Chapter 02

1962 Words
I'M getting anxious each minute. Parang bombang naghihintay na sumabog ang aking katawan. My mouth is shut in a thin line but in my head, I am silently praying he's not there. He couldn't be there, right? He's a billionaire and this is not where he initially live. Nandito lang siya noon para sa Lolo niya at. . .sa akin. But when we separated three years ago. He didn't hide his hate for me. Hindi man niya sinabi pero sa itsura niya noon. Sa galit na nakita ko sa mga mata niya. Baka hindi na siya bumalik pa. But it's his Lolo's birthday. . . "Ma'am?" Napatingin ako sa unahan ng kotse. "Y-Yes?" "Nandito na ho tayo," imporma ng aking driver. "O-okay. Thank you," sambit ko. Bumaba ako ng kotse. Inayos ko muna ang suot kong evening gown bago lumakad papasok sa loob ng mansyon. My parent's house and my once called home. Bumati sa akin ang butler namin na si Juliano. Nasa early sixties na siya at malakas pa. Bata pa lang ako ay nandito na siya. "Good evening, Miss Ryleigh," bati niya. "Good evening din ho," magalang kong sagot. I roamed my eyes around our sala. "Where's Mom and Dad?" "They've go already, milady. Ibinilin sa akin ng inyong ama na sabihing sumunod na lang kayo sa kanila sa party," sagot niya. Umawang ang aking mga labi. The f**k? Bakit pa ako pinapunta rito ni Dad kung hindi rin naman nila ako isasabay? Mahina akong napamura. "I will really smack my father's nape one of these days. . ." I was planning to ask Mom about Reagan ‘yon pala ay wala na akong madadatnan dito. Hindi ko alam kung ano’ng trip ni Dad sa buhay! "Okay. Thank you, Juliano," pormal kong pasasalamat bago ako tumalikod at muling bumalik sa kotse. On our way to the party, my anxiousness keeps growing and growing. Sinubukan kong tawagan si Mom, but she's not answering. I hate this. Hindi ko gustong wala akong alam sa maaaring madatnan roon. Iniisip ko pa lang na naroon siya, parang nang batong hindi makakilos ang mga paa ko. What more kung nandoon talaga siya at magkita kami? I can't help but question too what would be his reaction if he ever sees me. Magagalit ba siya? Maiinis? Lalayuan ako? O ‘di kaya bumalik na naman siya sa ginawa niya noon? Sana naman ang pangatlo sa mga sinabi ko ang gawin niya because I don't really want to deal with him anymore. Sana rin kung nandito siya ngayon sa Pilipinas, umalis din siya kaagad. "Nandito na po tayo, Ma'am." I looked outside. The party venue was so alive because of the lights. Para namang mga bituin sa kintab ang mga alahas at damit ng mga babaeng panauhin. Mukha namang plinantsa ng sampung beses ang mga suit na suot ng mga lalaki dahil sa kintab. I released a deep breath when the door on my side opened. Ang mga camera sa paligid ay agad na tumutok sa akin. Halos mabulag ako sa ilaw na nanggaling sa mga iyon. Hindi ako nag-abalang tingnan sila at diretsong lumakad papasok sa loob. Some people looked at my direction when I entered. Nawala rin naman sa akin ang tingin ng iba. Pero ang mga hindi pa nakaka-move sa nangyayari three years ago ay nagtagal ang tingin sa akin. They have no shame. Lantaran nilang ipinakita na ako na ang panibago nilang topic. "Miss Sebastian?" Huminto ako nang may lalaking nag-approached sa akin. "Yes. Why?" "I'm here to guide you, Miss, as per Mr. Sebastian's command," pormal niyang sagot. "This way, Ma'am." Hindi na ako nagtanong at sumunod na lang sa kanya. Nasa malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang mga magulang ko. Ang aking Dad ay masaya sa pakikipagtalastasan, parang hindi ako iniwan. Palihim kong tiningnan ang mga kasama nila. Nakahinga ako nang maluwag dahil ang Lolo lang ni Reagan ang nakita ko roon. "Good evening," bati ko. Pormal ang mukha. "Good evening to you too, young lady. Akala ko hindi ka na darating, hija," magiliw na bati nito. Maliit akong ngumiti. Kahit na hindi natuloy ang inaasahang kasal nito ay masaya pa rin niya akong kinakausap. He's a good man, unlike his evil grandson. "Happy Birthday po, ‘Lo," nakangiti kong bati sabay abot sa aking regalo. "Thank you, apo." Ngumiti ako bilang tugon at umupo ako sa tabi ni Dad. Lolo Philip Iverson is already 73 years old, yet he's still active and strong. "How are you, Ryleigh?" biglang tanong ni Lolo Philip. Hindi kaagad ako nakasagot nang maalala ko ang aking anak. "I—It was good po." Tumango ito at ngumiti habang nakatingin sa aking regalo. "I knew it was already three years, but I can't still help reminiscing and thinking what would happen kung natuloy ang kasal." Bumaba ang mga mata ko sa lamesa. I knew what Lolo Philip's pointing at. "May apo na siguro ako. Ha! My grandson. It's been three years already pero wala pa yata itong balak mag-asawa at magkaanak. I'm running out of time. Gusto ko nang makita ang apo ko sa kanya," pahayag nito. Napakagat-labi ako dahil sa sumibol na guilt sa aking puso. I want to tell Lolo that he doesn't need to wish for a great grandson anymore. Dahil natupad na ang kahilingan niya. Nand’yan na ang pinakaaasam niyang apo. My son, Gideon. But I can't. "You're not running out of time, ‘Lo. You will see my son. Trust my word." Para akong nayelo sa aking kinauupuan nang marinig ko ang malalim at baritonong boses na iyon. Boses na tatlong taon ko nang hindi narinig. My heart start beating fast and my system become alerted when he pulled a chair in front of me. Nanigas ang leeg ko dahil nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nagtama ang aming mga mata. Kumuyom ang mga palad kong nasa ibabaw ng aking hita. The once determined, needy and warm grey eyes of him have now become cold and merciless. Reagan. . . NAGBABA ng tingin ang mga nanlalaki kong mga mata sa lamesa. W-What does he mean by that? Anong anak ang sinasabi niya kay Lolo Philip? Sino’ng apo ang ipapakita niya? W-what if. . .h-he knew already— "What do you mean, Mr. Iverson? Are you expecting a child from someone?" tanong ni Dad. Nanginginig na ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa. Pasimple akong sumulyap kay Mom. She has the same expression as mine. Hindi ko narinig ang sagot ni Reagan. Maging ang ekspresyon niya ay hindi ko nakita dahil nakayuko lang ako. Narinig ko na lang ang pag-angat ng baso ng wine na nasa harap niya. Dad, Lolo Philip and the other people around us keeps talking. Completely ignoring Reagan's silence. I tried looking casual, and I did a good job at it kahit pa parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Sa bawat minutong lumipas, hindi ako kailanman nagbaling ng tingin sa kanya. Pero ramdam ko ang mga mata niyang nakamasid sa akin. It was excruciatingly hard to control myself from looking at him. I want to hiss at him for shamelessly staring at me. Has he forgotten his manners? When I couldn't take it anymore. Mahina akong tumikhim at naglakas ng loob mag-angat ng tingin sa kanya. Palihim akong napalunok nang magtama ang aming mga mata. His grey eyes are emotionless but it was staring directly at me. Walang pakialam kung naiirita na o nagiging uncomfortable na ako. I glared at him. Tinaasan niya ako ng kilay. Itinaas niya ang hawak na baso at sumimsim doon nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Few more seconds and I have lost my patience. Balak ko na sana siyang singhalan but I was interrupted by the vibrations from my phone. Bumaba ang tingin ko roon at binuksan. It was a message from Mom. Find out if Reagan knows anything, Ryleigh! Kung alam niya na ang tungkol sa apo ako. Then we're both doomed if he tell your father about Gideon! Mom Napalunok ako. Bumalik ang kaba ko kanina. How am I supposed to know kung talaga bang may alam siya tungkol kay Gideon? Tumaas ang tingin ko sa kanya. The asshole was still staring at me! Ang blangko niyang mga mata ay napuno ng isang emosyong hindi ko mapangalanan. Nag-iwas ako ng tingin mula sa kanya. I cleared my throat to get their attention. "Excuse me. I'll just go to restroom." Tumayo ako at walang lingong umalis. Nagtanong ako kung nasaan ang restroom kaya mabilis akong nakarating doon. Wala naman akong ginawa bukod sa mag-isip at mag-ipon ng lakas. Humugot ako nang malalim na paghinga bago nagpasyang umalis. I don't know how and what I will do to find out what he knows. Bahala na mamaya. Bigla akong napahinto sa paglalakad nang makita kong papunta sa direksyon ko si Reagan. My heart starts beating fast. Bumuka ang mga labi ko upang magsalita nang malapit na siya ngunit nanigas ako sa kinatatayuan nang lampasan niya ako. Napamaang ako. What the hell? Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin! After he stared at me shamelessly he will ignore me? Nagtatagis ang mga pangang nilingon ko siya upang awayin ngunit muli akong natigilan. H-He's with another woman. Parang may sariling mga isip ang mga mata kong nagbaba ng tingin sa braso niyang pumulupot sa bewang ng babae. Isang kirot ang biglang bumalatay sa aking dibdib. The crowd was noisy but I can still hear how his icy cold voice he used earlier changed into a soft one. The familiarity of that tone pierce something inside of me. "Let's go. My grandfather's waiting for you," rinig kong malumanay niyang sambit sa babae. You will see my son. Trust my word. Ngumiti ang babae at tumango sa kanya. "Okay!" Before they could even see me, I already hid myself into the pile of people. I don't know exactly where I was going but I was relieved that it brought me outside. Marahas akong napabuga ng hangin at muli ring humugot ng malalim na paghinga. Ilang beses akong humugot ng sunod-sunod na paghinga upang kalmahin ang sarili ko. My hand is trembling but I manage to get my phone inside my purse. I dialed my mother's number. "Ryleigh! Where are you?" may pag-aalala sa boses niyang tanong. I took a deep breath before answering her. "Tell Dad I can't stay any longer. Something. . .came up. I need to go," walang emosyon na saad ko. "What? What happened?" naguguluhang tanong ni Mom. She's still at the table because I can still hear Dad talking. Huminto lang nang marinig siguro ang nagtatakang boses ni Mom. "Don't mind it, Mom. And about what you said earlier. It's a no," saad ko. "He doesn't know." Hindi nakaimik si Mom sa kabilang linya. I don't know why, but I really have to go now. Wala naman talaga akong balak mag-stay. "Ryleigh—" "I have to go now, Mom. And besides, Gideon's waiting for me," mabilis kong sabi. Wala rin naman siyang nagawa kundi hayaan ako. I went outside after texting my driver. Mabigat ang pakiramdam ko habang nasa biyahe pauwi. The scene I witnessed earlier doesn't want to leave my mind. I don't even know why it's bothering me to know he's with someone else now. Natural na iyon. I should expect it. It has been three years and he's already twenty-eight. He will really find a woman who will bear him his heir. It should not bother me. I should be happy. If he ever get married, kahit malaman niyang may anak kami. Hindi na niya ako pakakailaman pa. Kaya dapat matuwa ako. "Be happy, Ryleigh. . ." I whispered to myself. "You should be happy." But why am I not?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD