12 - Magnesium

4028 Words
Chapter XII When one path ends, another path begins. When one door closes, another door opens. Nabasa ko yan kanina sa google. Tumatak agad sa isip ko. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Pero nang makita ko ang bulaklak na nadaanan namin kanina sa flower shop; na kapareho sa pendant na suot ko bigla kong naisip ang quotation na yun. Hays, ewan. Ilang linggo na rin ang lumipas pagkatapos naming mag-outing sa Oslob. It was ended blissfully actually, kahit na nabawasan yung oras namin na gumala, dahil tumawag yung secretary ng Fer Corp, saying my parents and the jerk's parents need to report to the office asap. Naging memorable at nakakaaliw pa rin naman, lalo na nung kalaunan ay dumating si Ate Rean. "Aliw na aliw ka diyan sa kwentas na yan ha?" Binitiwan ko kagad ang hawak ko nang umupo si Zeah sa harapan ko. We're here at Zinc, naghihintay sa dalawa ko pang kaibigang ang tagal makapag fill-up ng enrolment form nila. "Ang bilis mo naman atang makapag-order?" She smiled naughtily. "May crush sakin yung nasa cashier e." I checked the guy at the counter side. "Hindi naman ata." Umiling ako nang mapagtantong palangiti lang talaga ang lalaki sa lahat ng customer. "Assuming." "Ah basta!" Sumubo siya ng pagkain na siya ring ginawa ko. Tahimik kaming kumakain kaya naisipan kong magsalita. "Ze?" "Hmmm?" Pinunasan niya ang bibig niya pagkatapos uminom ng juice. "Alam mo kung anong meaning ng marigold?" Alinlangan kong tanong. Umarko ang isang mataas na kurba sa ibabaw ng mga mata niya. "Ano ako, dictionary?" Umirap ako. Bakit pa kasi ako nagtanong sa kanya? "I-search mo! Para namang wala kayong internet connection." Sumandal siya sa inuupuan niya at luminga-linga upang hanapin ang mga kaibigan namin. "Antagal talaga ng dalawang yun." Bulong niya. Inubos ko na lang ang pagkain ko at naghintay kung kailan darating ang dalawa kong kaibigan. "Bakit mo pala natanong?" I looked at her blandly. Ewan ko sayo! "Bakit nga kasi! Sasagutin ko kung sasagutin mo ko!" "Ako kaya unang nagtanong." I crossed my arms. I arched my brow at her. "Fine!" She paused and motioned her hand as if she was thinking something. "Sa pagkaka-alam ko is- wait," Tiningnan ko siya ng may pagdududa nang huminto siya bigla. "Ano?" "Depende yan sa kulay Shad e." Napakamot siya sa ulo. Napaisip naman ako. "May color coding, ganun?" She nodded. "Pero yung alam ko positivity ang meaning nun." She smiled. "Happiness and joy!" Napahinga ako ng malalim nang malaman ang sagot. Happiness. "Pero depende talaga sa kulay e, I'm not really sure about it. So, bakit mo nga natanong?" Pinandilatan niya ako ng mata nang hindi ako sumagot. "Hoy." "Kasi hindi ko alam yung meaning!" "Oh, bakit kailangang sumigaw?" Kagat-labi akong umiwas ng tingin sa kanya. Bruha. "Birthday gift?" Nguso niya sa may dibdib ko. Tumango ako upang sumagot. "Amazing. Ang bongga ng regalo niya ha." Dahan-dahan naman akong tumango at ngumiti. "Hindi ko naisip yun ah." Napairap ako nang maalala ang regalo niya. "Malibog ka kasi!" "Hoy!" Depensa niya. "Masama bang regaluhan ka ng lingerie ha?" Napangiwi ako. "Oo! Potassium ka." "Grabe siya." Ngumuso siya sabay iwas ng tingin. "Pasalamat ka at binigyan pa nga kita e." Iginala ko naman ang tingin ko sa labas at inignora na lamang siya. Maraming studyante ang labas-pasok sa school at dito mismo sa Zinc. Mabuti na lang at maaga kaming natapos ni Zeah at hindi kami naabutan ng cut-off ng enrolment sched. "Ang tag- Oh!" She picked her phone as it rang. "Saang lupalop ba kayo ha!?" Napaatras ako sa sigaw ng bruhang kaibigan ko. "You can answer a call in lower tone, Ze." Paalala ko na binalewala niya. "Ilang papers ba ang finill-upan niyo ha? Oh, ano ngayon? Anong ginagawa niyo dyan? Tapos na kayo? Tapos ngayon ka lang tumawag! Hayup ka talagang bakla ka e! Nasaan ba si Jo?" Nakatitig lang ako sa kanya habang kausap niya si Axi over the phone. Ba't ba kasi ang tagal nila? Hanggang college ba naman palaging nahuhuli? "Aish, walanjowa! Tara na nga." Padabog siyang tumayo sabay hila sa braso ko. Hindi ko na nagawang umangal dahil baka mabalian pa ako ng braso. "Gooo numbeeeer 8!!" "Whooooo! Ang hooot niyaaa!" "Pa-kiiisss!" "Go, Salazaaar! Shoot it fastly!" Holy gold, tumahimik nga kayo! Gigil kong sigaw sa aking isipan. Gustuhin ko mang patahimikan sila, hindi rin naman sila makikinig sakin, magkakagulo pa. Kaya heto ako, andito sa gilid nakatayo at nakapikit dahil sa timpi. Kanina pa sila maingay ah. Nakakarindi yung tinig nilang mala-Zeah. I opened my eyes as I heard the game ended by a long whistle. I searched for my friends as they disappeared at my side. Sabagay, sino ba naman ang gugustuhin na makasama ako sa lugar na to? Edi wala. Kaya palagi akong napag-iiwanan. "Congraats!" "Salamat." "Ang galing mo talaga, Rayl! Libre naman diyan." Nang maanigan ko sila sa may bench side kung nasaan ang mga volleyball players, ay kaagad akong tumalima upang puntahan sila. Ako na mag-aadjust. "Congraaaats Raaaayl!" "Yeah, thank you." "Ang galing niyooo! Walang kupas ha." Ngumiwi ako nang mag-komento si Zeah. "Oh Shad? Akala ko umuwi ka na." I scoffed as she joked. "Tungstena mo." She laughed and sweetly gave me a flying kiss. "I love you, too." I just rolled my eyes at her and crossed my arms. "Hey, congrats!" Napayuko ako nang umakbay bigla si Axi sakin nang batiin niya ang kumag sa harapan namin. "Ano ba?" Naiirita kong usal. Umayos siya ng tayo at nag-peace sign. Pag-umpugin ko kayong lahat e. "Ang sungit, parang naglalambing lang." Bulong niya nang hawiin ko ang braso niya. I sighed. "Matagal pa ba 'to?" "Chill babe, it's almost done." Umeksena naman bigla si Jo at nagtatanong-tanong tungkol sa grupo nila kaya wala na talaga akong nagawa. Maghihintay na naman ako dito, tsk. Mabilis na nilisan ng mga tao ang volleyball field pagkatapos, mabilis silang nakamove-on sa laro kumbaga. It was not really a game actually, sabi ni Zeah, all freshmen students who wants to join volleyball are gathered for recruitment. Boys are scheduled today while the opposite s*x is for tomorrow. Sa pagkakarinig ko kanina kay Zeah is may elimination pa raw na naka-sched mamaya, ewan ko lang kung anong sport. Palabas na kami ng CIT nang may biglang umepal. Amoy pa lang alam ko na kung sino. "Uy, anino!" Sabay-sabay na lumingon sa likod namin ang tatlo. Hindi ako lilingon no. "Hoy, aninong maitim!" Gago. Padabog akong humarap sa kanya nang murahin niya ako. Oo! Mura yun para sakin. "Yun! Edi lumingon ka rin." Ngisi niya ng nakakaloko. "Free ka?" I furrowed at his remark. Hindi tuloy nakatakas sa mga mata ko ang ayos niya. Nakasuot na siya ngayon ng isang black v-neck shirt with his maong pants and white sneakers. He looks so fresh with his get-up, making his features more attractive and sexier. Wait, what!? Sexy his ass! "Ano, free ka?" Inayos niya ang backpack bag niya nang madulas ito sa braso niya. "Magda-date kayo?" Sininghalan ko si Zeah nang sumabat siya. "Sorry naman." "Ano?" Pinunasan niya ang pawis na lumandas sa noo niya. His jaw clenched for a second as the sunrays blocks his sight. "Nagwagwapuhan ka na ba sa 'kin?" I mocked. "Hindi." Sagot ko sabay talikod. Sumunod naman sakin si Axi na para bang wala lang sa kanya ang pag-aaya ng kumag. "Hindi ka nagwagwapuhan sakin?" Nilingon ko si Axi upang tanungin kung saan kami pupunta kesa sagutin ang kumag na nakabuntot sa kin. "Hoy!" Hinawi ko ang braso ko nang hawakan niya. "Hindi nga!" Napatigil sila Jo at Zeah sa pagsakay sa kotse ni Axi dahil sa sigaw ko. "Parang nagtatanong lang, galit agad?" He bit his lower lip to supress a smile. Padabog kong binitawan ang hawak kong door handle ng kotse ni Axi at nilingon siya. "Huwag ka ngang sunod ng sunod!" Tumawa siya na siyang nagpa-inis lalo sa'kin. "Ba't ang sungit-sungit mo?" Napansin kong biglang lumapit sakin si Zeah at Jo upang pakalmahin ako. "E, bakit ang kulit-kulit mo!?" Hindi niya napigilang tumawa kaya tinakpan niya ang mukha niya. He whispered something I didn't heard which made me more pissed of him. "Ano ba kasing kailangan mo kay Shad?" Kalmang tanong ni Axi sa kanya. "I'm just asking if she's free." Turo niya sa akin. Magsasalita na sana ako nang magsalita ulit si Axi. "Well, she's not, obviously." Tumalikod siya at tumungo sa driver seat. "Tara na, get in Kayeth." Sumunod naman si Jo sa passenger seat samantalang nakatayo pa rin kami ni Zeah sa harapan ng kumag. "Next time na lang, Rayl." Ngiti ni Zeah sa kanya sabay pasok sa likurang upuan ng kotse. "Wala ng next time." I waved and motioned him to the opposite way. Ngunit imbis na tumalima siya at sundin ang nais ko ngumiti lamang ang kumag. Baliw! "Wala ng next time." Tumango siya at dahan-dahang lumapit sakin. "Kayeth, let's go!" "Uh, yeah." Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan na nasa gilid ko nang bigla niya akong hatakin palayo dito. "Sabi ko na nga ba." Dinig kong sabi ni Axi. Potaassiuumm! "Ingat kayo! Text mo kami Shad ha!" Habol na sigaw ni Zeah. Narinig ko namang tumawa ang lalaking may hatak sakin. "Bitawan mo nga ako!" Hinihingal kong sigaw sa kanya. Tinungo niya ang isang mataas na motor na naka-park sa pinakagilid nitong parking lot at tumingin sa gawi ko. "Ang ayos rin ng mga kaibigan mo, e no?" Sinuot niya ang black helmet na nakalagay sa upuan ng motor niya habang ngumingiti. "Marunong silang pumili ng taong mapagkakatiwalaan." Bumuga ako ng hangin nang kapusin ako ng oxygen. Potassium! Parang ang lapit lang naman ng tinakbo namin ah? "Exercise ka minsan, hoy!" I glared at him as he commented. "Animal ka!" Malakas kong hinablot sa kamay niya ang isa pang helmet. Tumigil siya sa pagtawa nang makitang ibabato ko sa ulo niya ang bagay nato. "Uy wag anino, mahal yan!" Mabilis niyang binawi sa akin ang helmet. "Ang wild mo talaga e no?" Sumandal ako sa pader upang kumalma. Naiiyak ako, tungsten! "Magpapasama lang naman ako sayo." Inayos ko ang naka-bun kong buhok at pinagpagan ang damit ko. I tried to calm myself as I did inhalation and exhalation. "Sinamahan kita sa sementeryo kaya't ako naman ang sasamahan mo ngayon okay?" "W-what? No, ayoko!" "Anong no? I don't take no as an answer." Pinaandar niya ang motor niya at iminuwestro ang likuran nito. "Sakay na." "Ayoko nga." Medyo kinakapos ng hangin kong ani. Lumayo ako ng konti sa kanya at baka hablutin na naman niya ako. "Tsaka hindi naman kita pinilit na sumama sakin nun ah? Kaya I have the right to say no." He mocked. "Uh huh?" Lumapit siya sa pwesto ko habang pinapaandar ang motor niya. Ngumisi siya ng nakakaloko kaya kinabahan ako. "H-hoy, mababangga ako!" Pero dahil matigas siya at siraulo, tinuloy niya pa rin ang pagpapa-andar ng makina patungo sa pwesto ko. "Gago ka ba talaga!?" "Sasama ka o sasama ka?" "You're so unbelievable!" I yelped. "Ayaw mo?" I crossed my arms and stand still. Ayoko! "Francium!" Mabilis kong hinawakan ang ulo ng motor niya upang pigilan ang paglapit nito sa akin. "Ayaw mo pa rin?" Buong lakas kong tinutulak papalayo sa katawan ko ang motor niya. "Are you threatening me?" Gigil kong sambit habang pinipigilan ang motor niya na ipitin ako. "I can sue you!" "I can pay." Hinawi ko ang ulo ko paatras nang akmang hahawakan niya ito. "Ayaw mo pa rin?" Nang makita niyang wala na akong maaatrasan dahil sa pader na nasa likuran ko ay ang mukha niya naman ang inilapit niya sa mukha ko. Hayup kayo Zeaaaah! F.O. na tayooooo! "Oh hey, you're sweating." He used his palm to wipe off my sweat. "Ano ba!" Hingal na hingal ako kakatulak sa motor niya samantalang siya patawa-tawa lang na umuupo sa sasakyan niya! "Ugh! Makakalbo ko talaga yang kulot na buhok mo pagnakawala ako dito!" Bigla niyang hininto ang motor niya kaya't muntik na akong matumba. Aray ha! "Fine." He surrendered. I madly glared at him because of that. "Walang hiya ka talaga." Bulong ko. Umupo ako sa sahig nang pinatigil niya ng tuluyan ang makina ng malaki niyang motor. Sinandal ko naman ang ulo ko sa pader pagkatapos kong magpunas ng pawis sa noo. Pumikit ako at pilit hinahabol ang hininga ko. Narinig kong pinaandar niya na naman ang motor niya ngunit hindi ko na inabala ang sarili na tingnan siya. "Potassium ka one hundred times." Bulong ko nang marinig ang sasakyan niyang umalis. Iminulat ko ang mata ko upang tiyakin ang narinig. "Walang hiya. Kaya niya naman palang umalis ng wala ako e!" Sinikap kong tumayo at inayos ang sarili. I checked my wrist to see kung anong oras na. "1:47? Tungsten!" Sinipa ko ang bato na nasa harapan ko dahil sa inis. "Nagutom na nga ako, pinagod niya pa ako." Sinubukan kong tawagin ang mga kaibigan ko pero ni isa walang sumasagot. Friday the 13th ba ngayon ha? Araw ko ba? Kainis. Lalakad na sana ako palabas ng parking lot nang may biglang tumabing sasakyan sakin. "Holy gold! Ano ba!?" Sinamaan ko siya ng tingin bago ko pinulot ang cellphone kong natapon. "Hindi ka pa ba tapos? Umalis ka na nga! Pagod na ako! Kaya pwede ba-" "Sakay." Seryoso niyang sambit. Nakanganga ko siyang tiningnan nang banggitin niya na naman ang salitang yun. I heavily sighed. Hindi ba siya nakakaintindi? Lumapit siya sakin at hinila ako palapit sa motor niya at mabilis na sinuot sa ulo ko ang helmet na kanina niya pa gustong ipasuot sakin. "O baka gusto mong buhatin pa kita?" Nang dahil sa pagod at wala akong ibang choice ay humakbang ako pasakay sa motor niya. "Gusto mong mag-drive?" Mabilis akong umatras nang mapagtantong sa mismong pwesto ng driver ako umupo. Potassium. Mapapatay ko na talaga ang lalaking to. Dinig ko ang malakas niyang buntong hininga pagkatapos ilahad sakin ang isang mineral water. I didn't started to argue with him and just get the water he lent. Bago pinaandar nang tuluyan ang makina ay pinatapos niya muna akong uminom. Dapat lang. Paliguan ko siya nitong tubig e. "Kumapit ka ng mabuti baka matapon ka bigla." Humawak ako sa bakal na nasa likuran ko at huminga ng malalim. I sighed heavily, I felt like I'm gonna puke. The helium, I'm nervous! This would be the first time I will ride a motorcycle. Hindi ko alam kung paano to umandar o ano ang dapat kong gawin kaya mas lalo akong kinakabahan. Plus the fact that I am with a jerk! God, help me with this. "Sabi ko, kapit, baka kamo malaglag ka. Ang payat mo pa naman." Mabilis ko siyang kinutusan sa tagiliran niya dahil sa binulong niya. Pero imbis na magalit ay tumawa lang ang kumag. Tarantado. "Aray, ang hilig mong manakit ha!" Hinimas niya ang braso niyang kanina pa bubog sarado dahil sa mga hampas ko. "E bakit kasi hindi mo kaagad sinabi na dito tayo pupunta? Ang dami mo pang kemi, pinagod mo pa ako!" Isinabit ko sa side-mirror ng motor niya ang helmet matapos ko itong hubarin. Ang init masyado ng bagul nato. "Bakit?" Humarap siya sakin pagkatapos niyang i-park yung motor niyang nasobraan sa tangkad. Mataas masyado, pramis! "Anong lugar ba ang pumasok sa isip mo na pupuntahan natin ha?" Tinulak ko siya nang inilapit na naman niya ang maputi niyang mukha sa mukha ko. "Malay ko? Hindi ko naman alam kung anong iniisip mo." I hissed. "So, gusto mong malaman kung ano ang nasa isip ko?" Namilog ang maliit kong mga mata sa sinabi niya. I hardly groaned. "San nanggaling yun? Ang dumi ah." He teasingly dodged his elbow at mine before he stood up cooly. "Kunwari ka pa e." "Wag ka ngang feeling close!" Naiirita kong usal. Nandidiri ako kapag nararamdaman kong lumalapat yung balat niya sa katawan ko! "Ano ba kasing lugar ang inisip mo na maaari nating puntahan?" I snorted, ridiculously and just ignored his sentiments. Binati ko na lamang ang mga batang masayang sumalubong sa'min pati na ang mga madre'ng nag-aalaga sa kanila. "I didn't know your brain works dirtier than mine." I mocked for the nth time and smiled at the kids who joyfully welcome us. Ginawa pa akong malibog katulad niya. "Mabuti naman at napadalaw ka hijo. Akala ko nakalimutan mo na kami e" Umupo kami sa sofa na itinuro ng madreng kausap ng kumag. Nilagay ko naman sa harapan namin ang pagkaing binili niya kanina para sa kanila. Actually, ang dami niyang binili. Ang mga bata sa labas ay kasalukuyan pa ngang kumakain, pati na rin si manong guard at iba pang staffs ay sumalo dahil sa dami ng pagkaing hinanda niya. May pahanda si mayor, akala mo ikaka-astig niya. "Salamat nga pala sa mga pagkain, nag-abala ka pa." Pagkatapos kasi naming kumain kanina sa isang fast food chain ay dumiretso na kami dito. Isang orphanage malapit sa St. Pio Hospital na siyang isang oras ang layo sa sentro ng Cebu. "Na-miss ko po kasi yung kagandahan niyo kaya ako napadalaw. Tsaka, anong nakalimutan? Parang di ako dumalaw nung nakaraang linggo ah!" "Ay nako, ikaw talagang bata ka. Ilang buwan ka na kayang hindi napaparito!" Ginulo-gulo ni Sister Margie ang kulot na buhok ng kumag habang tumatawa silang dalawa. Balita ko siya ang punong-guro dito na siya ring naging babysitter raw nitong kumag noon. Dito raw siya madalas namamasyal at naglalaro kasi dito raw lumaki si Tita Tania. "At heto naman ay?" I immediately bowed down and introduced myself nang makitang nasa akin ang tingin nila. "S-shaddowe po." "Shadow?" Lito niyang tanong. "As in anino?" Sinamaan ko ng tingin ang kumag nang tumawa siya. "Ay hindi po-" "Kayeth." The jerk mumbled. "Kayeth na lang ang itawag niyo sa anin- I mean sa kanya ma." Dahan-dahan namang tumango ang matanda sa sinabi ng kumag. Ngumiti bigla ang punong-guro sakin na siyang nagbigay kaba sa dibdib ko. "B-bakit po?" Umiling ito. "Ang ganda naman pala ng kasintahan mo e." "Po!?" "Ay bakit? Maganda ka naman talaga?" Nakanganga akong tumingin sa lalaking tumatawa lamang sa gilid ng ginang. Nakita ko kung gaano niya kagatin ang mapupula niyang labi upang pigilan ang pag-ngiti. Kung anu-ano pinagkakalat niya ah? Baka akala niya- ay! Abogado kaya mommy ko! "Anong kasintahan pinagsasabi mo, ma? Yan!? Hoy, katulong lang namin yan uy." I glare at him madly with his sentence. And as usual, he just laughed about it like a demon. "Uy Rayl hijo! Kamusta?" Nabaling ang tingin ko isang matandang lalaki na pumasok sa tanggapan. "Tatay Ernest! Ang pogi natin ngayon ha!" Tumayo ang kumag at niyakap ang matanda. Nawala ang pagkainis ko sa lalaki nang makitang masaya siyang nakikipagkwentuhan sa matanda. Nawiwili ako sa daloy ng usapan ng dalawa kaya't napapatawa at napapangiti ako minsan. Siraulo. Punahin ba naman ang buhok ng matanda, e wala namang buhok si manong Ernest kasi kalbo siya. "Ang ganda ng ngiti mo, hija." Napatingin ako sa katabi ko nang purihin niya ang ngiti ko. "T-thank you po." I shyly smiled. Napaayos tuloy ako sa pagkakaupo. Inayos ko na rin ang ilang mga hibla ng buhok kong bumabagabag sa mga mata ko. "Kasing ganda ng kwentas mo." "Ahh." Nawala ang kurba sa labi ko nang mapansin niya ang kwentas na suot ko. Inilabas ko ito sa aking blusa upang lubos niyang makita. "Marigold." Mahina niyang sambit. Nag-aalanganin akong tumingin sa kanya nang may maalala. "Alam niyo po ba kung anong ibig sabihin ng bulaklak na'to?" Ang matamis na ngiti ng punong-guro ay napalitan ng isang mapait na ngiti. Sinulyapan niya ang dalawang lalaking nagtatawanan di kalayuan sa amin bago ako sinagot. "Happiness, hija." She mumbled in a lower tone. I smiled as I heard a confirmation. Tama nga si Zeah. "May darating sa buhay mo na siyang magdadala ng labis na kasiyahan sayo. Pwede bagay o 'di kaya tao, hindi ko alam." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinimas-himas ito. My heart jumped with that touch. It sents million of feelings. It gave me thousands of sensations including fear, excitement and pain. "Piliin mong maging masaya... Piliin mo ang unang simbolo ng bulaklak na yan." Dahan-dahan kong binitiwan ang kamay niya nang makuryente ako. I quickly hold my hand and reached my heart as I felt it was throbbing in unusual way. "Unang simbolo? There's another meaning for it?" Naguguluhan kong tanong. "May ganun po ba?" "Ang seryoso niyo naman ata dyan?" Biglang tumayo si Sister Margie nang sumulpot ang kumag sa likod namin. Naputol ang pag-uusap namin dun kaya medyo nanghinayang ako. Napahawak tuloy ako sa kwintas na suot ko. What are you hiding? "Baka naman sinisiraan mo ako anino ha!" Napatingin ako sa gawi ng lalaki. I put my necklace behind my cloth and raised my brow. "Ano pang ikakasira mo, e sira ka na naman talaga." "Hoy, grabe siya." He pouted. And that made me irked! Kadiri! He clang his arms at sister Margie without taking his glance at me. Nagsumbong pa siya, hindi naman pala siya yung kakampihan. "Ikaw talagang bata ka!" Bahagya akong napatawa nang hinampas ni sister ang pwetan ng kumag. "Sabi nang, huwag sigawan ang mga babae, ang tigas talaga ng ulo mo!" "Ar-ouch! Ma, hey, that hurts!" "Huwag mo akong ma-ingles ingles!" "Paluin mo pa ate para naman magtino!" Pang-aasar ni Mang Ernest sa lalaki. "Isa ka pa! Puro kalokohan ang tinuturo mo sa batang to. Pag-umpugin ko kayong dalawa e." "A-araaay! Ma naman, may bisita tayo oh." Pinigilan kung ngumiti nang tinuro ako ng kumag. "Wala akong pakialam! Dapat sayo magtino e." Pangangaral nito sa kumag. Kaya't hindi ko na natiis at lumabas na nga ang tawa sa bibig ko nang pikutin siya sa tenga ng paulit-ulit ng nanay-nanayan niya. Go sister Margie! Pinahirapan ako ng lalaking yan kanina, pahirapan niyo naman ngayon. Nilingon ako ng kumag at mabilis siyang nakawala sa kamay ni sister. "Ho-hoy! Loko ka, ano ba!?" Tumawa-tawa siya nang gawin niya akong panangga sa palo ni sister. Hawak-hawak niya ang dalawa kong balikat habang tumatago sa likuran ko. "Masisira yung beauty niyo yan nay e! Tama na." I halted as I felt his breath at my ear. It sent shiver at my system for a moment. Napakurap pa ako nang ilang beses bago natauhan. "Huwag ka nga diy-" "At talagang!" Napayuko ako nang kunin ni sister ang unan na nasa sofa at hinampas sa lalaking nasa likuran ko. "Maaaa, baaaad yan!" Pero imbis na tumigil ang matanda ay hindi niya kami tinantanan. Oo! Kami! Nadamay pa ako sa kalokohan ng dalawang to. "Okay, suko na!" Huminto siya sa paghila sa akin at umupo sa damuhan kasama ang mga batang nakisalo na rin sa habulan. Napabuga ako ng malalim dahil sa pagod. I used my palm to wipe off my sweats at my forehead down to my neck. Ang lagkit ko na tuloy. "Joke lang." Zinc! Napasigaw ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming tumakbo palayo sa mga batang humahabol sa amin. "H-hoy!" Muntik na akong matumba dahil aa pagkakahila niya! "Run Samson run, Delilah's on your way! Run Samson run, Delilah's on your way, hey!" Kahit hinihingal at pagod na ay hindi ko mapigilang mapangiti sa nangyayari. Tumatawa ako habang kumakanta siya! Napipikon kasi ang mga bata kasi hindi nila kami mahabol-habol. Hindi ko tuloy maibura ang kurba sa labi ko. Happiness. Hinawakan ko ang pendant na suot ko gamit ang kanang kamay ko. Habang patuloy na nakikipag-habulan sa mga bata ay hindi ko maiwas ang aking mga mata sa sira-ulong lalaking kumakanta ng isang nursery rhyme, na siya ring may hawak ng kaliwang kamay ko . "Baliw." I whispered as I stared at his bright face. Huminto siya kaya't napahinto rin ako. "Your welcome." He showed his white teeth to me as his eyes glow mesmerically to my sight. Two words but it brings more than hundreds of warm at my heart. He curved his lips perfectly, lovely and genuinely which made me froze for a while. How I wish I can be happy as always just like him. How I wish I can smile truthfully just like this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD