Chapter XIV
Elevator buttons and morning air
Strangers' silence makes me wanna take the stairs
If you were here we'd laugh about their vacant stares
"Wag mong lasingin yang babaeng yan."
"Oh come on, babe. Let her be."
Pinandilatan ko si Axi nang hinayaan niya lang si Zeah na magwala sa dancefloor.
"Magsasawa rin yan, 'yaan mo na."
I sighed. Umakbay siya sa'kin sabay dikit ng mukha niyang pawisan na sa mukha ko.
"Smileeee!"
I pouted and glared.
But right now
-my time is theirs
"Sabi ko smile!" Iling niya sabay halakhak. "Pero okay lang, cute naman."
Hinampas ko siya sa braso.
"Aw!" He chuckled.
"Siraulo ka! Anong hayaan? Anong hayaan ha!? Alam mo namang-"
He covered my blabbering mouth which made me stopped from talking.
"Her boyfriend is coming to pick her up. Okay?"
I tsked. "Ewan ko sa inyo."
I fixed myself and tried to calm for a minute. Mabuti na lang at kalmado na ang paligid. The song of Taylor Swift that was playing helps the ambiance to cool down. I smiled as I remember a memory from our past with Axiell because of the song.
So, don't you worry your pretty little mind
People throw rocks at things that shine
And life makes love look hard
"The stakes are high." Pakikipagsabayan ko habang nakangiti.
"The waters rough." Axi joined me singing while looking, intently at my caramel eyes.
Napangiti ako, hindi rin mapigilan ang mapatitig sa kulay asul niyang mata.
"But this love is ours."
We both laughed as we sang the song in unison.
"Hoooy!"
Napaigtad ako dahil sa sigaw. "Potassium."
"Inggetera talaga." I heard Axi mumbled before looking at the girl at my back.
"Anong ginagawa niyo ha?"
Taka ko siyang binalinan ng tingin. My forehead creased at her state.
"Ba't pati ikaw naglalasing!?"
She shrugged as I asked.
"Wae? Waeyo?" Tanong niya sa lasing na tono.
"Si Zeah lang ang may karapatan? Hoy, ako rin!"
Napailing na lamang ako sa sagot niya.
"Narinig ko ang pangalan ko. Ano na naman?"
Umupo si Zeah sa tabi ko at mahinahong kumain ng pagkaing isusubo ko na sana. Impaktang atom!
"Subukan niyo lang talaga maglasing sa gabing to, hindi na kayo makaka-apak pa sa bahay namin." Pananakot ko na siyang ginatungan ni Axi.
"Sige, lasing pa."
"Ang OA! Isang baso pa nga lang yung naiinom ko!"
"Two glasses!"
"Ay, wow. Baso na pala ang iniinom ngayon?" Axi retorted.
"Tse!"
Pinag-ikotan ko lang sila ng mata. Kakatapos lang ng first semester namin. We decided to take some jam here, at Yttrium, as usual. Two days lang naman kasi ang sem-break namin tsaka may mga kailangan pa kaming asikasuhin that's why dito na lang kami nag-hang out instead of going to beach or somewhere.
"Mabuti talaga at may mga gwapong nurses at doctors na nag-aassist sa 'min. Kung hindi, nako! Hindi ata ako makakasurvive sa first sem."
I lousily looked at Jo.
"Good for you." Zeah retorted, more like sarcastic.
Napangiwi ako. Kahit kailan talaga, Josceah!
"Ah, Shad!"
Tumingin ako sa gawi ni Zeah nang tawagin niya ako. My forehead creased as I saw her intimidating looks.
"Hindi na ata kayo nagsasama ni Rayl?"
I silently made a growl.
"Ay, oo nga! Yan pala yung gusto kong itanong. Waeyo, LQ kayo?" Sabat ni Jo.
They waited for my answer but I just shrugged, ignoring them. Ilang linggo na rin nang hindi kami nag-uusap o nagkikita ng kumag na yun. Axi is my companion for the past weeks kaya there's no need for us to meet.
"I'm sure you have a reason. Right?"
Napaisip ako sa sinabi ni Jo. Well, to be honest, if my assumption is correct, then avoiding the jerk is a good thing to do. Ayokong maging third wheel or madawit sa isang taong may karelasyon. Helium no!
"And what's on your mind, Jo?" Axi asked her.
"E narinig ko yung kaklase kong nag-uusap last time. I'm not eavesdropping, okay?" Mabilis niyang depensa. "Ang lakas lang talaga ng bulungan nila."
"Parang may alam ako diyan." Tumingin si Zeah kay Jo.
"Really!?"
Zeah nodded.
"It's about Rayl having a relationship with her so called cousin; Theya right?"
"You got it, girl!"
"Anong kahibangan ba naman niyan?"
I silently agreed with Axi.
"That's so impossible." I barely talked.
"Nothing is impossible, Shad." Mabilis na sagot ni Jo. "Pero hindi yan yung kumakalat na issue. It's about you." Turo niya sakin. "Being a third-wheel of Rayl's legal relationship with someone. They never named the girl but I think it's her, Theya."
Nabuga ko ang iniinom kong juice sa sinabi ni Jo. Axi wiped my side-lips with tissue. I thanked him for doing that.
"Don't tell me hindi man lang umabot sayo ang balita?"
"That's absurd!" I yelled. "Pero, I remembered someone, groupmate ko sa isang subject, she once talked to me and gave sympathy and whatever!"
"And?"
"I didn't know it's about that effin' issue! Kaya hindi ko na lang siya pinansin kasi ang akala ko trip niya lang akong kausapin that time."
"Yun lang."
Napasandal ako at napaisip. Seryoso ba talaga?
"Theya." I uttered. "Bakit naman siya nadawit?"
"Hindi mo pala alam!?"
"Obviously, Ze. Duh!"
"Omygad, gurl! Saang atoms ka ba nagsusu-suot ha? Ba't wala kang alam!?" Jo sneered.
I gasped. They looked at me shamefully. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis.
"The hell, the what?"
Don't tell me it's really true?
"Hindi sila magpinsan." Sagot ni Axi.
"What!?" Napatayo ako dahil sa pagkagulat.
"Ang taas ng pitch ah." Zeah teased.
"Biglang naging attentive ang anino."
I rolled my eyeballs with their stupid side-comments. I gulped and cleared my throat as I took back a sit.
"I m-mean, how come? Theya told me na she's that jerk's couz! Ano yun, prank?"
"Siguro."
Pinandilatan ko si Jo nang tumawa siya.
"Seriously?"
"I don't know!"
I tsked.
"Sa pagkaka-alam ko, Theya is adopted."
I halted with Axi's sentence.
"Hindi ata na-aprobahan yung papers niya for adoption kaya hindi sila totoong mag-pinsan, diba?" Jo interrupted.
"I thought, you don't know?"
"Sssshh! That's a secret."
"Secret naman pala, bakit mo sinabi?" Pambabara ko pa.
"To feed your curiosity! Impakta ka, huwag mo nga akong irapan! Sabunutan kita diyan e."
Napahinto ako. Samantalang pinagtawanan lang kami ng dalawa.
"So, they are in a relationship?" Tanong ko sa kanila.
Kaya pala ayaw niyang dumidikit ako dun sa kumag na yun. So, it's true!?
"I don't think so."
I turned to Axi as he answered.
"Me too!" Ze raised her hand. "I don't think so that's the case."
I scoffed. "Ang labo niyong kausap ha!"
"Bakit di mo na lang tanungin si Rayl? Or si Theya? Para naman maliwanagan ka." Jo suggested.
"Nah. That's not my business anymore. Bahala sila sa buhay nila, I don't care."
Nilagok ko ang juice ko at napag-isipang magliwaliw na lamang kesa sa makipag-usap sa kanila.
"You, okay?"
I furrowed. "Of course."
Sinamahan ako ni Axi sa dance floor nang maiwan siya sa table namin. Dumating kasi si Khent kasama ang isang lalaki na siyang kausap na ngayon ni Jo. Umiling na lamang ako nang mapansing hindi pa rin nagbabago tong lukaret nato.
"You better get someone else." Axi hold my waist when the wild music turned into a love song.
"Why would I?" I put my hands around his neck as we danced.
"Anong why? Napag-iiwanan ka na, hoy."
My lips parted to dispute. "May jowa ka?"
Tumawa siya sa pambabara ko.
"Sabi ko nga." Ngumiti siya ng nakakaloko. Hinila niya ang beywang ko palapit kaya tinulak ko siya.
"Hindi! Hindi tayo talo." Basag ko sa iniisip niya.
"Uy hindi ka magsisisi sa'kin, hoy."
I laughed. "Tungstena mo!"
"But if there's a change of heart." He sweetly smiled. "I'm always available for you, babe."
I rolled my eyes as I stopped my feet from dancing.
"Ayoko sa bakla."
Tinalikuran ko siya at tinahak ang pinto palabas.
"Sino may sabing bakla ako!? Hoy, Kayeth, bumalik ka rito!"
"Dismissed."
I boringly smiled. Kakapasok pa nga lang niya sa klase, dismissed agad?
"Anong club sasalihan mo, Shad?"
I shrugged to answer her. We went home late last night kaya pagod ako. Huwag na huwag niya akong mabwe-bwesit!
"How about cheerleading!? Oh, sorry hindi mo pala type yung ganun, no?"
I quickly fixed myself to free from her queries.
"How about sa sports? Ay no, theater? Or sa music!?"
Tumingin ako sa kanya nang humarang siya sa daan ko.
"Finally, you looked at me!" She gorgeously smiled.
Napasulyap ako sa mga kaklase ko nang magsimula silang magbulungan.
"I think totoo yung issue." Rinig kong sabi sa may likuran ko.
"Lowet your voice, b***h. Naririnig ka ng mga yan."
I heaved a sigh. Tumingin ako sa harapan ko habang nakataas ang kilay.
"Problema ko na yun, okay? Get the hell out of the way." Mahina ko siyang tinulak pero hindi naman niya kinatumba yun.
"Chill!"
Tumayo siya ng maaayos at tumawa. Nilampasan ko lang siya at nilandas ang daan papunta sa cafeteria.
Sorry, her fault.
"Wala ka talagang sasalihan?"
I shook my head as an answer. Tinanggap ko ang pagkaing isinubo niya sa akin tapos uminom ako ng tubig.
"You should at least try the music club." He handed me another food to chew. "One-week celebration tong foundation ng CIT, Shad. Mabo-bore ka lang, for sure. I can't accompany you, I'm busy. Brass bands are playing."
Inis ko siyang binalingan ng tingin.
"Bawal um-absent!" Putol niya sa iniisip ko.
I pouted. "E wala ako sa mood para sumali sa mga ganyan, Ax!" Pagmamaktol ko.
"I know. But babe, you don't have another choice."
I glared at him.
"Oh sige, bahala ka. Grades mo naman ang maapektuhan hindi akin."
Napasimangot ako.
Sometimes I can't understand the school admin and staffs. If they wanted to celebrate the school's anniversary, edi mag-celebrate sila! Hindi 'yung dinadamay kaming mga studyante sa gimik nila, as if may libreng snacks silang ibibigay, wala naman. Hayaan sana nila ang ibang studyanteng katulad ko na hindi pumasok sa mga araw na yun. As if lahat ng studyante gustong makisaya sa kanila. It should not be compulsory no! Kainis.
"Mamili ka na lang ng sasalihan."
Napa-irap ako ng wala sa oras dahil sa inis.
"Bakit kasi damay 'yung academic grade? Potassium."
"Sa cheerleading squad ka na lang sumali."
Napadako ang tingin namin ni Axi sa lalaking umupo sa tabi ko.
"Cheer mo ko." Ngisi niya na nakakagagu. As in u - gagu.
"Trip niyo bang mang-inis sa'kin ngayon ha?"
Tumayo ako at tumabi kay Axi. "Keep your distance jerk."
He smirked. "And so I thought masungit ka sa lahat, hindi pala."
Dumako ang tingin niya sa brasong naka-akbay sa akin na pagmamay-ari ni Axi.
"Sa akin at kay Kitty lang pala? May problema ba tayo, anino?" He leaned towards me as he asked impishly.
"Walang tayo, ulol." Bulong ko na siyang tinawanan ng katabi ko.
"May sinasabi ka?"
I chuckled a bit as I saw his curious eyes, eyeing me. Huminga ako ng malalim tapos sinagot siya.
"Wala." Hinila ko si Axi patayo. "Tara na?"
"Whoa? Aalis na kayo?"
I faked a smile. "Hindi, papunta pa lang."
Axi was about to hold my hand but it was interrupted with the jerk's annoyance. Agad kong hinawi ang kamay nitong dinudumihan ang balat ko.
"Where's your necklace?"
I got more irritated with the tono of his voice!
"I throw it away!"
"What? You're unbelievable! Why did you do that?"
"I can do whatever I want."
Tumalikod akong hindi maipinta ang mukha dahil sa tawa niyang parang baliw.
"Isuot mo, anino!"
Potassium.
"Sabi ko naman kase sayo, tayo na lang e." Bulong ni Axi na siyang binalewala ko.
Ewan ko sa inyo!
"Parang pagod na pagod ka ata hija?"
"Medyo lang po." I smiled.
"Saang bulkan ka namasyal, ate?"
Umupo ako sa tabi ng kapatid ko at sumandok ng pagkain.
"Sa Mt. Taal ata, baby." Sagot ni mommy.
"Nako! Sabog na sabog ah?"
I creased my brow.
"Sino po, dad? Yung bulkan o si ate?"
Potassium. They all laughed when they saw my pissed face.
"Ano ba kasing nangyari to your face, ate? You're like a living zombie! Look at you."
"Look at you." I scoffed. "Pawisan lang ako Shine, zombie agad?"
"Para namang pagod na pagod ka sa school."
Tiningnan ko siya habang ngumunguya.
"Kuya Axi told me. Wala ka raw'ng club na sinalihan! Nanonood ka lang naman raw sa brass band nila kuya Axi at tsaka sa game nila kuya Rayl!"
Napahinto sila mommy sa pagkain. "Is that true?"
Mabilis akong uminom ng tubig upang makapagsalita.
"Uhm... You don't have to worry mom. I asked my profs to give me an alternative para hindi maapektuhan 'yung grades ko."
I smiled at them. "They just asked me to do some written outputs na mabilis ko namang naipasa kahapon. Kaya, it's okay!" Kabado kong pagpapaliwanag.
"No, no, no. It's not about that honey." Umiling si mommy. "You watched Rayl's game?"
"Seriously?" I asked.
She hesitantly nodded. I sighed.
"We. At tsaka, it's not just his game." I snapped.
"Pareho lang rin yun ate. Pinanood mo pa rin si kuya Rayl."
Napa-irap ako sa sagot ng kapatid ko.
"You know what nak, you should at least tell us what's the score between you two."
Taka kong nilingon si daddy.
"You and Rayl. I know there's something going on with you two."
I laughed at his supposition. "No way, dad. No way."
Uminom ako ng tubig nang bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina.
"No." Iling ko.
"That's not viable honey."
I got irritated when mom agreed with dad.
"Sa loob ng almost 7 months na ba?" Dad nodded as mom asked him.
"See? You've been together for almost a year, and every time that you're together makes me feel like a teenager. You look good together!"
"W-what?" I laughed to hide my shivering, dala na rin ng pandidiri. "He's nobody to me." I convinced them.
"Okay? Like helium, please shut up." I rolled my eyes and continued eating.
"Helium, I don't like him." I spilled as I whispered.
Napalingon ako sa kanila nang wala akong marinig na komento. Napatakip ng bibig si Shine sa tabi ko habang nagpipigil ng tawa si mommy at manang sa gilid ni daddy. Daddy was smiling seriously at me.
"What now?"
They all laughed and ignored me. Nainis ako lalo kaya tumayo na lang ako at padabog na nilakad ang kwarto ko.
Potassium.
I woke up early today because this is the last day of the celebration of the school's foundation. And it was two days ago when my family acted weird in front of me. But instead of minding them, nag-advance reading na lang ako for the next sem. Since we haven't started yet because of this occasion, habang abala ang lahat sa mga assigned duties nila, I was enjoying myself at the library for the past days.
"Hey, babe!"
I rolled my eyes when Axi called me with that endearment again.
"Pasikat ka talaga e no?"
Tumawa siya sabay kurot sa pisngi ko. "I know. I love you, too." He loudly uttered, teasing me.
"Tara na, ikaw na lang hinihintay. Antagal mo talagang kumilos."
Hinila niya ako papuntang volleyball field habang naka-akbay.
"Hindi ako makahinga!" Angal ko.
"Ang arte."
Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Zeah. Siniko ko ang lalaking makulit na siyang tumabi sa akin.
"Sorry." He wrinkled his nose, pissing me more.
"Hoy, si Jo?"
"Jo is coming."
Tumango si Zeah kay Axi at sabay kaming naghintay sa pagdating ni Josceah.
Since it's the last day, lahat ng natitirang events ngayon ay for championship na. At this rate, the Department of Education and Engineering ang naglalaban sa volleyball boys. Sa pagkakarinig ko, this two departments are the unbeatable teams for this weeks' games. Lamang ata ang engineering department? I don't know.
"Hey." Jo tapped me.
May dala siyang pop corn and mango shake na agad kong kinuha sa kamay niya. Umupo siya sa isa pang vacant seat sa gilid ni Zeah ngunit kalaunan ay nagpalit sila ng pwesto.
"Hindi ko makita yung crush ko." Angal ni Jo na siyang nginiwian namin.
Nang seryosong nanonood ang mga katabi ko ay naisipan ko na lang rin ang manood. Habang kumakain ng pagkaing para sana kay Axi, nabaling ang tingin ko sa lalaking may pinakamaraming fans.
"Kyaaaah! Go Engrs!"
"Go Neeechooo!"
"Go, Blueee Shaaarks!"
"Omoo! Go Neeechooo my laaabs!"
Sucks.
"Ang dami mong karibal." Siko ni Jo sa'kin na siyang sininghalan ko lang.
I looked at the score board placed above the right side of the bench. Lamang ng two points ang Education for the third set. Iba-ibang pangalan at department ang naririnig ko pero yung sa kumag talaga ang pumapaibabaw.
Kabago-bago, sikat na agad? Pabibo masyado. Tsk.
"Let's make a bet."
Tiningnan ko si Jo nang magsalita siya.
"I'll go for the blue team." She's referring to the Engineering Dept. "You'll bet for the orange."
Kahit nagtataka ay um-oo na lamang ako. For sure, the education will win this game.
"Cheer mo yung captain nila." Turo niya sa lalaking nakasuot ng orange shirt numbered with 6.
"That's Alex Tan." She smirked.
Tiningnan ko nang maigi ang lalaking tinuro ni Jo. Nakaupo kami malapit sa bench ng mga players kaya hindi ako nahirapan sa pagsuri ng mukha niya.
"He's hot, right?" Napatingin naman sa amin sila Ze and Axi nang tumili at kinilig si Jo.
"Asan?" Lingon ni Axi. "Yan!? Sus! Mas hot ako diyan. Right, Shad?"
I looked at him. Sinuri ang maaliwalas niyang mukha tapos umiling. Hindi ko intensyon na mang-asar pero may ipaglalaban rin naman kasi yung Alex na yun, kaya sige.
He pouted. "Ansama mo."
I chuckled.
"Go Aleeex! Yuhooo!"
Sumigaw si Jo na siyang kumuha ng atensyon nung lalaki at ibang studyanteng malapit sa amin.
"O my gosh! Nakatingin siya sayo!"
Taka ko namang sinunod ang atom kong kaibigan. Nabigla pa ako dahil totoo ngang nakatingin siya sa akin.
"Bakit siya tumitingin sakin, e wala naman akong utang sa kanya?" Untag ko.
"Kay Axi siya nakatingin hoy, hindi sayo." Pambabara ni Ze.
"Sa kabilang team ka tumingin Shad, may totoong nakatitig sayo."
Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Ze. Inakbayan naman ako ni Axi at itinuro sa direksyon ang department niya.
"Hindi naman ah." Komento ko nang makitang magkasama sila ni Theya sa bench side nila.
"Ay, hindi ba?"
Umiwas ako ng tingin nang makitang naghubad siya at pinunasan nung peke niyang pinsan ang pawis niya sa mukha. Sakto namang paglingon ko sa score board ay ang pagpito nung referee indicating na magsisimula na ang last round.
"I hope you'll lose your game this time." Bulong ko.
Tungstena niyo!
"You did great." I commented when we reached their corner.
"Is that an insult or a compliment?"
I impishly smiled as he hissed.
"You choose." I mocked.
He smirked at me bago niya kami tinalikuran upang harapin ang coach niyang tumatawag sa kanya. It was a close fight, but my wish was granted swiftly. Too bad for them.
Binalingan ko si Jo at ngumiti sa kanya. "I won."
Tumango siya at ngumiti ng mas malaki sa akin.
"I know."
"Anong, I know?"
"Let's talk about it later. Tara na. Gutom na ako."
"Panalo ako, kaya libre mo ko."
She gasped. "Ang daya! Pero sige na nga."
I winked and smirked. We are on our way out of the field nang huminto si Axi sa paglalakad.
"Teka, I left something, wait."
Mabilis siyang tumakbo pabalik tsaka kami iniwan.
"Bakla na nga, careless pa." Komento ni Zeah.
"Iwan na lang kaya natin yun?"
Napatingin ako sa wrist ko nang mapansing kanina pa kami nababagot kakahintay sa bakla.
"Tara?" Sabay nilang usal.
"Tara."
Humakbang ako paabante patungong gate pero napahinto rin kalaunan.
"Anino!"
"Ano na naman ba- Ouch!"
"Shad!"
I moaned when I felt someone grabbed me harshly.
"Aray, potassium."
Nakapikit akong ininda ang hapdi sa may braso ko dahil sa pagkatumba ko. Or should I say namin?
"Hey miss, you okay?"
I felt someone's breath near me kaya minulat ko ang mata ko.
"Of course not! Ikaw kaya nasa..."
Napahinto ako sa pagsigaw nang makita kung sinong lalaki ang humila sa akin.
"-nasa posisyon ko."
"I'm sorry."
Tinulungan niya akong tumayo at dahan-dahang hinawakan ang sugat ko.
"Pero matatamaan ka kasi ng bola."
Tumingin siya sa gawing likuran ko kaya't napatingin rin ako doon.
"Sorry, bro. Hindi ko sinasadya."
"Ah talaga?"
Napatingin kami kay Zeah ng bigla niyang kinuha ang bola sa lalaki at binato ito sa kanya pabalik.
"Alezeah!"
"Oh yan! Hindi ko rin sinasadya!"
Inawat siya kagad nila Axi at Jo nang akmang sisipain niya pa ang lalaki.
"Sorry talaga." Yumuko ang lalaki ng paulit-ulit at umalis ng mabilisan.
Poor guy. Poor me.
"Thank God you saved her."
I arched my brow with Jo.
"Okay ka lang, Shad?"
Binatukan siya ni Zeah nang magtanong siya.
"Ouch! What was that for?"
"Wag kang tanga!"
"Ako, tanga!? Ako ba yung natumba?"
I glared at Jo.
"Ikaw kaya tumambling kasama tong lalaking to at magasgasan sa braso. Tingnan natin kung magiging okay ka ba." Sabat ni Axi.
Napakamot naman ang lalaking may hawak sa akin.
"Dalhin na kita sa infirmary."
"Ah thanks."
Kinuha niya sa braso ko ang bag ko at hinawakan ako sa baywang upang alalayan.
"Pero okay- ouch, hey!"
"Wag kang malikot." Seryoso niyang sabi na nagpatikom sa labi ko.
"Hey, Rayl. Dadalhin na naman siya ni Alex sa-"
Hindi na natuloy ni Zeah ang hinanaing niya nang makitang nililinisan na nang kumag ang sugat ko.
"-Infirmary."
Tahimik kaming nakatayo habang naghihintay kung kailan siya matatapos nang biglang magsalita ulit si Zeah.
"Salamat talaga Alex ha."
Napatingin naman ako sa morenong lalaking sumagip sa akin kanina. Hindi ko maiwasang mapatitig sa maamo niyang mukha. He has thick brows, chinky eyes and pointed nose. Kaya pala sikat kasi gwapo.
"Yeah, no worries." He smiled to answer my friend.
"You should take care always."
Napakurap ako nang ilang beses nang tumingin siya sa'kin. I gulped and looked away. I took a glance at the jerk and then at Alex.
"Thank you."
"I'm Alex Tan, by the way."
I made a half smile. We shake hands as he offered.
"Yeah, I know."
Nagulat siya sa sinabi ko kaya nagtaka ako. Tumikhim si Jo kaya doon ko lamang napansin ang mali ko.
"Ah!" I nervously laughed. "I mean, I'm S-shaddowe."
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay niya dahil sa taranta.
"Shaddowe Fernan."
Narinig kong tumawa sila Ze sa tabi ko samantalang napailing ang asungot sa gilid ko.
Potassium.
I cleared my throat. "Congratulations nga pala." I smiled.
Siniko ako ni Zeah at hinila palapit sa kanya.
"Aray, dahan-dahan naman!"
"Salamat ulit Alex ha! See you around."
Zeah bid her farewell na siyang sinundan namin ng paalam at pasasalamat.
"Bakit mo naman sinabi yun?"
Bago pa ako maka-react ay ngumuso siya sa dako ng kumag. I gasped then bit my lower lip.
"Una na ko." Sumulyap lamang siya sa dako ko at tumalikod kaagad.
"Ikaw kasi, ang mean mo!" Pangongonsensya ni Jo pagkatapos akong sapakin.
"I didn't mean to say that." Mahina kong sambit.
"Tara na!" Usal ni Axi.
Kinilabit naman ako ni Zeah bago pa ako makasunod kay Axi.
"Mag sorry ka dun."
"W-what? No!" Hawi ko sa braso kong hawak niya.
She glared. "Bahala ka."
Mabilis siyang sumunod kina Axi habang ako ay nakatayo't nakatingin sa papalayong pigura ng kumag. I sighed.
"Hoy, BT!"
Patakbo kong nilakad ang daan papunta sa kanya. Nang mapansin niya ako ay huminto siya sa paglalakad at hinarap ako nang naka-kunot ang noo.
I gulped. "You did great. I mean it."
His frowned face turned into a smiling one as I commented. Ako naman ang napakunot noo nang humakbang siya palapit sa dako ko.
"Crush mo ko no?"
"Ayy shutang atom."
Agad ko siyang nilisan at tinakbo ang gawi nila Zeah.
"Wag kang maiilang ha!"
Napapikit ako nang sumigaw siya na may kasama pang tawa.
"Ano raw sabi?"
Muntik ko nang mairapan si Zeah nang magtanong pa siya.
"Ano nga?"
"Ewan ko sayo!"
I run towards Axiell and clang unto him. He automatically wrapped his arms at my waist as we entered Zinc. I just shrugged all the thoughts lurking at my mind about that jerk and focused on ordering a food.
Wala naman akong mapapala sa lalaking yun e.