PRINCESS RHIANNA'S POV
Iniisip ko pa rin ang sinabi sakin ni Tita Beatrice may anak pala si Nathalia
Kaylangan kong maghanap ng pedeng malaman na impormasyon
Tumayo ako at lalabas na ng pinigilan ako ni Riya
"Prinsesa Rhianna gabi na ah san ka pa ba pupunta?"
"Sa l-library" sagot ko
"Ano naman gagawin mo sa library ng ganitong oras Prinsesa Rhianna?" Naghihinalang sabi ni Riya
Bumuntong hininga ako at nagsalita
"Magbabasa" sabi ko
"Hindi ka naman nag babasa saka ganitong oras?" Wala na kong kawala
Sumingit si Pina "Library ba samahan kita Prinsesa"
"Hindi na Pina kaya ko naman na saka diyan lang malapit lang naman" sabi ko sakanya at tumango naman siya
Pipihitin ko yung pinto ng nagsalita si Riya
"Sasama ko Prinsesa Rhianna" tumingin ako sa kanya at pinagkrus ko ang nga braso ko.
"Bilang Master mo inuutusan kitang wag sumama sakin" seryosong sabi ko
"Prinsesa Rhianna naman pagagalitan ako ni Prinsipe L-"
"Pagagalitan ka ni Prinsipe ano" tanong ko nakita ko naman siyang lumunok at nag iwas ng tingin.
"A-ahh haha may s-sinabi ba kong ganun ang sabi ko pagagalitan ako ng mga Kuya mo kapag napahamak ka dahil binilin ka nila sakin at bilang master ko kaylangan kitang protektahan" sabi ni Riya
"Hmm pero kaya ko na mag isa Riya" sabi ko at lumabas na
I closed my eyes and thought about where I was going when I opened my eyes and it was dark here in the library
Hindi ko alam kung paano ko nagagawa ang bagay na yon una ang makabasa ng isip ngayon naman ang makapag laho nalaman ko lang na kaya ko palang maglaho nung pagkatapos ko makausap ang Reyna ng Light Kingdom
Pumikit ako non at inisip kong gusto kong bumalik sa Southern Palace at nakapunta nga ako
But for now I will first find any information I can find about Nathalia then I will first find out where my power to disappear and read minds comes from
Gamit ang lupa gumawa ako ng lampara naglakad lakad ako at tumingin ng libro na puwede kong malaman yung tungkol kay Nathalia at sa Anak niya
Patuloy pa rin ako sa pag hahanap ng libro kaso wala akong makita na pede akong makahanap ng impormasyon
At the far end of the library I saw a door that lit up
B-bakit umiilaw ang pinto na ito?
Naglakad ako papalapit sa pinto at nang makalapit ako nawala ang liwanag nito
Pinihit ko yung pinto kaso naka lock ito paano ko ba to mabubuksan
Tiningnan ko yung gilid ng pinto parang may nahagip yung mata ko na papel
May nakita akong sulat na nakaipit sa gilid ng pinto buti nalang nakita ko kase kung titingnan lang siya wala pero kung tititigan mo makikita mo
Kinuha ko yung papel at binasa ang nakasulat dito tinapatan ko ng ilaw galing sa lampara
"Alohamora" basa ko sa nakasulat at may nakalagay pa likod ng papel
"Kanan,Isang hakbang, parisukat"basa ko pa naguguluhan man ako ay sinunod ko ito
I stepped to the right and I saw a square stick that was not whole it was small so I enlarged it with my power now the square stick is in front of me
"Pumili ka ng isang stick sa parisukat na iyan siguraduhing tama ang pinili mong stick dahil kung hindi, hindi na magbubukas ang pintuan" basa ko sa nakuha ko nanaman na papel na nakadikit sa gitna ng parisukat
Kung ganon kaylangan kong pumili ng isa at dapat tama kung hindi, hindi ko na mabubuksan ang pintuan
Ano ba ang pipiliin ko dito napakagat labi nalang ako dahil di ko ako makapili
Pumunta ulit ako sa pintuan baka may clue akong makita
Kaso wala akong makita kaya kinuha ko ang unang papel na nabasa ko at bumalik na ulit ako sa may mga stick dalawang papel na, hmm
Naisipan kong pagpatungin ang dalawang papel na ito at nagliwanag siya tinakpan ko yung mata ko dahil nakakasilaw yung liwanag
When the light disappeared I saw a wand maybe it was
Kinuha ko ang wand at tinapat sa pinto inikot ko ang wand at binigkas ang salitang "alohamora" pagkatapos nagbukas ang pintuan napangiti nalang ako
Pumasok ako at nilapag ang wand ang dami din libro dito naglakad lakad pa ko ng kaonti hanggang sa mapansin ko ang isang libro na umiilaw.
Pumunta ako don at kinuha ang libro dahan dahan ko itong binuksan.
"Sa paglabas ng kapangyarihan maghahari ang kasakiman" basa ko sa nakasulat sa unang pahina ng libro.
Pagbuklat ko ulit ng panibagong pahina nakita ko isang babae napakaganda niya
Ang itim niyang buhok kulay asul na mata na lalong nagpaganda sa kanya
"Nathalia Reese Kardrer" basa ko ulit sa pangalan na nasa baba siya pala si Nathalia pero p-parang kamuka niya si Natasha
H-hindi kaya si N-natasha ang pero hindi
Nakita ko ang isang batang babae kamuka talaga siya ni Natasha
May nakasulat ulit sa baba "Ang magiging Reyna ng Dark Kingdom" basa ko ulit may nakaukit sa batok niya Buwan teka sa batok ko may nakaukit din pero Araw ang nasakin k-kaylangan kong hanapin si Natasha kung siya nga
Binuklat ko ulit sa panibagong pahina.
"Isisilang ang itinakda na magbibigay ng kayapaan sa mundo" basa ko ulit napalunok ako ng makita ko ang litrato, ako ang nasa litrato.
"Sa pag sapit ng kabilugan ang siyang pagbukas ng tunay na kapangyarihan" basa ko pa
Sinarado ko na ang libro at kinuha ito, dali dali akong lumabas
At sinarado ko na pintuan ang wand naman ay binalik ko sa dati at naging papel ulit ito
Kinuha ko ang lampara at pinalutang ito gamit ang hangin bubuksan ko na sana ang pinto kaso nakasalubong ko si Binibining Rin
Tumingin siya sakin "bakit ka nandito Prinsesa Rhianna? gabing gabi na"
"H-hindi po kase ako makatulog kaya naisipan kong pumunta dito para kumuha ng libro at magbasa" sabi ko
"Anong libro ang kinuha mo?"seryosong tanong niya
Gamit ang kapangyarihan ko ng lupa binago ko ang mga nakasulat sa libro at ang pabalat ng hawak kong libro
Nilabas ko galing sa likuran ko ang libro
"Ito po Binibining Rin nakita ko ang nobelang ito kaya naman kinuha ko para mabasa ko"
"Sige bumalik kana sa dorm mo bukas ka nalang magbasa at gabi na"
"O-opo" sagot ko gabing gabi na pala ng makaalis ako ay binalik ko sa dati ang libro
Tiningnan ko ito at sinabing "nasayo ang lahat ng sagot sa katanungan ko"