10 - Neon

4861 Words
Chapter X I roamed around and saw myself at the peak of a hill. The scenario was quite relaxing. Green hills were filled with an unsullied air and a brush of color yellow was shining brightly reflecting how beautiful world is. All the flowers planted are yellow, reminding me of someone I know. How did I found this place? How did I ended up here again? “D-dad?” I yelped. I looked around and searched for him but I found nothing. Am I alone here? “Mom!"  Nasaan ba sila? “Wohooo, everyone!" I took a step and went downhill. May nakita akong isang kubo sa paanan ng bundok kaya napangiti ako. Sa loob nun ay may isang round-table na gawa sa kahoy at may dalawang upuan that was placed at the center. Pero asan ba sila? Why am I alone here?  “Shine?” I duck and enter the small cottage. I took a seat and waited for them. Pero bakit dalawa lang ang upuan? Potassium, asan ba kasi sila? "Magpakita na kayo, dahil wala akong planong hanapin kayo!" I explore my eyes around the cottage. Nothing’s amusing here, except the fact that this was: ang kubo, placed surrounded by the yellow-blossomed flowers.  I sighed. I guess I am stuck in here alone. I took a seat at the right side of the table and tried to chill comfortably. I must enjoy this moment. Bahala sila dad kung ayaw nilang magpakita. I was humming my favourite song while swaying my feet. Napapaindayog at napapatawa sa tuwa. "I miss you." I almost teared up saying my sentiments to this place. I continued singing my fave song. But I stopped as I heard someone overlaps my voice. I looked around to see who it was. “My Shaddowe.” She smiled. A tear escaped from my eyes as I roamed my sight at her face. "W-what are you doing here?" I gasped. “You should always wear your smile nak, ano ka ba.” She sat at my left side and put the food she was holding at the table. "Maybe I am in a dream, don't you think?" She laughed when she got an hilarous respond from me. “Ang sabi ko, ngumiti ka! Magsaya ka naman, nak.” Pabiro niyang dugtong sabay haplos sa buhok ko. I can’t hold my tears any longer as she talked to me dearly. I miss her voice.  “I miss you too, sweetie.”  I stood up immediately and hug her tightly. “M-ma..." I started weeping while looking at her face. God, I miss her so much! "Do you miss me that much, hmm?" Ngumiti siya sa akin habang patuloy na sinusuklay ng malalambot niyang mga kamay ang buhok ko. "M-ma naman e..." Garalgal kong usal bago siya hinagkan ng mahigpit. "I w-want to be with you, please let me be with y-you.” I cried at her neck as I plead. She caressed my back and shook her head. “Hindi pwede nak e... hindi pa pwede.” “Pero ikaw lang gusto kong kasama ma! Please...” Garalgal kong pakiusap sa kanya. She can’t leave me here! She broke the tight hug and faced me. She wiped my running tears and smiled worriedly. “Kasama mo naman ako parati ah.” “It’s no-” “I am always at your side, in your heart, in your system.” I sniffed. Sa bawat salitang ibinibigkas niya ay mas nasasaktan ako. Sa bawar paghaplos niya sa basa kong mukha ay mas naghihingalo ako kakaiyak. “Huwag namang purong ganto, nak. Be happy.” She smiled convincingly as she uttered those words, hardly. “I don’t want to see you aching.” She paused. “Can’t you move forward?” Yumuko ako at inintindi ang tanong niya. I shook my head as an answer. Akala ba niya ganon kadali ang mag move on? Madali bang umahon sa isang malalim na pagkakahulog? Kung sa kanya oo, pwes sa akin hindi! "H-hindi yun ganon kadali ma..." Words can’t flee at my mouth at the moment. Nawalan ako ng lakas na magpaliwanag pa. My body was half-malfunctioning and I can only feel the pain inside. “You can, sweetie.” She held my chin for me to look at her. “I know you can continue living happily without me.” I chuckled horribly. How can she say those words as if it was very easy to do so? “Be happy and find love... within yourself and to other people around you, Shad.” “But I can only be happy if I’m with you ma! Bakit hindi mo 'ko maintindihan!?” Mabilisan kong sagot. She halted. “If you want to be with me, then take my advice.” She kissed my forehead and then bid her goodbye. “I love you.” She walked away from me while smiling. “Be happy.” That wasn’t said vocally but then I understand the way her lips moved. “I l-love you, too.” I mumbled trying to stop my tears. She waved her hand cheerfully as she got my response. "I m-miss you.." I looked up high as a loud thunder reached my ears. I wandered my eyes around the place as the rain started to pour. The yellow flowers faded quickly and turned to dust. The downhill beautiful place turned into a haunted garden with a gloomy air. And then something lit up which made my attention caught. A broken-glass mirror revealing my reflection. I felt pity when I saw myself soaking wet, crying while begging. Begging to stop this pain I buried for almost a decade.  “I’m glad to hear that but... are you really sure about that?” I hardly breath as I nodded. After I woke up last night because of my dream or should I say a nightmare, I immediately called ate Reanly. I dreamt of her again. Walang mintis na hindi ko siya napapanaginipan pag malapit na ang araw ng kapanganakan ko. Wala ring mintis ang mga mata ko sa pagluha every time she appeared in my mind, especially in my dreams. For almost 10 years, every time my birth date comes, I always wish I can be with her at last. But now, my mind decided to settle. Her last uttered words made me vivacious for the first time in a decade. "Seryoso na talaga, wala ng urungan?" "Oo nga!" "I'm happy for you." Mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Thank you.” I smiled. “Ang drama natin, putek!” I laughed. “Halika nga rito!” She reached my hand and hugged me. “I always wish you to be happy, Shad. We always do.” Humigpit ang yakap ko sa kanya nang magsimula siyang mag-senti. “Kasi kung nasaktan ka sa nangyari, kami rin naman e. Although we can never compare the pain you’re bearing than us but-” “Sorry.” “Patapusin mo muna ako!” Tumawa ako at napailing. “Oh sige, continue.” She laughed. “Wag na nga lang! Basta, always put on your mind, that I am always here for you. Marami kami actually, matuto kang magbilang Kayeth.” I smiled. Humihirit pa talaga e. “Oh siya, may lakad pa ako.” "Ingat ka." She smiled and hugged me for the last time before she flew away. Napakurap ako nang mawala siya sa kwarto ko. Humakbang ako patungo sa aking kama at tumalon para humiga. Be happy. "I should be happy then." Love yourself and all the people that surrounds you. So easy, I guess? Bahala na! I should do that for me to be with her. I should and I must. “Nabasbasan ka ng holy water last week, Shad?” “O baka naman uminom ka ng holy water?” “You’re not yet dying, aren’t you?” Binatukan ko silang tatlo nang magsunod-sunod ang mga non-sense questions nila. Inunahan ng bakla na sinundan naman ni Jo at Zeah. “Ang OA niyo ha!” Kumuha ako ng isa pang mangkok at nilagyan ito ng fries. Sunod-sunod ko itong isinubo dahil natatakam ako. I hadn’t eaten my breakfast pa kasi, ang aga nilang mambulabog para sabihing pumunta ako rito kina Axi. “Were not overreacting Shad, look at you!” I creased my brow as Zeah exclaimed.  “Oh anong meron?” “Wala naman.” I sarcastically smiled as I didn’t get an apt respond from her. Ano pa nga bang maaasahan ko sa babaeng to? “Pero seryoso Shad, you really look different for the past few days.” “Anong different pinagsasabi mo Jo? Naniniwala ka naman sa babaeng to.” Turo ko kay Zeah na nilalantakan ang pagkain ko. Tungsten. “Kumuha ka dun!” “Ang damot mo!” "Ang baboy mo." I retorted. "H-huwaw, ang bait mong kaibigan. Isumbong kaya kita sa magnanakaw mo?" I gasped. Akma ko siyang sasabunotan nang bigla siyang tumayo. “Tunsgtena mo!” She laughed and then walked away the living room reaching the kitchen. “What’s with your mood?” Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang tanungin na ako ng bakla. Dito, wala na akong takas sa isang to. “I decided to free myself.” I paused and smiled. "Bakit, nakakulong ka ba?" He added. "Oo." Their brows arched at the moment. Naghihintay sila ng karugtong kaya I continued explaining. “I will- hmp, I mean..." I groaned silently. "I won't live my life with my past anymore.” I closed my eyes and bit my lower lip. Takte, ang hirap pala ng desisyong to. “I want to be happy.” I opened my eyes and saw their confused s***h pleased faces. “I want to love myself… I want to love and be loved.” Mabilis kong sagot. Iwww. Saan nanggaling yun? Umupo si Zeah sa harapan ko nang nakanganga habang hawak ang isang food tray. Samantalang si Jo at Axi naman ay nakatunganga sa akin. Marahil hindi makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ko. “Ano, kailangan pa i-translate?” Kinuha ko na lang ang mangkok ko at nagpatuloy sa pagkain. “Mahirap ba intindihin yun?” Bulong ko sa sarili habang nanonood ng k-drama. Uh yes. Okay rin naman palang manood ng mga gantong movies e. Hindi nga lang ako makarelate sa mga kilig moments kuno ng bidang babae at lalaki. “Aaaaaaccccckkk!” Sumigaw bigla si Zeah na siyang ikinagulat ko. “Potassium, Alezeah!” “Aym sooo hapiii poor youuu!” Dagdag niya. “What the helium, natatapon yung fries! Ano ba, Ze!” “Around of applause please.”  “Tungstena niyo, ano ba!” Tinulak ko si Zeah at Jo nang yakapin nila ako- No scratch that, daganan nila ako. Natapon tuloy ang ibang pagkain ko! “Para kayong timang, alis nga!” Isa pa tong si Axi. Bigla na lang tumayo at pumalakpak ng malakas. “I don’t care! Basta I’m happy fooor you Shaaaad!” “Me toooo!” Tsk. “Mabuti na lang talaga at nagsimba ka last week, Shad. Nadiligan ng lubusan ang kaluluwa mo.” “Maybe I should attend holy mass next time no? Malay mo biyayaan rin ako ng isang unexpected gift!” I rolled my eyes at them, kung ano-anong naiisip e. “Wag na Jo! Kahit anong gawin mo hindi ka bibiyayaan ng height ni G, wag na.” “Ansama nito.” Tumawa kami nang tuksuhin na naman ni Zeah si Jo regarding her height. Napakabully kahit kailan. “Excited nako sa debut mo.” Ze giggled. Tumawa ako. “Ako rin.” “Nakakapanibago ang pagbabago mo, alam mo ba?” Ano raw?  “Wag mo kaming gugulatin sa birthday mo ha?” Ngumiti ako ng tago nang punahin ako ni Jo. Masaya naman palang maging masaya. “Finally!” I take a look at the mirror when ate Reanly finished her magic. “Fabulous!” As usual. Lahat naman ng minamani-obra niya, e mas gumaganda o gumagwapo. She has this ability that no one can emulate!  “Thank you.” I smiled to her and reached my one inch black heels paired with my red cocktail dress. No uh. I didn’t choose this kind of style. It was moms’ idea, of course. Actually lahat ng plano about this thing mula sa venue, sa theme, style, invitation cards, my dress and all! Wala akong na-iambag. HAHA Hindi ko rin naman trip ang ganitong bagay e. They insisted to make a celebration, so automatic na sakin yun na sila ang mag-aasikaso. “Hindi mo pa binubuksan yung regalo ko nong graduation mo no?” I halted. “Let’s open it right now!” I exclaimed that made her giggle mischievously. Kinuha ko sa closet ko ang isang malaking box na pinaglagyan ko ng mga regalo na hindi ko pa nabubuksan. “Anong plano mo dyan? I i-exhibit pag marami na?” I laughed as she commented. Kinuha ko yung pink na paper bag na galing sa kanya at kinakabahang tinitigan ito. "Bilisan mo!" "Oo na, eto na." I chuckled. Umupo kami sa paanan ng kama ko at nilapag sa hita ko yung regalo habang binubuksan. “Bomba ba to?” “Kung oo, edi sana matagal ka nang tigbak. Gaga.” Pigil ang ngiti ko nang lingunin siya. “Ang sungit mo.” Pinaikotan niya lang ako ng mata tapos tumawa. “Shad hija, baba na raw at tutungo na kayo sa venue!” “Opo manang, five minutes!” Sigaw ko sa pagitan ng pader sa kwarto ko. Binilisan ko ang pagtanggal ng staples at muntik pang masugatan. “Dahan-dahan, Kaye.” Iniisa-isa kong tinanggal ang mga ito, ngunit pinunit rin kalaunan ang papel nang mabwesit ako. “Gusto mo bang ibigay sakin to o hindi?” Hinawi niya ang kamay ko at siya na mismo ang nag bukas. “Tadaaa!” I stopped for a moment and then quickly grabbed the thing. “W-wow!” Maiyak-iyak ko siyang tiningnan at mabilisang niyakap. “Thank you!” “Asus.” She laughed. “Shad! Baba na raw!” Pinatunog ko muna ang music box na binigay niya at nilagay ito sa side table ko. I closed my eyes as I heard the song. “Tara na.” “Thank you talaga.” Kagat-labi kong sabi habang tinatanaw ang maliit na kahon na may sumasayaw na doll with a G-clef figure on it. “We really want you to be happy.” I smiled with her thought. I also wanted to. After that night when I dreamt about her, I’ve decided to and tried to take a break. I am slowly trying to be nice with myself actually. I am also slowly closing my wounds and gradually opening my heart for something new. Kaya siguro nasasabi nila na nagbago ako or what. I’m just trying to be happy. Hindi ko nga lang alam kung masaya ba talaga ako sa ginagawa ko or am I just pretending? Well, I hope it's not the latter one. "Happppyy birthdaaaay Shaaadd!" I was tapping my fingers at the top of my table when Ze shouted. "Parang tanga." “Happy birthday.” Napatingin ako sa lalaking kadarating lang. Kinuha ko ang nasa kamay niya at pinasalamatan siya para dun. Bakit ba 'to nandito? “Wala sana akong balak na bigyan ka ng regalo kaso my mother insisted.” He shrugged then sat beside me. I rolled my eyes with his presence. Paano ako magiging masaya nito kung may kumag na umaaligid sakin? I tsked as I felt a bit awkward. Hindi tumalab yung malakas na tugtog galing sa mga speakers sa bawat corners ng Yttrium bar na'to. Wala rin naman ang mga atoms kong kaibigan kasi nandun sila sa dance floor at nakikipag- ewan ko! Basta ang alam ko lang ay iniwanan nila ako dito sa mesa namin. Tsk. Sila ba ang nagbibirthday ha? Bakit sila ang nag-eenjoy sa gabing to? “Bakit hindi ka magsaya dun?” Walang gana ko siyang nilingon. “You should at least have a great time.” Sumandal siya at pasimpleng hinubad ang coat na suot niya. Hindi pa rin siya bihis. “Huwag kang puro kain, hoy! Pagkain na nga inatupag mo kanina sa venue imbis na mga bisita, pati ba naman dito?” I scoffed. “I’m not eating!” Mabilisan kong binaba ang hawak kong pagkain nang tingnan niya ito. He snorted. "Sino niloko mo?" “Bakit ka ba nangingialam?” Ngumiwi ako at uminom na lang ng tubig. Ayoko na ngang kumain. Nakakawalang gana tong katabi ko. "Pakialam mo kung gusto kong mangialam?" Napanganga ako sa sinabi niya. Malandi! Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lamang ang atensyon sa mga taong nakikisayaw sa unahan. The party was over and ended around quarter to eleven. It was memorable, I admit. Of course, it’s my first time celebrating my day with them. Aside from the great feeling I felt inside, I also received lots of gifts and wishes from different people. Isa rin sa dahilan kung bakit ako pumayag na magcelebrate ng isang engrandeng party ay dahil dito. After their party, I can have my real party with a jam here. It’s already past 2 am kaya pagod na rin akong tumalon-talon at maghihiyaw. Yup! I really got wild when I’m in a place like this. “Ayerke naa!” Khent groaned when Zeah exploded. Jeez. Sabi ko, wag mag-inom! “Uwee nee ekee!” Napatayo ako nang muntik ng matumba si Jo. Mabuti na lang at nasalo kaagad ni Axi. “Ako na ang bahala sa isang to. Iuwi mo na yang jowa mo Khent.” "Bakit ba kasi kayo uminom?" Inalalayan ko si Zeah na tumayo dahil naghihirap na ang boylet niya kaka-handle sa kanya. Sabi ko na nga ba e. “What a mess.” Pinandilatan ko ang katabi ko nang magsalita siya. "Shut up!" I shouted at him. "What?" Tumawa siya nang magalit ako. First time kaya nila ang mag-inom! Nakapa-judgemental talaga ng kumag nato e. “Happy birthday, babe.” Axi kissed my forehead habang inaalalayan si Jo na tumayo. “Ikaw na bahala sa kanya Rayl ha.” He gazed at the guy at my side and turned to me. “Text mo ko kapag nakauwi kana. Tsaka,” He gaped the spaces between us and whispered into my right ear. "Huwag kang magpapaloko sa lalaking to. If something bad happens, call me immediately, hmm?" Pinigilan ko siyang umalis. "You can't leave me with him." "I need to bring Josceah home. Patay ako kay ate Jessy kapag ibang lalaki ang maghahatid sa kanya." "Ax naman e! Birthday ko naman, please?" He pinched my nose instead of granting my request. "Take care." "Ah Shad, una na kami ni Ze ha. Happy birthday, ulit!" Nakanganga ko silang sinundan ng tingin nang iwan na naman nila ako. Seriously? They will leave me here with this dumbass!? “What?” He asked. "Puro ka what!" May pagdadabog kong tinahak ang pintuan upang lumabas. Makakaalis ako nang mag-isa no! “Hoy babae, san ka pupunta!?” Pake mo!? Binalewala ko ang tanong niya at mabilisang humanap ng taxi. Kung bakit ba kasi ayaw akong payagan ni daddy na mag-drive e, pahamak! “Hoy anino, ano ba!” Pikit-mata ko siyang nilingon nang murahin niya ako. “Don't you dare curse at me!” Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko. "Hindi naman kita minura ah? Arte nito, tara na." "Ayoko nga!" Lumakad ako ng mabilis para makawala sa kanya pero matigas ata masyado ang bagol ng ulo ng lalaking to. "Hoy anino!" "I'm not shadow!" He halted as I angrily yelped. “You’re Shaddowe, right?” I rolled my eyes with his annoyance. Humarang siya sa dinadaanan ko kaya napamura ako. “San ka ba pupunta? Ihahatid nga sabi kita.” Umiwas ako at naglakad ng mas mabilis. Mabuti na lang at nagpalit ako kanina ng isang sneaker shoes at my usual attire bago tumungo dito. Alangan naming magwild ako dito ng naka mini-gown diba? “Ibinilin ka sa akin ni Axiell kaya ihahatid na kita.” “Huwag kang chansing!” Hinawi ko kaagad ang kamay niya nang hinawakan na naman niya ako. “Ch-chansing?” Tumawa siya. “ Seryoso ka? Hoy, wag kang OA!” Hinila niya ako patungo sa parking area kung saan nakapark ang kotse niya. "Kaya ko namang umuwi mag-isa." "Arte." Mabilis kong hinawi ang kamay ko nang nasa harapan na namin ang sasakyan niya. “Sakay.” Tumulak kaagad siya sa driver’s seat after he commanded me. I rolled my eyes. Ano pa nga ba? Why would I expect him to be a gentleman? “Bakit ka nandyan?” Nilingon niya ako sa likod nang makitang hindi ako umupo sa passenger seat. “Kasi wala ako r'yan.” “Pilosopo.” "Gago." "What did you just said!?" Napangisi ako nang makita ang nalilisik niyang mga mata. “Manyak.” “Ano!?” I fake a smile. “Sabi ko kamo, tara na.” “Ano mo ko, driver!?” I snorted. Buang! He started the engine after buckling his seatbelt. I also buckled mine. I looked at my wristwatch and checked my phone. Aware naman ang parents ko kung nasaan ako e. Pwede pa siguro akong gumala no? Bago niya mailiko sa daang papunta sa bahay namin ay sinabi ko na sa kanya kung saan ko gustong pumunta pa. “At three at dawn, seriously?” He looked at me at the rear-view mirror. “Anong masama dun?” Bigla-bigla niyang prineno ang sasakyan at nilingon ako. “Hoy, ano ba, dahan-dahan naman!” Seryoso niya akong tiningnan sa mata. “Uuwi na tayo.” I took a deep sigh when he disagreed. “Bahala ka.” I unbuckled my seatbelt and opened the car’s door at my side. “H-hoy!" "Ayaw mo e." "Takteng anino to oh.” Narinig kong bumaba siya sa sasakyan niya at mabilis na hinila ako pabalik. “Now what?” Pinigilan kong ngumiti nang makitang bibigay na siya. “Fine!” Yes!  “Ten minutes lang ha.” Ngumiti ako sa kanya ng napakalapad. “Whatever!” Mabilis akong sumakay pabalik sa kotse niya na may dalang ngiti sa labi. Sabihin niya kamo takot siya sa sementeryo. Pinagpagan ko ang puntod na nasa harapan ko at inilagay ang bulaklak na iniwan ko sa isang bahay-kubo nung nakaraang araw. May suki sa labas ng sementeryo na taga-tinda ng mga bulaklak. Palagi niya akong nilalaanan ng bulaklak kapag dumarating ang kaarawan ko. Mabuti na lang at walang nagnakaw nito, kasi malalagot talaga ako kung wala akong maihahandog sa babaeng pinakamamahal ko. “Takte. Bilisan mo, nilalamig na ako.” Binalingan ko siya ng isang mapanuksong tingin. “Ano? Iwan kita dito e.” Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. “Aish! Bilisan mo na nga lang!” Mas lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Takot nga ata ang lalaking 'to sa multo. “Sino ba kasing bibisitahin mo dito at hindi pa pwedeng ipagpabukas na lang?” Nawala kagad ang kurba sa labi ko nang magkomento siya. I sighed and reached her tomb. “Sabi ko naman sayong dun ka na lang sa kotse maghintay.” Isang yamid lang ang isinukli niyang sagot sa akin. Kawawang nilalang. May suot na ngang coat, nanlalamig pa. “Masakitin ka ba ha?” Sumeryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin nang marinig ang tanong ko. “6 minutes left.” Potassium, di naman mabiro ang isang to. Pumikit muna ako at huminga ng malalim upang kumalma. This is it. Ang layo pa naman ng byinahe namin papunta rito. “5 minutes.” “Eto na nga!" Kainis. I cleared my throat before speaking. “M-ma.” Umayos ako ng upo nang matapos kung sindihan ang kandila. “K-kamusta p-po? Pasensya na ma… ngayon lang ako nakadalaw...” Pinilit kong pakalmahin ang boses ko at baka magtunog palaka ako dito. Nakakahiya sa butiking kasama ko. Narinig ko siyang tumikhim kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita ko. Seryoso ba talaga siya sa 10 minutes? “M-ma? Hindi mo ba ako kakamustahin?” Ang kanina ko pang pinipigilan na luha ay nag-unahan na nagsilabasan. “Ginagawa ko naman po yung sinabi niyo e. Sinusubukan ko naman ma e..” Garalgal na tugon ko. “P-pero m-ma… Hindi ko po kaya.” Hindi ko na napigilan ang mapahagulhol. Taas-baba ang balikat ko dahil sa walang humpay na pag-iyak. “I miss you so much… Hindi ko na kaya ma. Gusto ko nang sumuko.” Pumiyok na ako sa puntong iyon. “Bakit kasi kailangang ganun? Ba-bakit ma? Baki-bakit hindi ko matanggap? Bakit kailangan ikaw ang mawala?” Pinahid ko ng marahas ang mga luha na lumalabas sa mga mata ko. “Potassium! Bakit ka ba lumalabas ha!? Lintik na luha.” Kahit anong pagpipigil ang gawin ko lumalabas pa rin sila. Ang tigas ng ulo! Kung may ulo man ang mga luha. “I’m happy naman ah? I’m trying to be ma… mahal ko naman sarili ko? I also love them! Pero bakit ganito? Masakit pa rin dito.” Turo ko sa dibdib kung nasaan ang puso ko. “Bakit ako nagdurusa pa rin? Bakit ma? Nakakagago yung sakit ah." I snorted. "Samantalang sila maligayang namumuhay at nagpapakasarap lang?” Lumingon ako sa itaas at tumayo. “Napaka-unfair mo!” Dinuro-duro ko ang lahat ng mga bituin sa langit na nakikita ko. Wala akong pakialam kung bumangon man ang mga patay sa hukay. Sasama pa ako sa kanila kung gusto nila. “Kinuha mo sa akin si mama! Napakasama mo!" "S-shad." "You’re so… you’re so mean to me.” Nawalan ng lakas ang katawan ko kaya’t natumba ako. Hindi ko man lang naramdaman na may mga brasong tumulong sa akin upang maiupo ako ng maayos. “Ayoko na...” Humagulhol ako ng napakalakas nang hindi ko na talaga makayanan. I did my best to be nice and courteous. I helped people who needs a hand. I worships and always pray to Him. I tried to forget and forgive those people who almost killed my soul! But why!? Bakit ako pa yung nagdurusa ngayon? Bakit parang ako lang yung nahihirapan sa nangyari noon? Bakit parang wala man lang ako kakampi sa laban nato? Maingay na hagulhol ang pumakawala sa tahimik na libingan ng mga patay sa mga oras na to. Hindi ko na makayanan pang sumigaw. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Pero hindi ata marunong mapagod ang mga mata ko sa kakaiyak. Naipon ba ang mga luha ko sa nagdaang mga taon? Sabi nga nila, when words are most empty, tears are most apt. And now here I am, together with the coldest wind I ever felt,  I whispered to an empty air what and why is my heart still throbbing in pain.   “The wound is the place where the light enters you.” Dinungaw ng aking mga mata ang lalaking pumutol sa paghikbi ko. “Feel the pain today.” Unti-unti siyang lumapit sa akin at pinunasan ang basa kong pisngi gamit ang mga kamay niya. “Just for tonight, feel the pain and let it out.” Pumungaw ang mga mata niya nang makita ang miserable kong mukha. “Let’s fight for it tomorrow, until that wall breaks. Let the light enter your heart after then.” Ngumiti siya sa akin na naging dahilan ng paglandas ng panibagong luha sa mga mata ko. Niyapos ang puso ko ng mainit niyang braso nang yakapin niya ako. “Let’s wait for the true happiness you longed. Let's make the genuine joyfulness in you heart you wishes for. ” He caressed my back as I whimpered, again. “Tahan na.” I don’t know why I felt something different when I heard his words. Why did I suddenly felt my heart trembling like a race? "Sshh, it's fine, I'm here." Mahina niyang usal. Nang mahimasmasan kalaunan ay inaya na niya ako paalis. Dahan-dahan akong tumingin sa dako niya. Can he help me be happy and be loved? Can I finally see the light I wanted to? Can I now took a step and move forward without hesitant and fear? Will he fight for my worries and pain? Will he end the twinge I felt inside? “C’mon get up, anino!” I reached his hand offered and stood up. Well, I wish there could be someone. I wish there is someone who’ll help me stood up and will be at my side everytime I am weary. Napaiwas ng tingin ang kumag sa akin pagkatapos akong makatayo ng maayos. He scratched his nape and roamed his eyes. I saw how he secretly rubbed his skin as he felt the spine-chilling of the place. Napangiti ako habang nagpupunas ng luha. "Natatakot ka no?" I huskily asked. “Sabi ko, ten minutes lang e! Tigas ng ulo nitong aninong to.” Maktol niya pagkatapos akong iwanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD