Hinila ko ng marahan ang aking kumot nang makaramdam ng lamig. "Patayin mo nga yung aircon!" Nakapikit kong sigaw sa kapatid ko. Narinig ko naman ang mga yabag ng paa niya patungo sa kinaroroonan ko. Napaupo ako mula sa pagkakahiga nang hinila niya ang kumot na nakabalot sa nanlalamig kong katawan. "Bumangon ka na ate!" Inis ko siyang binalingan. "Tsaka wala tayong aircon, wag kang feeling rich kid diyan." Bumangon ako nang nakasimangot dahil sa sinambit niya. Wala ba? Niligpit ko ang kumot at unan na ginamit ko at nilagay sa gilid ng kama ko. "Anong oras na ba?" Pinagkrus niya ang mga braso niya at tinarayan ako. "Alas otso na!" A-ano!? "Oo!" "Potassium ka, Ki! Ba't di mo ko- Aish!" "Hoy, ate! Kumain ka muna bago ka umalis ha. Malilintikan ako ni tatay pagnagkataon!"

