HINDI ako makagalaw. Tila huminto ang lahat sa aking paligid, maging ang aking paghinga. The silence is so deafening, I could almost hear my own heart beating erratically. “M-mommy?” Para akong nagising sa masamang panaginip nang marinig ko ang alanganing boses ni Gideon. May takot na sa kanyang mukha dahil yata sa halos isang minutong pagkatahimik naming dalawa ni Reagan. “G-Gideon,” nauutal kong tawag. Umakma pa lang na ibubuka ko ang aking braso pero nakatakbo na siya sa akin at mahigpit na yumakap sa aking hita. Muling bumalik ang tingin ni Gideon kay Reagan. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha ng aking anak pero titig na titig siya kay Reagan. Napalunok ako. W-What now? What excuse I would use to escape this? Kitang-kita niya na. Harap-harapan. Makakatakas pa ba ako? Mari

