Jane
Maaga pang natapos ang celebration ng kasal. Bawal mapuyat ang bride buntis kasi ito. Wow! maslalong nakaka inggit.
Nakasakay kami ng kotse ni Taurus nakatingin sa mga ilaw at mga tao sa plaza. Pinigilan ko kasi itong ihatid ako sa bahay. Gusto ko muna siyang makasama. Kahit ngayon lang.
Nakiusap ako ritong kumain kami sa turo-turo na nakahilirang stall sa plaza. Nag alinlangan ito pero napapayag rin. Pansamantala akong iniwan sa loob ng kotse at May binili sa isang bargain sa tabi ng plaza.
Nang bumalik ito may dala ng shawl na kakulay ng damit ko. Maingat na inilagay ito ni Taurus sa ulo ko hanggang matakpan ang kalahati ng mukha. May dinukot itong none graded na salamin sa isang maliit na pouch at isinuot sa akin. Sinipat ko ang sarili sa salamin. Sino bang mag aakala na si Jane Aguilar ito. Napangiti na lang ako. How does a man so caring and as sweet as he is.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Magkahawak kamay kaming naglakad Patungo sa mga nakahilirang stalls. Bumili at kumain ng mga pagkaing matagal ko ng hindi natitikman. Katulad ng dati. Game na man sa pagkain si Taurus. Akalain mo iyon isang Multi Billionaire na tao kumakain sa turo-turo. Nakangiti akong nakatingin rito habang sinusubo nito ang isang kwek-kwek.
"Masarap?" tanong ko.
"You know what, masmasarap ka rito." nakakalukong Saad nito sarap na sarap sa pagkain.
Natigilan ako. At nakaisip na kalukuhan. Kinuha ko ang hotdog at isinubo na hindi pinuputol ang tingin rito.
Damn it!napamura ito at napalunok. Nanuyo yata bigla ang lalamunan nito. Tumalikod ako dito at nagpatiunang pumasok ng kotse. Hindi mawala ang ngiti ko sa mga labi sa naging reaksyon nito. Sumunod naman ito.
Pagpasok nito ng kotse Nagulat ako sa ginawa nito. Bigla niya akong hinawakan sa may batok at kinabig buong pananabik na hinalikan sa mga labi. Mainit at mapusok. Oh s**t! Hindi na rin ako nakapagpigil mapusok at maalab ko rin itong tinugon.
"Taurus." tawag ko rito ng maghiwalay ang mga labi namin.
"Hmm.." tugon nito at ibinalik ang labi sa pagkakahalik sa akin. Nag umpisa na ring maglakbay ang mga kamay nito.
"I want you now." bulong saad nito sa akin. Halatang nagpipigil. Namumula na nga ang tainga nito at buong mukha.
"Here sa kot-" naputol ang pagtatanong ko ng tumunog ang Cellphone ko. Hiningal kaming naghiwalay. "Wait, sasagutin ko lang." Saad ko.
Tumango naman ito. Halatang nabitin dahil nagmumura ito ng mahina. Napadako ang mata ko ibabang parti ng katawan nito. He is so aroused. Nahatala siguro na titigan ko iyon.
"Don't look.! Sagutin mo ang tawag." naiinis na sabi nito. Pa tuloy ang pagmumura. Nahampas pa nito ang manibela. Ganito batalaga ka apiktado ang taong ito sa akin.
Napangiti na lang akong tiningnan ang screen ng phone kung sino ang tumawag. It was Jenny. Nakailang missed call na Pala ito.
"Hello Jen?"
"Finally you answered my call." bungad nito. "wala ako sa bahay umuwi muna ako dito sa Batangas. Nasa hospital ang ang nanay. Kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot."
"I'm sorry hindi ko narinig ang mga calls mo." paumanhin ko. "Hanggang kailan ka riyan? May tatlong photo shoot pa ako walang mag aasikaso sa akin." malungkot kong sabi. Panatag kasi ako pag nandiyan si Jenny.
"Don't worry pag sisikapan Kong makabalik kaagad bago ang photo shoots mo,okay.." pagpapanatag nito sa akin.
"Okay." tipid Kong sagot.
"Keep safe. Sige bye. Love you." paalam nito.
"Thanks, bye. Love you. Mag ingat ka rin. Ikamusta mo ako sa mga magulang mo." paalam ko at pinatay na ang phone.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Any problem?"
Napalingon ako kay Taurus. Tahimik lang itong nakikinig sa pag uusap namin ni Jenny.
"Wala si Jenny umuwi muna nasa hospital ang nanay niya." pagbabalita ko rito.
"So,?"
"So, I'm afraid. Wala akong kasama sa bahay. Umuwi din kasi si Michael sa asawa nito dahil miss na niya ang anak." sabi ko hindi ako makating ng deritso.
"Afraid? Of what?" kunot noong tanong nito.
"Natatakot akong mag-isa sa bahay. Ahhh.. never mind." frustrated Kong Saad.
"Gusto mo samahan kita?"
"No.. need. I can manage. Iuwi mo na ako I'm tired." pakiusap ko.
Binuhay nito ang sasakyan at pinatakbo palayo ng plaza.
Nasa tapat na kami ng bahay. Pinatay nito ang makina ng kotse. Tinanggal nito ang seat belt at Pinagbuksan ako ng pinto.
"Gusto Mong magkape?" tanung ko.
"Sure its my pleasure." sagot nito. Napangiti pa Halatang nagustuhan nito ang paanyaya ko.
Papasok na kami ng bahay nang may mahagip ang mata ko na isang bulto ng taong nakatingin sa amin. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nasa madilim na parti ito nakatayo.Matangkad ito matikas ang pangangatawan at nakasuot ng jacket na may hood. Natigilan ako may lumukobtakot sa buo kung katawan.
Nagitlag ako ng hawak an ako ni Taurus sa likod.
"Hey.. What wrong?" tanung nito.
Napalingon ako rito. "Huh.. Ahh.. Wala." pagsisinungaling ko.
Napalingon pa ako sa labas bago pumasok sa loob wala na ang lalaking kanina ay nakatayo sa parting iyon.
Habang nagtitimpla ako ng kape ni Taurus and that is plain black as he requested hindi mawala sa isip ko ang taong iyon. Sino kaya iyon? Dalawang Gabi ko na itong napapansin. Napapikit ako nang mariin habang hinahamig ang sarili ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.
Muntik na akong mapasigaw ng may yumakap na kamay mula sa likurang ko. It was Taurus. Naaamoy ko ang mabangong perfume nito at ang nakakainganyong amoy ng hininga nito. Nakasubsob ang mukha nito sa leeg ko.
"Ang tagal mo." masuyong Saad nito na hindi inaangat ang ulo sa pagkakasubsob.
"I'm sorry." tanging naisagot ko.
" Is there anything bothering you?" tanong pa nito.
"Wala." sagot ko humarap dito. Itinulak ko ito ng kaunti kaya lumuwag ang pagkakaakap nito at ibinigay ko ang kape.
Nang maubos ang kape nag paalam na ito sa akin para umuwi. Gusto Kong sabihin rito na dito na lang muna siya para may makasama ako. Pinigilan ko ang sarili baka isipin nitong intiresado ako rito. "Hindi nga ba Jane. Don't tell me you will deny it." Saad ng pasaway na utak.