4 - Beryllium

3795 Words
Chapter IV "Shad! Malalate ka na!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni mommy. Pagtingin ko sa orasan, Zinc! 30 minutes before the exam's schedule! Napuyat kasi ako kakareview sa nagdaang mga araw kaya siguro hindi ako nagising nang mas maaga. Aluminuuuum! "Kumain ka muna." Mom said. "Huwag na!" I stopped. "I mean, sa school na mom." I smiled. "Ate your books!" Naku namaaaaan! "Goodluck baby." Pagkatapos kung humalik sa pisngi ni daddy at mommy umalis na ako. "Where's my kiss?" "Byee Shineee." Kumaway na lang ako ng nakatalikod kasi five minutes na lang talaga ang natitira. Mabuti na lang at mabilis akong naihatid ni dad. Hindi rin naman medyo kalayuan ang bahay namin sa CIT. "Mahangin sa labas?" "Thank God." I sighed as a relief. "Or hinabol ng aso?" Kantyaw ni Zeah sa akin pagkaupo ko sa tabi niya, sabay ayos ng buhok ko. "Tigre Ze." Pabalang kong sagot sa kanya. Nakakahingal! Nasa ikatlong palapag pa naman ang room namin kaya binilisan ko talaga ang pagtakbo. "Tubig." "Thanks." I took a sip of her water and gave it back to her as I saw our teacher coming in. "Proceed to the science laboratory at STEM building. You are taking the exams with STEM A." Kahit nagtataka kung bakit STEM class ang kasama namin instead of GAS class, sumunod pa rin kami sa sinabi ni Sir Amplo. Inayos ko muna ang kulot kong buhok para hindi ako mapagkamalang aswang. "Tara na, Shad." Tumayo ako at inayos muna ang gamit ko bago hinawakan sa braso si Zeah. "Nahahawa na ako sa pagiging clingy ni Axi." She bumped her elbow to my body. "Kunwari ka pa! Sabihin mo na lang kasing type mo talaga ako, I'll respect your feelings naman e." I pushed her hand. "Pandirihan ka nga." "Pikon." She laughed. "Kulot." "Kulot ka rin naman ah!" "Kulot kag utok." "Ang bastos ng bibig mo ah!" I suppressed my laugh until we got our way at our scheduled room. "Pakopya na lang mamaya ha." I snorted. "I studied, swear. We didn't talked last night nga e." "Defensive." I hissed. As we entered the room, I saw different expressions from my co-students. Ang iba ay excited sa pagsagot. Karamihan ay parang natatae sa inuupuan. Malamang ang mga kinakabahan ay yun yung tagilid ang grado. Wish them luck, tho. Goodluck for us. "The seating arrangement will be alternate! STEM-GAS-STEM-GAS. The same emplacement with HUMSS and ABM students of course." Dinig naming sabi ng nasa unahan. Sa back door kami pumasok kasi nakakahiya naman diba kung sa harap kami dumaan? Bida-bida? Ano kami si Axi? "If you're asking kung bakit naging ganto ang set up, it is because to secure that no one will cheat..." pagpapaliwanag ng SHS Head Teacher namin. Anong gimik ba to? First section? Cheating? Tsk. "We don't want to be bias for the other sections that is why we decided to do this. I hope you all understand that." Napatango naman kaming lahat. As if may magagawa kami diba? "Go to your respective seat and focus on your own papers. You will take three subjects today and other left subjects will be taken tomorrow and the next day." Nagsi-upo na rin kami matapos mahanap ang kanya-kanyang upuan. Hindi naman kami nahirapan kasi may mga pangalan na na nakalagay. We are occupying the Science lab which is a huge room for us. Magkakasya ang mahigit isang daan na tao. Hindi naman nahihirapan ang mga teachers when they are doing their lectures kasi may mga speakers in the corners of the room. "Hey." Sabi ko na nga ba magkatabi kami ng baklang to. "Pakopya ha." Boron nito. Magkaiba naman kami ng subjects. "Bida-bida ka talaga." "Pakurot nga." "Carbon ka!" Tawa kong hawi sa kamay niyang sinasaktan ang pisngi ko. Sumimangot tuloy si Zeah dahil ang layo na nga ng upuan ng jowa niyang si Khent sa kanya, malayo rin sya sa amin. Tinawanan lang namin sya pagkatapos niya kaming irapan. "No using of mobile phones!" Hirit ni Maam Santos sabay baling ng tingin kay Zeah at Khent. Don't worry Maam, wala namang pasok mamayang hapon kaya matitiis nilang hindi magtawagan sa ngayon lalo na't nasa iisang silid lang sila. "Start answering." And as what she instructed, we all started filling up the questions on test papers. Wala naman talagang mahirap na tanong e. All questions has an answer. If it doesn't have an answer then you can't call it as a question. Sikap lang talaga yan mga atoms. Tiyaga sa paghahanap ng tamang sagot sa tamang paraan. Read for you to learn. Study for you to gain points. Strive for you to pass. "Starts now!" I focused on answering my papers after I prayed. Guide me Lord! Amen. "Yeeeees!" "Galaa tayoooo!" "Whooooo! Inuman na!" "Hoy gago, nandyan si Maam sa likod." "Joke lang, ano ka ba." Hiyawan ng mga studyante ang yumaing sa silid nang matapos ang tatlong araw na pagsusulit. This is it! "Don't forget your practice for the ball next week. Enjoy your weekend class! Bye!" Finally, I won't be dealing anymore with papers. "Shad sa- " Hindi ko na narinig ang sinabi ni Zeah kasi umalis na kaagad ako. "Wait for me baby." I mumbled with excitement. I said you're holding back She said shut up and dance with me This woman is my destiny. I hummed as I remembered the feral scenes with music earlier. Kakapagod maging wild. Pero mas nakakapagod pa rin ang mag-aral no. She said oh oh oh Shut up and dance with me! Galing kasi akong Mars kaya ngayon lang ako nakauwi. It's still 8 pm, tsaka tapos naman akong kumain kaya, I can take a rest! I stretched my arms and legs at akmang hihiga sa kama when I heard my phone vibrated. Kainis naman! Kita ng gusto ko ng matulog ng maaga e, makabawi man lang sa mga araw na wala akong maayos na tulog. Pero nagawa mo pang gumala kanina? Well, that's different! Iritado kong pinindot ang telepono ko at pinindot ito para sagutin ang tawag. "Ano ba!?" "Nandito kami sa baba, bumaba ka na." "Ha? B-bakit- ay!" Binabaan agad ako ng bakla!? And what's with his stern tone? May problema kaya yun? Tsk. Whatever. "Ateeeee! Come here!" I heard Shine which caught my attention. Napalingon ako sa dako niya kaya't nakita ko kung angng kalat ang nagaganap sa likod ng bahay namin. I knew it. They are all complete here. "Where have you been ate?" Humalik ako sa pisngi ni Shine as she approached me. I guess kanina pa sila dito naliligo sa pool, based on how they shiver caused by the coldness of water. "Somewhere peaceful, baby." Sagot ko sa kanya nang maupo ako sa bench. Peaceful ba sa bar? I just shrugged my shoulders with my lame excuse. Hindi naman niya alam. She nodded and looked at the pool side where my friends are enjoying the water. As if it is their first time touching such thing, ha. At talagang nakabikini pa ang dalawang babae! And oh? Khent is also here. Pero okay lang naman yun since Khent is somehow been part of the group but, Helium? This guy being here in our place, is not okay. "Mommy invites kuya Rayl over here." Shine told me when she saw I was looking at the jerk. "Join us, ate!" Aya niya sa akin pagkatapos lumapit sa kumag. I squinted my eyes to see clearly what's happening. Close na sila? Really, ha? "Magbihis ka na Shad!" Sabi ng iba kong mga kaklase na nandito. "Join us!" I arched my brow with the sight of them. What the hell are they doing here? "Dali na Pres! Wag kang magpakastress!" Drew commented. "Hala? Rhyme!" "HAHA." "Ang galing ko talaga!" I almost rolled my eyes with his remark. Seriously? "Shaaaad, daliii!" Tiningnan ko ang mga kaibigan ko nang may pagtataka. Kailan pa ako nagkaroon ng isang katerbang kaibigan? "Mom, anong nangyayari?" Pumasok ako sa kwarto nila daddy nang hindi ako sinagot ng mga hayop kung kaibigan kung anong gulo ang nangyayari sa likod ng bahay namin. "Nak, they already asked permission about this last day pa. Anong bang problema dun?" Mahinahong sagot ni mommy sa akin sabay punas kay Shine na bagong bihis. Pinasok ko na sya dito at baka kung ano pang kabalastugan ang ma- adapt sa mga kumag sa labas. "They want to have fun since tapos na yung exam niyo." "At dito sa bahay mahahanap ang kaligayahan na yun?" "Maybe?" Mom smiled which made me more irritable. "Kanina pa sila dito pagkatapos ng tanghalian ata, diba dy?" Baling niya kay daddy. "Saan ka ba kasi pumunta at ngayon mo lang sila napansin? We've been looking for you kanina pa." "Saang planeta ka naman galing ha?" Instead of answering their questions umalis na lang ako sa room nila. "Kayeth!" "Hayaan mo na lang." After kasi ng exam kanina, I went to Mars. A music bar atoms not a planet. They held a small band concert kasi kaya I decided to take a visit. May kalayuan sa amin kaya medyo natagalan din ako. Hindi ko namalayan ang oras kaya ayun nalate ako sa pag-uwi. I always treat and date myself with a live band concert right after being stressed out over school. I didn't informed anyone kasi ayoko ng isturbo. Tsaka alam naman nila mommy kung saan ako pumunta at pumupunta. They are tracking me via phone! They just want to tease me when they saw my reaction and heard my rants. Tsaka ang dahilan kung bakit di ko napansin na may tao pala sa likod, e kasi I used the secret door na deretso sa kwarto ko. Kami lang nila mommy't daddy nakakaalam nun syempre. Wag mo na isali si Shine kasi madaldal ang isang yun. So I guess I don't have a choice? I decided to look for them at baka sirain ang bahay namin or gumawa ng kung anong gulo. Nakita ko silang nagtatawanan at nag-aasaran kasama sila Zeah. Nilulunod nila sa tubig yung isa kong kaklaseng hindi ko alam kung anong pangalan. "Ayaw mong maligo?" Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Jo. Tumabi siya sa akin pagkatapos niyang magpunas ng tuwalya. "Hoy ano ba, wag kang KJ!" Batok sa akin ni Zeah. "Tungsten!" "Ouch!" Sinipa ko siya nang hindi tumatayo kaya natamaan ang tuhod niya. Serves her right. "By, are you okay?" Namilog ako sa nasaksihan. Lovebirds at my nest!? Iwww! "Umalis nga kayo dito!" Sigaw ko sa kanila. "Ano ba!" "Tungstenaniyo!" "Bitter si tomboy! HAHA" May bahid na pang-iinis ang ipinukol ni Zeah sa akin nang pumunta sila sa gilid ng pool kung nasaan pa ang iba kong mga kaklase at kakilala. Approximately, 12 silang nakikisali sa grupo namin. Of course Mr. Thief is not an excemption. Epal siya e. "Sabi ng hanap ka na ng ka-date mo e! Madiligan ka man lang. Hindi yung kami yung namomroblema diyan sa ugali mo." "Gusto mo ng suntok para maiba?" Sigaw ko sa kanya nang akmang babalik siya para gatungan ako pero nagpatianod na lang siya sa jowa niya at naglandian sa pool side. Iww!  "Kumain ka muna." I rolled my eyes as I witnessed an immoral scene. Nakita ko namang tumingin sa akin ang kumag at tinawanan ako kaya mas lalo lamang akong nainis. Yung totoo? Nakakatawa ba pagmumukha ko? Parati na lang nakatawa pag tumitingin sa akin e.  Baliw! "Tapos na." Sagot ko kay Axi nang umupo siya sa tabi ko. "Shad." "Hmmm?" "Ice cream, gusto mo?" Tinitingnan ko ang mga ginagawa ng mga hinayupak habang pinagpapasahan nila ang cellphone ni Drew nang nakababad pa rin sila sa tubig kaya hindi ko agad nasagot si Axi. "Mga gago." "Ha?" "Ay ha?" Baling ko sa katabi ko. "Ah! Ice cream, oo." I sweetly smiled as I diverted my gaze at the pool side. Natatawa tuloy ako sa mukha ni Drew kasi mukha syang natatae na kinakabahan. Inaalala yung phone niya na baka mahulog. Hindi siguro water proof. "Meron ka?" I asked him without glancing. I can't help but to smile. Okay rin naman pala yung panggugulo nila e. Joke! "Gusto mo ba?" "Kailan ba ako humindi sayo, Ax?" Ngiti kong sagot. "Ang weird mo ngayon ha." "Sige. I'll get you one." Tumayo siya at pumunta sa loob ng bahay para kumuha ng ice cream. Nagtanong pa e sa amin rin naman kukuha. "Hey." Binaling ko ang tingin sa kumag na nasa harapan ko na siyang hinaharangan ang panonood ko sa mga kaklase ko. Pabida! "You want some?" I sighef at his sight. Tama nga naman sila, he is indeed a good looking guy with a well built stoned body. Bato sa katawan Shad ganun? Oo. Pati mukha, parang bato. "Axi already get some for me." Tanggi ko sa hawak niyang ice cream. Gusto ko sanang kunin kase nakakaakit pero wag na lang pala. Malay natin may lason yan? Hihintayin ko na lang si Axi no. "Umiinom ka ba?" Nagtaka ako sa biglaang tanong niya. Malamang umiinom ako. Duh! "No." Tumawa siya sabay upo sa tabi ko. Ang kapal ah? "I mean, liquors." He clarified. "Nope." Asan na ba yung bakla? Kinakabahan ako sa kumag na to e, parang may hidden agenda. "Mabuti naman. It wouldn't be good for your health." Napatulala ako sa hawak niyang pagkain na dinidilaan niya. Natatakam ako rito kaya umiwas na lang ako ng tingin. "Are we close?" Pagtataray ko. "Yeah?" Tumingin naman siya sa pagitan namin. Tanga. Bato na, bobo pa. "Hindi pa tayo nagkakaayos." Namataan ko si mommy na umakyat sa terrace na may kasamang lalaki kaya napatitig ako rito. "And so?" I furrowed. Is that Axiell? Anong pinag-uusapan nila mommy at Axi? Nagsusumbong na naman tong baklang to!? Tsk. Tsk. Tsk. Pero hindi e, mukhang hindi naman ata nagsusumbong ang bakla kasi parang si mommy lang naman yung nagsasalita. "I want to be close to you." I heaved a deep sigh. "Close na nga tayo diba, sabi mo." I arched my brow and then stared at his hazel eyes. I smell something fishy with his moves and with his weird words! I don't like it. "I mean-" "And why mister?" I crossed my arms. "Masama bang makipag-ayos?" "Uh ha?" "Kung tutuusin nga e dapat ikaw ang humahanap ng paraan para magkaayos tayo e." "At para san, aber?" "Ha?" "Nakakadiri ka, alam mo ba yun?" Ngumiti naman siya ng nakakaloko. "I never heard you say sorry, Shaddowe." Why would I? "Na alam kong hindi mo naman gagawin." "Alam mo naman pala e." "Kaya nga ako na lang ang lumalapit!" I felt an unfamiliar feeling when he uttered those words so I stopped momentarily. "I'm comfortable to be with, you know." I raised my brow as I heard him boasting. "I am hot and sexy." "Are you drunk!?" I distant myself from him. I even stood up to escape. "But I think it will be sexier if we will be togeth-" "Potassium!?" How dare he talked to me like that straight to my face!? "What do you think?" He was intently looking at my eyes and I really don't like this setting! "Shut up! You look like like a perverted asshole." I tried to compose my words as I retorted. I averted my gaze at my right side for me to calm my damn heart for beating abnormally. "Shad!" I blew off some air as I heard Axi. Ayan na! Palapit na sa amin si Axi na may dalang ice cream! "Friends?" Nilahad ng gago ang kamay niya sa harap ko kaya nasa kanya na ulit ang atensyon ko. Attention seeker! "No!" I shouted unconsciously. Lumayo pa ako sa kanya at ako na lang ang lumapit kay Axi. Ang bagal-bagal lumakad nitong baklang to! "Ba't ang tagal mo?" Umupo kami sa isa pang bench sa may sliding door at nagsimulang kumain ng ice cream. Nakita ko namang umalis sa pwesto ang kumag at bumalik na lang sa mga kaibigan niya. He really loves to ruin my mood ha? Friends daw. Kuko niya! "Anong pinag-usapan niyo?" I waved out that thought and tried to focus at Axi. "Kayo, anong pinag-usapan niyo?" I keenly looked at his light blue eyes. I didn't forget yet what I saw earlier. "Ha? Anong ano, e kayo ang nag-usap ni Rayl hindi kami." I know there is something unusual. They can't hide it from me. "Ano nga? I saw you with my mom earlier! Don't you dare lie to me." "Ano muna pinag-usapan niyo ni Rayl?" "I asked you first, Axiell." "I was the first one who throw the question, Kayeth" I snorted. Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya hindi ko rin siya sasagutin. Bahala ka dyan. "Ayaw mong maligo?" He broke the silence after a minute. "Alas nwebe na, Ax. You still want me to take a dip?" I retorted. "Why not?" I rolled my eyes with his fastidious suggestion. Tapos na kaming kumain kaya nakasandal na lamang kami pareho sa upuan. His arms were placed on the upper part of the bench at my side. Nagmumukha siyang nakaakbay sa akin but that's okay. "Shad?" "Hmmm?" Naghihiyawan ang mga atoms sa pool side na siyang pumukaw sa interes ko kaya napangiti ako ng bahagya. "They are crazy." I smirked. Hinuhubaran nila ang mga lalaking nasa ilalim ng tubig. Kinukuha nila ang shorts ng mga ito ng pasikreto. Mga arantadong atom. "Yung ano..." "Boron!" Napatili ako nang umahon sa tubig si Drew nang nakaboxers lang! Nabiktima, kalooy! "Hindi ka naman nakikinig e." "Uh sorry, ano nga ulit yun?" I asked as I looked at him. "Eto naman nagtatampo agad. Ulitin mo." Ang hirap pa naman suyuin ng isang to. "May sasabihin kasi ako sayo." I creased my brow as he delayed his words. I heard as he heaved a sigh and turned his head on the left side. "Forget it." I looked at him attentively as he played his fingers at the air. "You want to keep a secret from me?" He faked his smile as he saw me observing his actions. "Oh shoot!" My concentration has been caught when I heard a loud noise coming from the pool side. "P*ta, tol! Ampanget ng pagkabagsak mo!" "Parang tae!" Napatayo ako nang muntik ng makita ang pwetan ni Kyle nang ginantihan siya ni Drew. Myghad! My innocent eyes! But infairness, natatawa akong pinagmamasdan ang kagaguhan nila. I roamed my eyes around to look at their happy faces. A genuine smile curved at their lips. They should keep it. That's the rarest thing on earth. Hindi nakaligtaan ng mga mata kong tingnan ang isang lalaking masayang nakikipagtawanan sa mga kasama niya. Manang-mana sa ama niyang hinakot lahat ang magagandang genes dahil sa kagwapohan na taglay. I can't help my lips to form a beam. Hindi ko alam kung bakit nahihiwagaan ako sa ngiti niya ngayon, e parati naman siyang nakangiti. His smile touch- "Kayeth, ano ba!?" Nagulat ako sa sigaw ni Axi na siyang naging dahilan para mapansin ko siya. Hala? "You're not listening! What the hell?" I gulped. "S-sorry, ano nga ulit yun?" "Effin' s**t, Kayeth!" He was activated in a serious mode when he cussed. Napaigtad ako sa sigaw niya kasabay ng paglapit nina Jo and Zeah sa amin. "Axiell, ano ba? Wag mo namang sigawan si Shad." Sabi ni Zeah sa kanya sabay lapit sa akin. Oo nga naman! Kung makasigaw to akala mo nakapatay ako. "Sor-" "Tss." Padabog siyang sumandal sa upuan kaya naputol yung sasabihin ko. I bit my lower lip as I saw his mad face. Potassium? Nagalit talaga siya? Seryoso? "Anong nangyari?" Tanong ni Jo na syang nagpagitna sa aming dalawa. "Hindi kasi sya nakikinig!" Galit na utal ng lalaki sabay turo sa akin. "Sorry na nga." I pouted. "Saan ka ba kasi nakatingin!?" My mouth was left half-opened as he asked. "S-sa kanila." Turo ko kina Drew na nasa malayo. He let out a deep sigh after that. Naiirita niyang tinapunan ng tingin sina Drew na inosenteng naliligo sa pool. Drew gave me a what look which I answered by a small shrug. So they just continue playing their games and wrestling each other. Medyo naaliw ako sa kagagohan nila kaya napukaw na naman nila ang atensyon ko. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakatayo nang mahulog si Drew sa tubig dahil sa kalandian nila ni Vince. I covered my mouth as a voice escaped at my mouth. Tungsten, ang epic nun! HAHA  "Wag kang tumawa dyan." "Ah sorry." I apologized to Axi. Tumayo siya at hinarap ako. Huminga ako ng malalim bago binuksan ulit ang aking bibig. "May problema ba, Ax?" Maingat kong pagtatanong. Kinakabahan ako pero natatawa ako sa inaakto ng isang to. I don't know why. Ilang beses na naman kaming nag-usap dati at minsan na rin akong hindi nakinig sa kanya. So what's the fuss this time? "Pisti!" Tawang usal ni Zeah kaya napatawa ulit ako. "Kayeth." "Sorry!" I closed my eyes and bit my lip. "Ano bang nangyayari sa inyo?" I unshut my eyelid as Josceah intrigued. "Nagseselos ata." Sabay kaming napatingin kay Drew na siyang umahon sa tubig at tumabi sa pwesto ko. "Ha?" "Nagseselos." Mahina niyang pag-uulit habang nakatingin sa busangot na mukha ng lalaking kaharap ko. "W-what!?" Sabay kaming nagulat sa naging komento niya. And then it hit me. "Nagseselos ka?" Tumawa ako ng malakas dahil sa inaasal ng baklang to. Nakalimutan kong ayaw nga pala niya ng may kaagaw ng atensyon! "Hala ang bayot. HAHA Ang arte!" Zeah seconded. "I am not! Okay!?" "E, bakit ka nga nagagalit?" I asked. "Because you are not listening!" "That's why, I'm sorry!" "Ilang ulit ka nang nag-sorry!" I halted for a moment. "Ay, ewan ko sayo!" Napatunganga ako nang bigla niya akong iniwan nang hindi man lang pinapatawad. "Lagot ka." Natatawang pananakot ni Jo sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang mga mukhang nagtataka ng mga kaklase ko at piniling pumasok sa loob ng bahay namin. But before that, I saw how the jerk raised his left ridge at me as I glanced at him. "LQ?" Rinig kong tanong nung isa ko pang kaklase sa magnanakaw. Hindi ko na narinig ang sagot ng kumag nang kibit-balikat ko silang iniwanan at pumunta na nang tuluyan papasok sa bahay papunta sa kwarto ko. I sighed, dramatically. Nagseselos talaga ang bakla? Boron, of course not. May problema lang siguro yun. Helium, no way talaga! Err! Makatulog na nga lang. Hindi naman ako matitiis nun e. "Aish!" Humiga ako sa kama pagkatapos kong magpunas at mag-iwan text kay Axi to say, I'm sorry. Before I doze to sleep, I glanced at my phone to see no reply from him kaya napahinga ako ng malalim sa pagkadismaya. "Bukas na tayo mag-usap ulit, Ax. Swear! I will listen this time, okay?" Goodnight and sorry!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD