Chapter 04

1901 Words
I HAVE no choice but to text Manang Aya to take care of Gideon for awhile. Uuwi rin ako. Naghihintay lang akong makatulog si Mom at Dad. I will sneak out. Bahala na kung pagalitan ako ni Dad bukas kapag nalaman niyang tumakas ako. Umupo ako sa kama paglabas ko ng banyo. Ang isa kong kamay ay nasa aking buhok at tinutuyo iyon habang ang isa ay nakahawak sa aking cellphone. I am texting my driver about my plan. Para naman nakahanda na siya mamaya paglabas ko. Nagsuot ako ng manipis at gawa sa cotton na bestida na nakuha ko sa aking dating closet. So strap ang taas nito at hanggang kalahati ng aking hita ang haba. Maluwang kaya preskong suotin. Paborito ko ang mga ganitong damit lalo na sa gabi dahil hindi nakakairita ang tela. Tumayo ako at pinagmasdan ang sarili sa aking full-length mirror na katabi ng aking vanity table. My body has changed a lot. Mas lumapad ang balakang at dibdib ko dahil sa pagbubuntis. Medyo tumaba rin ako pero bagay naman sa akin. I had no insecurities on my body. I have few white stretch marks on my belly and thighs, but who cares? Ang mahalaga sa akin ay nailabas ko nang ligtas ang anak ko and that's a thing to be thankful for. Nagsuot ako ng tsinelas nang makaramdam ako ng uhaw. Nagpatong lang ako ng manipis na roba sa aking katawan bago ako lumabas ng kuwarto. The hallway are already dark and the only thing that's lighting up my way is the small lights embedded on the walls. Malalaki ang bawat layo nito kaya may mga parteng madilim. "Mukhang tulog na silang lahat. . . " bulong ko. Kinuha ko ng jar sa ref at nagsalin ng tubig sa hawak na baso. Pag-akyat ko ay maghahanda na ako para umalis. It's already 1 in the morning. Siguro naman ay mahimbing na silang natutulog. I dialed my driver's number while putting back the jar inside the ref. I want to inform him through call na maghanda na siya sa pag-alis namin. Tawag na kaagad ang ginawa ko kasi baka mamaya kapag text lang at nakatulog pala siya ay baka talagang dito na ako matulog. "Sige ho. I'll call again once we're good to leave," saad ko sa kabilanh linya. "Yes, Ma'am." After bidding my goodbye, I hang up the call. Napatakip ako sa bibig nang bigla akong maghikab. "And where are you going?" Nalunok ko yata ang kalahati ng hangin na ihihikab ko sana sa gulat. Mabilis akong lumayo at humarap sa demonyong bigla na lang sumulpot sa aking likod. "What are you doing?" asik ko. Sinapo ko ang dibdib na kumakabog pa rin. "Bakit ba nanggugulat ka?" "Ala-una na ng madaling-araw pero nagbabalak ka pa ring umalis. Do you know the possible danger of driving on the middle of night?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Madilim sa kusina kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Tanging ang bulto lang niya ang nakikita ko. "That's not your problem. Stop telling me what to do. Wala kang karapatan," mariin kong sambit. Gumalaw siya palapit sa ref at binuksan iyon. That's when I finally see him because of the refrigerator light. Nakasuot na siya ng kulay itim na pajama. "Kailangan bang magkaroon muna ng karapatan ang isang tao bago siya mag-alala? I'm just concerned for your parents. They're good people. What will happen to them if something bad happen to you? Stop giving them troubles, Ryleigh. You're not a thirteen year old anymore. You're twenty-four," sermon niya. "I am not giving them troubles, Reagan," pagdidiin ko sa kanyang pangalan. Saglit siyang napahinto sa pag-inom pero tumuloy rin kaagad. "Gusto ko lang umuwi dahil may kailangan pa akong gawin. We're nothing but strangers now. Know your place," malamig kong saad. Naglakad ako at lalampasan na sana siya nang bigla niyang isara ang ref. The darkness engulfed the kitchen once again. "We were never strangers, Ryleigh. You knew that," saad niya. Mas malamig pa kesa sa akin. Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone. "So what do you imply? That we're not strangers because I am your ex-fiance?" Napasinghap ako nang bigla niya akong gitgitin sa kitchen island. Kumabog ang aking dibdib nang dumikit ang likod ko roon. Hindi ako makahinga sa lapit niya sa akin. I can already feel his breathe on my face. "Minahal kita, Ryleigh." Napalunok ako. "If for you I am just a stranger or a man from your past. For me, you're not just a stranger or woman from my past. You are the woman I loved and broke my heart just for another man who doesn't even care for you," may halong hinanakit niyang sambit na tuluyang nagpatahimik sa akin. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na kinain ng katahimikan. I just found myself cornered between him and the kitchen table. His arms on each of my sides as if caging me. "But what your father said made me think if it was really for that bastard. . " Sinubukan ko siyang itulak sa dibdib ngunit wala iyong nagawa. "f**k off, Reagan!" "I'm not gonna go anywhere unanswered, Ryleigh," determinado niyang sambit. "Ano bang pakialam mo sa rason kung bakit hindi ko tinuloy ang kasal noon? You're with someone else now! Hindi mo rapat ‘to ginagawa!" asik ko. Napahingal ako nang lumapat ang isa niyang kamay sa aking baywang. Bumaba iyon pababa sa aking balakang sa sensuwal na paraan na nagbigay ng init sa aking katawan. "Tell me your reason, Ryleigh. Gusto kong malaman." Napapikit ako. Both of his hands are now on my hips. Dahil manipis lang ang suot ko ay ramdam na ramdam ko ang mainit niyang mga palad sa aking balat. "F-f**k off, Reagan. W-Wala kang makukuha sa akin!" pagmamatigas. "We'll see about that. You know I always have ways of finding out what I want to know." Mahina siyang napabuga ng hangin sabay pisil sa balakang. Napasinghap ako. "Y-You!" Dahil sa lapit niya sa akin, kitang-kita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. "By the way, nice hips. What's your exercise?" This asshole! I IMMEDIATELY left that night kaya heto at panay sermon na naman sa akin si Dad. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Mas gugustuhin kong sermunan kesa ang makasama pa ang lalaking ‘yon umaga! Sana nga ‘yon na ang huli naming pagkikita. I don't want to see him again! Humihikab pa ako nang lumabas ng aking kuwarto. Dumiretso ako sa kuwarto ni Gideon upang gisingin ito. Napangiti kaagad ako nang makita ang aking anak na mahimbing pang natutulog. Magulo ang kama nito. Ang mga unan ay nasa carpet na at ang blanket ay dibdib at leeg niya na lang ang nakukumutan. Naiiling na lumapit ako at umupo sa gilid ng kama. "Gideon? Baby, gising na po," malambing kong sambit. Hinaplos ko ang kanyang makinis at may katabaang pisngi. "Let's eat breakfast na, anak." Umungot lang ito sabay baling ng katawan sa kabilang direksyon. Inalis ko ang kumot sa kanyang katawan at hinaplos ang kanyang itim na itim na buhok na namana niya kay Reagan. Reagan. . . Marahas akong napabuga ng hangin. That man again! Urgh! "Gideon, alas nuebe na. You have to eat," saad ko ngunit sa akin niya ‘ata namana ang katigasan ng ulo dahil hindi man lang ito gumalaw. "Kapag hindi ka pa bumangon diyan iiwan kita. Magma-mall ako mag-isa—" "Yeally, Mommy?" Kapag gala talaga. Lihim akong napailing bago siya hinila paupo. "Oo, kaya bumangon kana riyan. Let's eat, so, we can go to mall, okay?" Excited siyang tumango saka mabilis na pumasok sa banyo. Tumayo ako at sumunod. I am planning to buy him school bag and supplies. Na-enroll ko na siya sa preschool na malapit lang dito. Bumaba kami nang matapos ko siyang paliguan at bihisan. Nakahanda na ang almusal sa baba. Si Manang Aya ang nagluto at naghanda. Pagkatapos ay iniwan ko muna si Gideon kay Manang para ako naman ang makaligo at makapagpabihis. Isang pale pink fitted dress, white coat at two inches na strappy heels ang isinuot ko. "Let's go, ‘nak," saad ko nang makababa. ‘Agad namang lumapit si Gideon at humawak sa aking kamay. Bakas sa kulay abo niyang mga mata ang kasabikan. Imbes na matuwa ay nakaramdam ako ng awa at guilt para sa aking anak. Hindi ko kasi siya madalas ilabas dahil busy ako sa trabaho. Kapag naman nandito ako ay madalang lang din dahil ayokong magpakasiguro na walang makakakita sa aming mag-ina. Matalas ang mata ng mga tao, lalo na ang mga paparazzi na naghahanap ng maibabalita nila. "Am I yeally going to school, My?" nasasabik na tanong ni Gideon. Ngumiti ako at hinila siya paupo sa aking kandungan. "Yes, po kasi mag-aaral na ang baby ko. What color of bag do you want, hmm?" "Blue! Blue!" Nanggigil naman ako sa ka-cute-an niya kaya marahan kong napisil ang kanyang pisngi. Kumikislap ang mga mata nito sa tuwa. Hanggang sa makarating kami sa mall ay active na active siya. Hindi ko na kailangan pang mamili dahil siya na mismo ang nagtuturo ng mga gusto niyang gamit. Tahimik lang ako at nakangiting nakamasid lang sa kanya. I couldn't believe na ‘yung anak ko na baby lang noon ay heto na. Mag-aaral na at namimili na ng sarili niyang gagamitin. "Why do he grow up so fast?" emosyonal ko nang tanong sa sarili. Lumapit naman sa akin si Manang Aya at masuyong hinaplos ang aking likod. Pinahid ko ang mga luhang bigla na lang dumausdos sa aking mga pisngi. "Gano’n talaga, Ma'am. Mabilis talagang ang panahon kaya dapat sinusulit natin ang mga araw na bata palang sila dahil siguradong mamimiss niyo ang kakulitan ng mga ito kapag nagsilakihan na," saad ni Manang Aya. Mas lalo yata akong maiiyak sa sinabi ni Manang Aya. Nagluluha na naman kasi ang mga mata ko at nagbabantang mag-unahan sa aking mga pisngi. If it only wasn't for the man I saw entering the shop I'm in. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap. What the hell is he doing here? "M-Manang!" "Ma'am?" nagtatakang napatingin sa akin si Manang "S-Si G-Gideon!" Bumaling ako sa kanya. "Itago niyo! Bilis!" Nataranta ang matanda. Mabilis nitong hinawakan sa kamay si Gideon at hinila papasok sa fitting room. . . Para sa mga lalaki?! "Ryleigh?" Nanigas ang buo kong katawan nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. A frowning Reagan greeted me. Lihim muna akong napalunok bago tuluyan siyang hinarap. I cleared my throat. "Yes?" kaswal kong tanong. Bumuka ang mga labi niyang upang magsalita ngunit naunahan siya ng babae sa kanyang gilid. "Who is she?" inosenteng tanong nito. Parang biglang nanuyo ang mga mata ko kaya ilang beses akong kumurap bago nag-iwas ng tingin. "My ex-fiance." Kumibot ang ugat ko sa sentido. He didn't even clarify it. Hindi ba siya natatakot na ma-misinterprent ng babae niya ang sinabi niya? "Oh!" bulalas ng babae. "Are you shopping for you son or daughter? May alam akong magandang store." It was a nice and genuine offer. I should say thank you but for now, I just wanna smack her nape dahil kitang-kita ko ang pagbaba ng mga mata ni Reagan sa hawak kong basket. May laman itong mga white sando for Gideon. Lihim akong napapikit nang mariin dahil sa pagkunot ng noo ni Reagan. "Who are you shopping for, Ryleigh?" Reagan asked, dead serious.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD