Axiell. “You owe me an explanation, Kayeth.” He said in monotone. Kung naiba lang sana ang sitwasyon ngayon naihi na ako sa tono ng boses ni Axi. "Wala akong dapat ipaliwanag, Ax." "Kayeth." I sighed. Pagbantaan ba naman ako? Tsk! “Woah? What a great sight!” Sabay kaming napalingon sa babaeng sumigaw. Napapitlag ako nang makita si Theya sa harapan namin. “Oh hey! Another lovers?” Hinawi ko agad ang braso ni Alex at umupo ng maayos nang makita siya na may kasamang lalaki. “Hey, Salazar's! Join us, come on.” I glared at Alex when he offered. He just shrugged and ignored me. Umupo si Theya sa tabi ni Axi at kumuha naman ng extra chair ang kumag at pumwesto sa gilid ni Theya. “Dumbass.” I hissed. “You need anything, love?” Nakita kong nanlaki na naman ang mga mata ni Axi kaya napatawa ako. Kinurot ko ang katabi ko sa tagiliran dahil sa kahibangan nito. “Potassium ka talagang bakla ka.” Tumawa siya. “Nakikiliti ako, love.” Tulak niya sa bibig kong nasa tenga niya. Takteng atom! “Love? Like love?” Tumango si Alex kay Theya.  “So tama nga ang chismis?” Napatingin ako sa kanya. Chismosa talaga siya e no? “That you two are in a relationship.” She pointed at us. “I really thought it was you and Shad.” She looked at Axi.   “Well that was before.” Axi answered coolly. “Really!?” Napasapo ako sa noo. “Iba na ngayon.” The guy at my side commented. Ay francium! “Well, hindi pa naman official.” I bit my lip to suppress my smile. But when I saw the jerk’s stern face, I quickly made a serious face. “Hindi ko pa naman kasi siya sinasagot.” Alex added. “Seriously!?” I blandly looked at Theya when she exclaimed. Duh! “You’re really something, ha? Last time you ask-” “Alis na ko!” Agad akong tumayo at kinuha ang gamit ko. “I forgot something.” She smiled at me naughtily. “Oh? Sayang. Chitchat tayo next time.” Tumango na lang ako kahit gusto ko siyang suntukin at irapan. Engratang atom! “Sabay na tayo.” Tumayo si Axi at akmang kukunin ang laptop ko. “Ako rin, pasabay.” Alex called the waiter and gave his cash to pay. Tumingin ako sa gawi ng kumag ngunit napaiwas rin nang magtama ang mga mata namin. “Kayo na lang magsabay.” Mabilis kong nilisan ang Zinc at ang dalawang bakla nang magkulitan pa sila. "Hoy, teka!" Bahala na kayo diyan. “Bakit?” Sumimangot siya sa akin. “Shaaaaad!” Padabog niyang nilagay ang gamit niya sa kama. “Ano nga?” “Wait. Kuha lang ako ng makakain natin.” I creased my brow at her back. I wonder what’s her problem? Siguro about Khent? “Kung tungkol to sa pag-ibig wala akong mapapayo sayo ha!” Sigaw ko. Lumabas siya ng kusina nang may dalang food tray. “Alam ko. Ano bang alam mo sa pag-ibig?” Napamaang ako nang sumang-ayon agad siya.  “Ano ba kasi yun?” Sinuri ko ang lugar niya. “Kailangan ko bang linisin tong condo mo kaya mo ko pinapunta dito?” Napahinto siya. “Ay hala tama! Mabuti na lang at naisip mo, mamaya pakilinis na lang Shad ha?” Napakurap ako. “Tumawag ka ng housekeeper! Tungstena mo.” Bumungisngis siya. "Joke lang, ano ka ba." Palabas na ako ng library kanina nang bigla niya akong hinila. Nagulat pa nga ako nang makita siya kasi hindi naman kami nagkakasalubong sa school. Lalo na’t pareho kaming busy sa mga projects namin. Kaya naman tumango ako agad nang sabihin niyang kailangan niya ng tulong. “So, what's the fuss? Parents mo?” I asked. Dahan-dahan naman siyang tumango. She sighed. “They want me to fly in there.” I halted. “Ayoko, Shad, ayokooooo!” Mangiyak-ngiyak niyang usal. “Kung kailan sanay na akong wala sila, ngayon pa nila naisipang sipain ako patungong Switzerland!” Umupo ako ng maayos at humarap sa kanya. “What's your plan then?” Napasimangot siya. “Hindi ko naman gustong iwan si Khent.” Yumuko siya at pinaglaruan ang kuko sa daliri niya. “Tsaka, malay ko ba kung gusto lang nila ako dun para may mamahala sa business nila? Ayoko nga!” Tahimik lang akong nakikinig sa hinanaing niya habang kumakain. “Kaya pala hindi sila umuwi nong Pasko kasi may pasabog sila. Tsk.” Padabog niyang kinuha ang pagkain niya. “Alam mo, kung noong una gustong-gusto ko ang ideyang lumipad papunta sa kanila at makasama sila sa mga importanteng event sa buhay ko, ngayon hindi na.” Mapait siyang ngumiti. “I was used to their treatment, so what’s the point?” I reached her hand. “Ano ka ba, I’m fine.” She smiled. “Maliit lang tong problema ko kesa sa ibang tao dyan.” I sighed. “So, what’s your plan nga?” She wickedly smiled at me as I repeated my question. “I told you, I need you.” I frowned. "Bakit?" I heard the loud scream and the wild beat of music. Again. Pagkatapos ng paper works sa school, I decided to loosen up. Hindi ko naman alam na nandito rin pala tong mga atoms nato, akala ko kasi may date sila. It's Valentine’s Day kaya walang tao sa bahay. Shine was with my grandparents and I am here with my real lover; music. “Do you really love her that much?” Innocently, I asked. Binigyan niya ako ng juice instead of wine and then he faced me. “That was so sudden.” He chuckled, arching his brow. Napabuntong-hininga ako nang maalala ang favor ni Zeah na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam. Pa-suspense ang babae. “More than my life, syempre.” He reply as an answer. I was astounded as I saw his genuine smile. “What if, bigla siyang umalis?” Hindi ko napigilang magtanong. Napatingin siya sa akin. “Walang aalis, Shad.” He grinned. "Hindi siya aalis." I took a deep breath and nodded. I turned my gaze at the dance floor as Khent did. There I saw my friends dancing like there’s no tomorrow. Mapait akong napangiti. Everyone was enjoying the night as if it is their last chance. Everyone was laughing wishing it will last forever. “Ganyan ba talaga kapag nagmamahal?” Pasiring kong tanong. “Ang weird mo ngayon ah.” He laughed. “Sagutin mo na kasi yang mga nanliligaw sayo.” Kumunot ang noo ko. “As if may nanliligaw.” Singhal ko. “Teka nga! Nililihis mo yung usapan e.” Tumawa siya. “Love is a difficult game to deal with. Love is hard, Shad.” He seriously looked at me then turned his gaze to his lover. “Alam ko namang darating yung araw na kukunin siya ng parents niya e.” Napalingon ako sa kanya. “I’m not that insensitive like you.” He chuckled. “Joke. Haha. But yeah, ang ilag niya kasi this past days. Pag tumatawag ako bigla-bigla niya na lang ine-end call. Palagi siyang tulala.” He smiled sadly. “Parang wala siya sa sarili. Paulit-ulit niya akong sinasabihan na mag-ingat ako parati.” His voice broke when his last sentence. I looked away when he started to tear up. Ibang sensasyon talaga ang nararamdaman ko kapag lalaki na ang umiiyak. “She’s always reminding me how much she loves me and that haunts me.” Kumaway siya at ngumiti nang lumingon sa amin si Zeah.    “Nakakadiri mang pakinggan pero hindi ko kakayaning mawala siya sa’kin, Shad. I love her that much.” Nilagok niya ang alak na inilahad ni Axi. "Anong drama niyo? Magpakailanman o MMK?" Khent laughed at my side while I remain my stare at him. Napansin niya yun kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. “You can’t understand it not until you find one.” Ngumuso siya sa tabi ko. “Mamili ka na.” Napangiwi ako. "Pinag-uusapan niyo diyan?" “Wala. Nice game yung kanina dre ah, congrats!” Khent fist bumped with Alex and tapped jerk’s shoulder. "Panget nga yung kinalabasan e." Napairap ako sa kahambugan ng kumag. "Shota! Nahiya naman department namin sa inyo no?" Angal ni Alex. Tumayo ako at lumipat sa inupuan ni Jo kanina nang magsimula silang magkwentuhan patungkol sa naging laro nila kanina. Si Axi naman bumalik sa dancefloor at sinamahan ang dalawa ko pang kaibigang malapit ng malasing. As part of the heart’s day, nagkaroon ng mini-festival kanina sa school. Lahat ng clubs and students ay nagtipon-tipon ulit to celebrate. Well, excluding me. “Hey! LQ kayo?” Theya pointed Alex beside Khent and then looked at me. Napa-irap ako. “Naniniwala ka talagang magka-ibigan kami?” Nagulat siya. “So, hindi?” Napaismid ako sa katangahan niya. “So hindi nga? Really!?” Tumawa siya habang tumitingin sa gawi ni Alex. Napailing ako dahil nagiging feeling close na rin siya sa akin. Kung sana ay hindi wild pagdating sa clubbings ang mga kaibigan ko, edi sana may matino akong kausap ngayon. “Pero totoo yung sa inyo ni Axi?” Pang-uusisa niya. “Oh c’mon! Spill the beans.” I sighed and rolled my eyes.  “Hmm.” I nodded. “But it’s not really a serious one.” Kumuha ako ng pagkain at sumubo ulit. “Tataba ka niyan.” Saway niya. “Pero bestfriend na kayo nun?” I glared at her. “Oo. Pero kagagahan lang yun, grade 7 ata yun?” I shrugged. “I don’t know.” Napangiti siya. “Wow.” “Teka nga. Ba’t ba kita kinakausap? Ba’t ba ako nagsalita?” I sipped my juice. “So, you never entered a serious relationship before?” Taas-kilay niyang tanong. Tumango na lang ako nang hindi niya na ako tantanan. “Me too!” Napalingon ako bigla sa kanya. "E, seryoso ka?" “Yup!” She smiled and laughed. Tatanungin ko na sana siya patungkol dun nang biglang sumulpot ang kumag sa harapan namin kaya hindi ko na nagawa. “Oh hey, you want some?” Alok ni Theya ng tequila sa lalaki. Kababaeng tao nito ang lakas uminom.  “Stop that, umuwi kana.” Kinuha nito ang baso ni Theya at inilagay sa mesa. “Yeah, right!” Humarap si Theya sa’kin at nagpaalam kaya tumango ako. "Bye!" She sweetly smiled and flew. Taka ko namang binalingan ang kumag nang tumabi siya sa akin. “Hindi mo siya ihahatid?” “She can go home alone.” “Ano?” "Aray! Ano ba?" Reklamo niya nang sapakin ko siya sa braso. “Baka anong mangyari sa kanya! She’s drunk!” Maarte niyang hinimas ang braso niya at hinarap ako. “She’s sober!” He retorted. “Isang sapak mo pa, sisipain na talaga kita.” I gasped. Lumayo ako ng konti dahil sa pagbabanta niya. “So sweet of you.” I mocked. “May sinasabi ka?” He intently looked at me. “Wala!” "May sinasabi ka e." I slightly push him when he leaned closer to me. Amoy alak pa naman siya kaya mas naiilang ako. "Ano bang trip mo!?" Naramdaman ko ang malambot na sandalan ng sofa sa likod ko nang unti-unti niyang inilapit ang mukha sa’kin. “May sasabihin ka?” Napatikom ako’t napakurap. “W-wala. Ano ba!” Hinarang ko ang kamay ko sa dibdib niya para hindi tumama sa katawan ko. “Sure ka?” He grinned. Naramdaman ko na naman ang kakaibang ikot ng mga intestines ko nang madama ng  sistema ko ang lamig ng hininga niya. Lasing ba siya? “Alis nga!” Pasinghal kong usal sa kanya. He tousled his messy hair and chuckled, brightly. Umayos siya ng upo kaya napaayos din ako. Kaso lasing ata talaga siya at gago dahil bigla niya akong tinulak pagkatapos niyang tumayo. "Gago ka ba!?" He gaped almost all the spaces between us and tried to kiss me! “Hoy!” Bigla kong tinulak ang dibdib ng kumag nang magulat ako sa sigaw. “Anong ginagawa niyo?” Tumayo ako at agad siyang nilapitan. “Wala kang nakita.” I met his gaze. Pero tinawanan lang ako ng bakla. “Pa-simple ka e.” Kinurot niya ang pisngi ko at nagsimula na naman akong asarin. “I hate you.” "I know." He grinned. Napangiti ako habang pinagmamasdan si Shine at Axi na nag-aaway. Pati bata pinapatulan niya e. “You’re so mean! Barbie is pretty kaya.” “Oh sige na nga. Di ka maawat e.” Kinuha ni Axi ang cd at pli-nay ito. It was two days ago after the event we had at Yttrium. We had fun and enjoyed the stay until dawn. Hindi na rin ako kinulit ng kumag kaya nakauwi ako ng matiwasay. Tsaka lasing yung tao kaya ako na lang ang umiiwas. Ilang sandali pa ay hinatid ako ni Alex kaya nakapag-bond kami sandali. Linggo ngayon and after we went to church, pumunta kami sa Nobelium na madalas kinakainan namin ni Alex. I recommended the place to dad dahil masarap yung pagkain nila, including the ambiance and the service, and they love it! At dahil namiss ko masyado ang kapatid ko kaya napag-isipan kong bilhan siya ng cd’s about Barbie and princesses. Plano ko sana na makapag-bond kami but she insisted to invite Axi over home kaya andito ang baklang to. “Mabuti na lang talaga wala akong kapatid.” Tumabi siya sa’kin at sumandal sa balikat ko. Tahimik lang na nanood si Shine na siyang nakahilata sa sahig. Dumating naman si manang na may bitbit na pagkain kaya 'yun na lang ang inatupag ko. Mabuti na lang talaga at kakatapos lang ng final exam namin. “May problema ba si Zeah?” Tanong ni Axi nang hindi lumilingon sa’kin. “May sinabi siya sayo?” I returned a question. Kahit magkaibigan kami ni Axi, ayoko namang pangunahan si Zeah. Problema na ni Zeah yun kapag nagalit sila sa kanya kung hindi niya nagawang sabihin sa kanila. But I doubt that will happen. I knew Axi, he’s the most understanding among us. Jo also, lokaret lang yun pero ang lawak ng pang-uunawa nun. He sighed. “Basta, if you need help or anything, I’m one call away.” Bumangon siya upang tingnan ako. I nodded and smiled. “Good. Laro muna ako.” Bumalik siya sa pagsandal sa’kin sabay labas ng phone niya.  “Shad!” I sighed as I heard her voice. Nag-sorry siya kay Shine nang maingayan ito sa sigaw niya. Hinila kami ni Jo papuntang pool side nang makitang seryosong nanood ng movie ang kapatid ko. I’ve texted them to come over, coincidentally may sasabihin rin si Zeah. “Ang blooming mo talaga, Shad.” Ngumiwi ako sa komento ni Jo. “Sure ako hindi yan dahil tapos na ang final exam.” I furrowed. “Blooming?” Pagtatakang sagot ni Axi habang sinusuri ang mukha ko. “Ano ba!” Hinawi ko ang kamay niya nang pisilin niya ang pisngi ko. “Hindi naman ah.” Napa-irap naman sina Zeah at Jo. “Ewan ko sayo!” Sumandal ako kay Axi nang makaramdam ako ng antok. We placed ourselves at the backyard and seated comfortable at the bench side. “May sasabihin ka diba?” Tanong ko kay Zeah. I heard her sighed sabay pakita niya ng isang papel. Napabalikwas ako dahil dun. “Ano to?” “Airplane ticket.” She smiled. "I know. But what about it?" Kinuha ni Axi sa kamay ko ang ticket. “Para kanino yan? Sinong aalis?” “Si Shad.” “What? Wait-what? Hey Zeah! Bakit ako aalis?” Taranta kong tanong. “Oo nga! Bakit may aalis? Saan? Sa Switzerland? Anong gagawin mo dun?” Sunod-sunod na tanong ni Jo. Napasimangot ako nang may sumagi sa isipan ko. “Mind to explain Alezeah?” She pouted when Axi commanded. “I need to do something para hindi ako pilitin nila mommy na umuwi!” She explained. “And? Just spill it, Ze! Ang dami pang arte e.” Inis na usal ni Jo. “Shad need to take off to Switzerland.” Napasapo ako sa noo. Just wow. “Bakit? Siya na ba ang anak nila Tita Zyrell at hindi na ikaw?” Untag ni Axi. “Gaga! Kaibigan ba talaga kita o hindi? Gamitin mo nga braincells mo!” Gigil ni Zeah. “They are working in a music industry, alam niyo yun diba?” Tumango sila Axi. Pero bago niya pa sabihin ang gusto niyang sabihin, binigyan ko na siya ng sagot. “Shad naman e!” Tumayo ako at padabog siyang hinarap. “Ayoko nga.” “Sabi mo papayag ka. You even told me you’ll do anything!”  “If only I can, Ze! If only I can.” Hinawi ko ang kamay niya at mabilis na tinahak ang daan papasok sa bahay namin. Pumasok ako sa kwarto ko at piniling umupo sa kama. “Eeeeh. Shad naman! Kaya moooo namaaan eeehhh!” Inalog-alog niya ang braso ko. “Sige naaaaa. Pleaasee.” Buong pwersa kong hinawi ang kamay niya. “Nakakahilo! Gaga.” “Ano ba kasi yun?” Litong tanong ni Axi. “Umalis na kayo. Ayoko.” Tinulak ko sila palabas at pilit sinara ang pinto. “Wait Shad! Naiipit yung nails ko!” Maarteng usal ni Jo. “Jeez. Just go!” “So, you wanna send me out there?” I stopped and turned to Zeah. I deeply sighed. “Hey. It’s not like th-” “Fine.” Tumalikod siya at mabilis nilisan ang bahay namin na siyang nagpamaang sakin. “Ako na bahala.” Ngumiti ng pilit si Jo sa’kin at sinundan si Zeah. Mangiyak-ngiyak akong tumungo kay Axi. “Kainis naman eh.” He caressed my back as he enveloped the spaces between us. Pumakawala naman kagad ako sa yakap niya. I let out a deep sigh and seated at the edge of my bed. “Hindi yun galit. Promise.” He said trying to comfort me. Ngunit napakamot rin sa ulo kalaunan. “Pero ano ba kasi yun?” I dozed to sleep trying to ignore him and my thoughts. Potassium, ayoko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD